Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pilipina na nakita sa airport na wala sa sarili, pauwi na

13 August 2019

Image may contain: 3 people, people smiling, people standing and outdoor
Si Bumatay (nakaupo), kasama ang
ilang nagmamahal sa kanya 

Ni Marites Palma


Maayos na ang lagay ni Rachel Claravall Bumatay, 36 taong gulang at taga Isabela, dalawang araw matapos siyang makunan ng video sa Hong Kong International Airport na nakaupo sa sahig at halatang wala sa sarili.

Sa katunayan, pabalik na sana siya sa Pilipinas nitong Lunes ng gabi, nguni’t hindi pinalad na makalipad paalis ng Hong Kong dahil napasara ng isang malawakang protesta ang paliparan.

Napag-alaman ng The SUN na dinala ng mga pulis sa airport si Bumatay sa Lantau Hospital noong ika-10 ng Agosto matapos siyang makunan ng video. Nanatili siya doon ng mahigit isang araw  bago pinayagang lumabas nang sunduin ng kanyang tiyahin na si Rochell Pombo.

Ayon sa kanyang mga kaanak, inatake si Bumatay ng matinding pagkalungkot o depression pagkatapos ng tatlong araw na pamamasyal sa Hong Kong kasama ang kanyang asawa at ilang kaanak. Nakapag check-in na raw ang mag-anak nang biglang mawala si Bumatay sa departure area ng airport.
Nagpipilit daw si Bumatay na manatili sa Hong Kong dahil hindi siya masyadong nakalibot sa siyudad noong nagtatrabaho pa siya dito, at biglang na-terminate at napauwi, dahilan para sila magtalo ng asawa. Kahit malapit na ang takdang oras para sila sumakay ng eroplano pauwi ng Maynila ay hindi daw ito pumayag umalis.

Sa sama ng loob marahil ay pinili ng asawa niya na sumakay na lang sa eroplano, kasama ang kanilang isang anak na may kapansanan, at iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Ipinagkatiwala na lang nila ang paghahanap sa kanya sa iba pa nilang kamag-anak na nasa Hong Kong.

Ayon kay Pombo, ang tanging hangad lang ng asawa para kay Bumatay ay ang aliwin ito sa pamamagitan ng pamamasyal sa Hong Kong. Naging malulungkutin kasi siya magmula nang matuklasan ang isang malaking problema sa pamilya. Ngunit sa halip na maaliw ay lalo itong na-depress.
Isa si Pombo na agad umaksyon para hanapin si Bumatay. Walang takot itong sumugod sa airport kahit may nagaganap na malaking protesta doon noong araw na iyon, para hanapin at damayan ang pamangkin.

Nang malaman naman ng isa pa niyang tiya na si Zenaida Lopez ang nangyari ay agad itong lumipad sa Hong Kong mula sa pagbabasyon sa Maynila. Gusto sana niyang maiuwi agad si Bumatay ngunit nadala na pala ito sa ospital.

Agad namang kumalat sa Facebook ang video ni Bumatay na kinunan ni Jelean Taporco na nanghingi ng tulong para sa maysakit. Makikita si Bumatay sa video na nakaupo sa sahig sa gitna ng lakaran papunta sa mga departure gate, at pinagpaparangalan ang ilang gamit na inilatag niya sa sahig, kasama ang kanyang pasaporte, telepono, at ilang litrato.
May ipinakita ding HKID ni Bumatay mula sa panahon ng kanyang pagtatrabaho dito, at ginamit ito ni Taporco para ihingi siya ng tulong.

Isa ang may-akda nito sa mga agad humanap ng tulong kay Bumataypagkatapos mapanood ang video na agad namang na i-share ng mahigit dalawang libo katao.

Inilapit natin ang kaso niya sa Overseas Workers Welfare Administration, at mabilis namang umaksyon si Welfare Officer Virsie Tamayao. Nakiusap ito agad sa assistance to nationals section ng Konsulado na tumulong para mahingan ng medical clearance si Bumatay para sa kanyang pag-uwi na kasama si Lopez.

Ayon kay Pombo, wala silang sinayang na oras para matulungan ang pamangkin nang matunton na nila kung saan ito dinala ng mga pulis. Agad nila itong pinuntahan sa ospital at inasikaso, at noong payagan na siyang lumabas ay dinala nila ito sa kanilang tinitirhan.

Sa mga bagong kuha nilang larawan na naipost na sa Facebook ay kitang-kita na ang saya sa mukha ni Bumatay, patunay na nakawala na siya sa kanyang mabigat na dinadala.

 ==
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Call us!
Call us!
CALL US!
Call us now!
CALL US NOW!
CALL US!

CALL US!





















CALL US! WE MIGHT BE ABLE TO HELP

Don't Miss