Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Manindigan sa karapatan

Posted on 07 February 2018 No comments
Naka 10 buwan pa lang sa paninilbihan sa Taipo si Elaine, 32 taong gulang, nang bigla siyang pababain ng amo. Pilit siyang pinapapirma na siya ang pumutol sa kanilang kontrata ngunit hindi siya pumayag.

Kahit pa pulis ang kanyang amo ay nanindigan si Elaine na hindi siya pipirma kung hindi nito palitan ang kasulatan para ipakita na ang amo at hindi siya ang nag-terminate. Hinamon pa niya ito na tumawag ng pulis kung ipipilit ang gusto.

Sa tinuran niya ang nagkatinginan ang kanyang amo at ang asawa nito, at napilitang itama ang sulat. Bago pumirma ay hiningi ni Elaine ang lahat ng dapat na bayaran sa kanya, kasama ang annual leave niya para sa 10 buwang paninilbihan. Kahit madaling araw na siyang nakababa ay hindi siya pumayag na hindi itama ang kanyang pinirmahan.

Ang nasa isip ni Elaine noong mga panahong iyon ay ang laki ng nagastos niya para lang makapunta sa Hong Kong. Tatlong beses siyang pina medical examination ng ahensya, sa halagang Php2,500 at dalawang tig Php3,000. Iyung una ang sabi ay expired na yung permit ng nag medical exam sa kanya, yung pangalawa ang sabi naman ay positive daw yung pregnancy test niya kahit alam niyang imposible ito dahil nasa probinsiya ang asawa niya at isang buwan na siya sa Maynila. Sa kagustuhang makaalis ay nagpa-eksamin siyang muli sa pangatlong pagkakataon, kasama ang dagdag na Php800 para sa pregnancy test.

Bukod dito ay pinagbayad siya ng Php16,000 para daw sa training.

Sa laki ng nagastos niya ay isinumpa ni Elaine na hindi na siya magpapaloko ulit. Kahit madaling araw na siya nakababa ay naroon pa rin ang galit, takot at inis ni Elaine.  Nakadagdag pa kasi dito ang galit at paninisi ng kanyang agency dahil hindi siya pumayag sa gusto ng amo.

Matapang na sinagot ito ni Elaine na hindi siya kailanman pipirma sa maling kasulatan. Dahil sa madaling araw na, sa isang McDonald’s outlet nagpalipas ng oras si Elaine bago nagbiyahe papunta sa kanilang simbahan kung saan may shelter para sa mga naterminate.

Nang sumunod na Linggo ay pumunta siya agad sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) para ireklamo ang agency. Bukod kasi sa siningil sa kanya ay pinagbayad pa ang kanyang tiya na nandito sa Hong Kong.

Ang payo ni Elaine sa mga kababayan: huwag matakot ipaglaban ang karapatan lalo at marami namang mga tao na maaring tumulong sa iyo sa oras ng kagipitan. - Rodelia Villar

3 OWWA receipts missing

Posted on No comments
Three official receipts of the Overseas Workers Welfare Administration have gone missing in Hong Kong, and the government agency says those invoices have now been voided and will not be honored.

A notice issued by OWWA Hong Kong gave the receipt serial numbers as 15576948, 15576949 and 15576950.

Welfare Officer Judith Santos said the use of those missing receipts would be considered null and void.


She requested anyone who had found it or inadvertently taken it to return it to the OWWA office at the Philippine Overseas Labor Office on the 16th floor of Mass Mutual Bldg. at 33 Lockhart Road, Wanchai.

First 10-year Philippine passport released in HK

Posted on 06 February 2018 No comments
Passport officer Rene B. Fajardo issues the passport to Bonna Bedia

The first 10-year Philippine passport was released at the Philippine Consulate on Feb. 5, 2018, to Bonna Bee Bedia. This was less than a month since the new extended validity-passport was launched in Manila

The expected launch of the new passport has caused the number of applicants at the Consulate to more than double since the start of the year, prompting Consul General Antonio A. Morales to shuffle staff on Sundays, the busiest day for applicants.

The number of applications on Sundays jumped to about 700 last month, compared with a 350 average for the previous months.

The regular passport is still being issued at the old price of $480 in Hong Kong, and has the same number of pages, but with improved security features. The requirements for renewal and application remain the same.

