Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Hong Kong News

Community Events

Videos

The SUN Calendar

Community Announcements

PINOY JOKES

Opinion

Tribong Pinoy

>

DIY Travel

>

Balitang Artista

Konsulado, nanawagan sa mga Pilipino na magbigay ng dugo

Posted on 24 September 2023 No comments

 

Ang panawagan para sa mga Pilipino na gustong magbigay ng dugo sa HK Red Cross

Nanawagan ang Konsulado sa lahat ng mga Pilipino sa Hong Kong na sumali sa isang malawakang kampanya ng Hong Kong Red Cross para mangalap ng dugo.

Ang Blood Donation Drive na Pilipino ang mga particular na target ay idaraos sa ika-8 ng Oktubre, 10am hanggang 5pm, sa Hong Kong Red Cross Central District Donor Centre na nasa 1/F ng Tung Ming Building, 40-42 Des Voeux Road Central (Exit C ng Central MTR station, malapit sa World-Wide House).

Maaring magbigay ng dugo ang mga edad 16 hanggang 65 taong gulang, may bigat na 41 kilos o 90 lbs pataas, at nasa mabuting kalusugan.

Ang mga gustong magbigay ng dugo sa araw na ito ay inaanyayahang magrehistro dito: https://bit.ly/PCGBloodDrive

Para sa mga may tanong, maaring tumawag sa Cultural Section ng Konsulado sa numero 2823-8535 o mag-email sa cultural.pcg@gmail.com.

Kamakailan ay nanawagan ang mismong Hong Kong Red Cross ng donasyon ng dugo mula sa publiko dahil bumagsak daw ang kanilang supply dahil sa dalawang magkasunod na sakuna, ang pagbaha sa maraming lugar sa siyudad, at ang pagtaas ng T10 signal dahil sa pagdaan ng isang super typhoon.

Sa panawagan na inilathala ng gobyerno noong ika-9 ng Setyembre, sinabi ng Red Cross Blood Transfusion Service (BTS) na kailangang kailangan nila ng gamot, lalo na ng type O, para dahil kailangan masalinan agad ang mga pasyente sa ospital.

Umabot sa may 140 katao ang itinakbo sa ospital dahil sa mga sugat na natamo sanhi ng malawakang pagbaha sanhi ng pinakamalakas na pag-ulan sa buong kasaysayan ng Hong Kong.

Pakaingatan ang HKID card para di magamit sa scam

Posted on 23 September 2023 No comments

 

Ginagamit ang mga ninakaw na personal na detalye para sa scam, ayo sa pulis (File)

May bagong paraan na ginagamit ang mga masasamang loob para mang scam, at ito ay ang paggamit ng HKID card ng ibang tao para makapagparehistro ng SIM card sa telepono, na siya nilang ginagamit para manloko.

Ito ay ayon sa pulis, na nagbalita na nitong Huwebes na may naaresto silang 23 katao na pinaghihinalaang nasa likod ng ilang dosenang scam kung saan nawalan ng kabuuang halaga na $6.5 million ang mga biktima.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Umabot sa 42 ang mga nabiktima, kabilang ang isa na nawalan ng $1.36 million sa isang tumawag sa telepono at nagpakilala na pulis sa Mainland.

Sabi ng mga pulis, dumami ang mga ninanakawan ng personal na detalye para magamit ang mga ito sa scam matapos ilunsad ang sapilitang pagparehistro ng mga SIM card sa pangalan ng gumagamit nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dalawa daw sa mga naaresto ay mukhang naibigay ang kanilang mga personal na detalye sa mga manloloko nung mag-aplay sila online ng trabaho, at ginamit naman ito ng mga scammer para magrehistro ng bagong numero ng telepono, ayon kay inspector Kwok Ka-shing.

Ang iba naman ay inaresto dahil pumayag na maging sugo sa pangongolekta ng pera mula sa mga biktima, o ipinahiram ang kanilang account sa bangko para magamit sa money laundering ng mga sindikato.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Lanterns to set HK ablaze for Mid-Autumn Festival

Posted on No comments

 

3,000 lanterns will be hung along the Tung Chung Promenade from Saturday, Sept 23

Spectacular lantern displays with different themes will be set up at three main parks across Hong Kong starting today, Saturday, in celebration of the Mid-Autumn Festival, as well as China’s National Day.

At the same time, nearly 3,000 lanterns will be hung along the Tung Chung promenade to mark the festivities, which will be kicked off with a lighting ceremony at 7pm today.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The Mid-Autumn Lantern Carnivals in Victoria Park, Shatin Park and Tuen Mun Park will be lit up from 6:30pm, also today. They will remain lit until 11pm daily with the lighting hours extended to midnight on Sept. 29, which is the Mid-Autumn Day.

Various activities will also be held in all three parks at different dates until Oct. 2, the day after the Chinese National Day.

'Chinese Delights in Full Splendor' is the theme of the Lantern Display at Victoria Park

Among them, a fire dragon dance parade, as well as a paid programme, the grand finale of the Chinese Opera Festival 2023 "Bless This Land - Cantonese Opera Showcase under the Bamboo Theatre", will be held in Victoria Park; while youth shows will be staged at Sha Tin Park and a gala night at Tuen Mun Park.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The full schedule and details of the Lantern Festival activities at the three parks can be seen here:  https://www.info.gov.hk/gia/general/202309/22/P2023092200256.htm

For enquiries, please call 2591 1340 or visit the webpage at: www.cpo.gov.hk/event/en-mid-autumn-lantern-carnivals-2023-1.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The Mid-Autumn Lantern Carnivals 2023 is part of the Leisure and Cultural Services Department’s programs in support of the Night Vibes Hong Kong campaign.

Jade Rabbit Lanterns at Sha Tin Park
Meanwhile, a Happy Moon Lantern Festival highlighted by the display of 3,000 colorful lanterns will open from Sept 23 until October 8 at Tung Chung East Promenade, under the auspices of the  Sustainable Lantau Office (SLO) under the Civil Engineering and Development Department and the Islands District Office.

The Festival’s layout is designed by veteran film director and contemporary artist, William Kan, and features a giant "happy moon" and "twin rabbits" lanterns.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The lighting ceremony of the Lantern Festival will be held at 7pm today, September 23. Thereafter, the lanterns will be lit from 6.30pm to 10pm daily, and extended to 11pm on the Mid-Autumn Festival Day and the following day (September 29 and 30 respectively).

A Lantern Carnival will also be held at the