Under the new passport law signed by President Rodrigo R. Duterte in October, regular passports will be valid for 10 years for Filipino travelers 18 years old and above. Those under 18 will still be issued passports that are valid for five years.



What's on where?

Posted on No comments
The Philippine Consulate General will be closed on the following dates:
Feb 15-18  (Thursday to Sunday): Chinese New Year
Mar 29-31 (Thursday to Saturday): Holy Week
There will be no official business transactions at the Consulate and POLO on these dates.
In case of emergency, please call: 9155 4023 (Consular assistance); 5529 1880 (POLO); 6345 9324 (OWWA)

HK Education Fair
Visit the HKTDC Education and Careers Expo on Feb 1-4 at the Hong Kong Convention and Exhibition Centre in Wanchai. The Philippine booth is at 1E-D07. Representatives from the University of the Philippines, Ateneo de Manila University and De La Salle University will be there. Admission is free! Talk: Feb.4, 11:30-11:50am: Talk by UP Prof. Wendell Capili

Leadership and Social Entrepreneurship Classes
Registration will be on Feb. 3 and 10 (Saturday class)
and Feb. 4 and 11 (Sunday class) MERC, 12/F, Euro Trade Centre, 21-23 Des Voeux Rd Central. Classes will start on Mar 3 (Saturday) and Mar 4 (Sunday)
For Saturday class, please contact:
Analyn Regulacion, Mobile: +852 65009288; Becky Sta. Maria, Message only:  Whatsapp/Viber +852 97622749/  56080713. For Sunday Class, please contact: Ma. Wilma Padura, Mobile: +852 9386 2514, Andi Allado Mendoza, Mobile: +852 56139395
For more info, please check: https://wimler.blogspot.com/2018/01/wimler-hk-lse-hk-alumni-association.html

2018 1st Flea Market
Feb. 4 (Sunday), 10am-4pm, GardenPlus events venue, Wanchai Sports Ground. Organized by: GardenPlus
Event will feature a coupon garden sale, live music, games and programs. Food and drinks will be served, too. Table prices:  Personal stuff- $200 or 2 for $300; Commercial stuff-$500 or 2 frr $800; For more information, call Henny at 6753 5567

Urban Lunar New Year lantern carnival
Mar 1, 2018, 7:30pm-9:30pm – Youth night.
Mar 2, 2018, 7:30pm-10pm – Carnival night.
Hong Kong Cultural Centre Piazza, Tsimshatsui.
New Territories West LNY lantern carnival
Mar 2, 2018, 7:30-9:30pm – Youth night.
Mar 3, 2018, 7:30-10pm – Carnival night.
Tung Chung North Park, Lantau Island.
New Territories East LNY lantern carnival
Mar 3, 2018, 7:30-9:30pm – Youth night.
Mar 4, 2018, 7:30-10pm – Carnival night.
Hong Kong Velodrome Park, Tseung Kwan O

Sustainable Sunday Couture (from Elpie Malicsi) 
Mar 4-14, PCG
Mar 18- April 1, Main Library, University of HK
The exhibition will showcase costumes made of recycled materials that were designed by  Elpie A. Malicsi, a Filipino domestic worker based in HK. For information, contact Dr. Julie Ham at iham@hku.hk

Posted on No comments
Caritas Language Courses for EMs
Caritas Asian Migrant Workers Social Service Project has received sponsorship from the Home Affairs Department to run language courses for ethnic minority residents in HK. Enquiries: 2147-5988.
Sunday Advance Cantonese: Caritas Fortress Hill Centre, G/F, No.28A, Fortress Hill Road, Hong Kong
   Period : 8 April - 22 July 2018 (16 lessons in total)
   Time   : 10:00 - 13:00 (Total 50 hours)
   Target : Ethnic Minorities in HK with HKID
   Fee     : $100 each,, including materials (CSSA recipient : $50)
   Saturday Basic Cantonese: Caritas Fortress Hill Centre, G/F, No.28A, Fortress Hill Road, Hong Kong
   Period : 12 May - 25 August 2018 (16 lessons in total)
   Time   : 10:00 - 13:00 (Total 50 hours)
   Target : Ethnic Minorities in HK with HKID
   Fee     : $100 / head including materials (CSSA recipient : $50)
Saturday Intermediate English: Caritas Fortress Hill Centre, G/F, No.28A, Fortress Hill Road, Hong Kong.
   Period : 12 May - 25 August 2018 (16 lessons in total)
   Time   : 14:30 - 17:30 (Total 50 hours)
   Target : Ethnic Minorities in HK with HKID
   Fee     : $100 / head including materials (CSSA recipient : $50)
 
For Tinikling Lovers
The Tinikling Group of Migrants is in need of male/female performers with or without experience, no age limit. TGM performs mostly for LCSD events. Interested person may contact Marie Velarde @ 67175379, Emz Bautista @ 98512804 and Rowena Solir @97331049.

Attention: Rugby enthusiasts
The Exiles Touch Rugby group is inviting rugby enthusiasts to join the team. We practice every Sunday at the Happy Valley Pitch 8 from 5pm to 8pmat the Happy Valley Pitch 8.  For those interested please contact: Ghelai 65414432 whatsapp/sms or click “like” on Exiles HK facebook page

Wanted: softball players
The all-Filipina softball team is now open for tryouts. Those who are interested, especially those with prior experience in the game may contact Team Captain Don Gaborno at 5318-5113

An invitation to play volleyball
Calling sport-minded Filipinas who want to play volleyball. A team is being organized by a group led by Shane Key Gonzales to compete in upcoming volleyball leagues in Hong
Kong. Interested parties may contact Shane at 54498080.

Masuwerte ka ba sa Pebrero?

Posted on No comments
ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Pag-ukulan ng pansin ang kulturang iyong pinanggalingan. Upang gumanda ang porma, gawing regular ang pag-eehersisyo o paglalaro ng sports. Kung gusto mong mag-invest, mamuhunan sa real estate. Mahihirapan kang ayusin ang problema sa taong malalapit sa iyo. Sumulat sa dating kaibigan. Lucky numbers: 12, 18, 21 at 38.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Dahil sa tigas ng loob mo, magkakaproblema ang pagsasama. Sa trabaho, malulusutan mo rin ang hirap at balakid na matagal nang nagpapabagal sa iyo. Kung hihingi ng dagdag-sweldo, ibibigay ito. Makakaranas ng pananakit at panginginig ng katawan, kaya kumain ng pagkain na mataas sa magnesium gaya ng beans, nuts, brown rice at berde at madahong gulay. Gaganda ang pananalapi kung matututo sa mga pagkakamali; iwasang sumugal sa mga bagay na hindi ka sigurado. Lucky numbers: 5, 11, 27, 33 at 40.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Mag-ingat sa labis na nerbiyos, mag-hinay hinay at kumain ng pagkaing sagana sa vitamin B1. Magulo ang love life ngayon, mag-ingat at baka tuluyang masira ang relasyon. Basahing mabuti ang mga dokumento bago pirmahan upang maiwasan ang malaking pagkakamali. Maayos ang samahan sa pamilya dahil sa iyong magandang pakikitungo, sigla at pagiging positibo, pero iwasang ipilit ang mga ideya mo sa mga kaanak. Lucky numbers: 11, 19, 28 at 41.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Upang magtagumpay sa iyong gawain o personal na proyekto, gawin lang ang talagang kailangan at magpakita ng sipag at tiyaga. Kung nahihirapan kang mahanap ang totoong kaibigan o katuwang, ito ay dahil masyadong mataas ang iyong pamantayan. Madali kang magtampo nang dahil lang sa kaunting pagtatalo sa mga kasamahan. Mahihirapan ang lahat na kausapin ka, pero ikaw lang din ang talo sa ganitong sitwasyon. Lucky numbers: 20, 25. 31 at 42.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Sa linggong ito, iwasan ang transaksyon sa lupa o bahay, o ang makipag-ayos sa isang legal na usapin. Mag-ingat sa mga biglaang galaw, lalo na sa loob ng pamamahay, at baka masaktan. Kung nagsasawa na sa pang-araw araw na gawain, paganahin ang imahinasyon upang magkaroon ng bagong pananaw. Oras na upang alisin o bawasan ang yabang o bilib sa sarili upang mapaganda ang kalidad ng trabaho. Tahimik ang love life, walang away pero kulang din sa init kaya gusto mong sumubok ng bagong bagay, pero hindi tiyak kung papayag ang kapartner mo. Lucky numbers: 16, 29, 30 at 36.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Mag-relax kasama ang mahal mo at lalo kang mapapamahal dito. Mag-ingat: hindi lahat ng kumikinang ay ginto kaya busisiing mabuti ang mga alok sa iyo. Mag-ingat din sa pagtaas ng presyon ng dugo! Sa trabaho, kailangan mong patunayan ang iyong husay at siguradong maganda ang kapalit nito. Huwag mag-atubiling subukan ang iyong mga orihinal na ideya. Lucky numbers: 7, 26, 35 at 40.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
May alingasngas na namamagitan sa inyo ng kapitbahay o kapamilya; huwag hayaang lumaki ang gulo. Mahihirapan kang kontrolin ang pabigla-bigla mong pagdedesisyon na nakakasama sa iyong trabaho. Mahaharap ka sa masakit na pagtatanong, na makabubuti naman sa iyong isipan at puso. Pag-aralang mabuti ang pinansyal na kalagayan dahil baka nagkamali ka ng kalkula. Baka mas kailangan mo pang magtipid ng husto. Lucky numbers: 16, 23, 31 at 45.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Mag-ingat, babalik ang labis na selos na maaaring magresulta sa malaking pagkasira. Tanggapin ang lahat ng imbitasyon upang magkaroon ng bagong ideya at lumawak ang pananaw. Mag-ingat sa shellfish, alkohol o sa pagkaing hindi nakasanayan na baka magdulot ng pamamaga ng mukha at pamamantal. Sa tulong ng kamag-anak ay maaayos mo ang lahat. Pagdating sa pamilya, huwag ipikit ang mata sa problema; harapin ito bago pa lumala. Bantayan maigi ang mga anak. Lucky numbers: 15, 24, 32 at 46.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Magiging abala ka sa trabaho at social life, pero baka makaligtaan mo ang mahal sa buhay. Para maiwasan ang pananakit ng kalamnan, mag-ingat sa paglalaro ng sport o pabigla-biglang kilos. Kailangang ikaw ang lumapit at makipagkilala kung gusto mong magkaroon ng bago at mabuting kaibigan. Malakas ang loob mong sumugal sa sari-saring transaksyon, mag-ingat at bawasan ang tapang mo sa pakikipagsapalaran. Lucky numbers: 13, 22, 37 at 43.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Lahat ng nirereklamo mo ay nangyayari sa lahat! Subukang tumulong sa mga nangangailangan upang makalimutan ang maliliit na personal na problema. Mag-ingat na mabaon sa utang! Ang pananakit ng lalamunan ay maaring dulot ng allergy. Maaayos din ang ilang problema sa pagsasama at mas magiging masaya pang lalo ito. Mababawasan din ang pag-aaalala at nerbiyos na nararanasan. Lucky numbers: 6, 19, 27, at 41.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Makakapagtrabaho ka ngayon ng maayos at tahimik. Magagamit mo ang koneksyon at impluwensya upang umangat sa trabaho o propesyon. Kumain ng marami sa agahan upang gumana ng husto ang isip. Ayusing mabuti ang pananalapi. Magulo ang sitwasyon sa tahanan dahil wala kayong napapagkasunduan sa lahat ng bagay. Huwag hayaang lumala ang problema. Lucky numbers: 5, 18, 26 at 31.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Napapanahon na upang makipag-ugnayang muli sa mga taong matagal ka nang walang balita. Sa trabaho, hindi maiiwasan ang pagbabago. Huwag mag-alala dahil madali at maayos kang makakapag-adjust. Mababawasan ang problema sa kalusugan, mawawala nang kusa ang allergy mo. Bibigyan mo ng importansya ngayon ang iyong love life, at babalik ang sigla sa buhay. Lucky numbers: 17, 23, 35 at 42.

DCG tells teachers: challenge yourselves intellectuallyDCG tells teachers: challenge yourselves intellectually

Posted on No comments
By Daisy CL Mandap

Think. Read. Challenge yourself. Question your existence.

These were among the words of wisdom imparted by Deputy Consul General Roderico Atienza to a group of Filipino teachers in Hong Kong who joined the 2018 news writing seminar conducted by The SUN at the Philippine Overseas Labor Office in Wanchai on Jan. 21.

“We have to continue challenging ourselves intellectually,” DCG Atienza told the 19 teachers and about 10 other foreign domestic workers who joined the seminar. “In the same way that we can maintain our youthful vigor, ganoon din dapat ang mind natin. We also have to exercise our minds.”

Organizer Gemma A. Lauraya, president of the National Organization of Professional Teachers – Hong Kong is joined by The SUN Editor Daisy Catherine L. Mandap, DCG Roderico Atienza and The SUN Publisher Leo A. Deocadiz.

Atienza threw scorn at “nosebleed,” the popular Filipino expression used to denote one’s failure to understand what is being said because it’s in English, saying “let’s avoid (saying) that. That’s because to him, this denotes that someone does not want to be challenged intellectually, that it is better to dumb down the conversation.

“There’s nothing wrong with being an intellectual, huwag lang tayong maging snob,” he said.

Critical thinking, as well as reading, could help open one’s mind to new ideas.

“Before you get into the writing, yung style and everything, get into the thinking (part) first,” he said.

Atienza also shared his experiences as a journalist for five years prior to joining the civil service. Two of those were spent in the Philippines, and three in Japan, where he was hired because of his fluency in both the English and Japanese languages.

The seminar was broken down into three parts, with editor Daisy CL Mandap giving basic lessons on news writing, and how being able to write could help anyone, whatever profession they’re in.

The next part, conducted by associate editor Vir B. Lumicao, focused on news gathering techniques and basic lessons on grammar.

The third part, handled by publisher Leo A. Deocadiz, started off with a video of an actual press conference given by White House doctors on President Donald Trump’s recent medical check-up. The participants were then told to write a “lead” or the first paragraph of a news story, distilling the essential information given out in the presser.

The participants were then encouraged to send stories to The SUN so they will have a better understanding of the process involved in writing the news.

Also at the seminar were The SUN’s contributors, who shared their experiences on how writing has helped them understand issues affecting migrant domestic workers, and given them the courage to express themselves and help others.

The session ended with Gemma A. Lauraya, president of the National Organization of Professional Teachers – Hong Kong, handing over a contribution from participants for the food and other expenses for the seminar, which The SUN in turn said will be donated to the Bethune House Migrant Women’s Refuge.

Pinay na namatay sa banyo, inuwi na

Posted on No comments
Ni Marites Palma

Naiuwi na ang bangkay ni Erlinda Diego Cabulong, 45, na namatay pagkatapos makitang nakahandusay sa banyo ng kanyang amo noong ika-9 ng Enero.

Nagkaroon ng public viewing ng kanyang mga labi sa Universal Funeral Homes sa Hunghom noong ika-24 ng Enero, bago ito isinakay pauwi sa Maynila kinabukasan sa Philippine Airlines flight PR 301.

Binawian ng buhay si Cabulong sa Tuen Mun hospital dalawang oras pagkatapos siyang itakbo doon ng kanyang amo.

Naulila niya ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki na nakatira sa Purok 4, Villa Santiago, Aglipay, Quirino.

Ayon sa kanyang kapatid na si Mercedes Jasmin Diego, wala pang resulta ang isinagawang pagsusuri para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid. Sa pagkakaalam niya ay wala naman itong sakit na hypertension.

“Napakasakit ang biglaan niyang pagkawala, wala man siyang senyales na mawawala na siya dahil nakagroup chat at nakavideo call pa ang mga anak at apo noong gabi bago siya mamatay, kaya di namin matanggap na wala na siya” ani Diego. Aakuin daw ng amo ang gagastusin para sa pag-uwi ng mga labi ni Cabulong ngunit hanggang Manila lamang. Ang pamilya nila ang sasagot sa pagpapauwi dito hanggang Quirino.

Ang amo na si Josephine Ngan ang unang nagbalita na nakitang walang malay si Cabulong sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Tuen Mun. Umapela ito sa pamamagitan ng Facebook na tawagan siya ng kapatid ng kasambahay agad-agad. Naka-lock daw kasi ang telepono ng yumao kaya hindi nila alam kung sino ang tatawagan.

Aray ko po!

Posted on 05 February 2018 No comments
Namimilipit sa sakit si Violy, Ilokana at 50 taong gulang, nang dalhin siya sa Ruttonjee Hospital sa Wanchai noong Enero 8. Pagbaba niya kasi mula sa higaan niyang mataas ay nasabit ang kanyang tuhod sa hagdanan nito, at nasugat.

Kinailangan siyang operahan dahil sa dugong namuo sa kanyang tuhod. Muli ay matinding sakit ang naramdaman niya dahil nababanat ang balat sa kanyang sugat kada hakbang niya. Agad naman siyang pinauwi pagkatapos ng operasyon, at pagkalipas ng ilang araw ay pinabalik para sa therapy.

Pero nang tingnan ng doktor ang kanyang tuhod ay nakita nitong may natira pang dugo sa sugat, kaya kinailangan niyang maoperahan muli. Magkahalong takot at sama ng loob ang naramdaman ni Violy nang muli siyang operahan.

Mabuti na lang at umayos na ang kanyang pakiramdam pagkatapos nito, at dahil binigyan siya ng isang linggong pahinga ng doktor. Alalang-alala naman ang kanyang amo, at lagi siyang sinasabihan na magpahinga.

Alam ni Violy na aksidente ang nangyari, pero tuwing binabalik-balikan niya ang pangyayari, naiisip din niya na dapat ay naging mas maingat siya. Kagigising lang niya kasi noon at marahil ay aantok-antok pa nang bumaba sa hagdanan ng kanyang kama kaya sumabit ang kanyang tuhod.

Ang payo niya, “huwag agad babangon at bababa mula sa higaan, mababa man o mataas, dahil madaling mawalan ng balanse at masabit o matumba”. Mag-inat inat daw muna at siguradong gising na ang diwa bago tumayo at nang malayo sa disgrasya. – George Manalansan

Natalo ang bruha

Posted on No comments
Galak na galak si Arlene, 35 at Ilokana, nang kumbinsihin siya ng dating among Indian na bumalik sa kanila, kapalit ng $6,000 na suweldo. Nilayasan ni Arlene ang dating amo pagkatapos ng limang taon na paninilbihan dahil sa walang kaparis na pasakit na dinanas niya sa malditang asawa nito.

Siya lang ang tumagal ng dalawang kontrata sa 14 na naging katulong ng among Indian dahil sa kasungitan ng asawa nito.

Maraming dinanas na pasakit si Arlene sa among demonyita. Minsan, nang hindi masunod ang iniutos nito sa kanya ay maghapon siyang hindi pinakain. Ilang beses na din siyang pinalayas, at pinagtatapon ang mga gamit niya sa labas ng pinto.

Napakiusapan lang siya ng among lalaki ang mga anak nito kaya hindi siya umalis.

Ngunit may sukdulan din ang kanyang pagtitiis. Sa ikalimang taon ay tinotohanan niya ang pag-alis, kahit kinailangang umuwi muna siya dahil sa pag-break niya ng kanyang kontrata.

Isang buwan pa lang siyang nakakabalik at naninilbihang muli nang tawagan siya ng dating amo, at hinimok na bumalik sa kanila. Nangako ito na sila na ng kanyang mga anak ang kakastigo sa salbaheng asawa.

Dala sa pangangailangan ay kinausap ni Arlene ang bagong amo at sinabi dito ang alok sa kanya na malaking suweldo. Ayon sa bagong amo, wala itong magagawa kundi pakawalan siya dahil hindi nito kayang tapatan ang alok na suweldo.

Nang iparating niya ang ang pagsang-ayon sa alok ng among Indian ay agad siyang sinundo nito sakay ng kotse, at binayaran ang isang buwang suweldo kapalit ng pasabi sa iniwanang amo. Agad ding inasikaso ang muli niyang pagpirma ng kontrata sa kanila.

Ngayon, ayon kay Arlene ay hitsurang bruha pa rin ang kanyang among babae ngunit bawal nang magsungit dahil ang asawa at mga anak na niya ang makakalaban. Tuwang tuwa naman ni Arlene dahil wala nang kontrabida sa buhay niya, malaki pa ng di hamak sa dati ang suweldo niya. – George Manalansan

Don't Miss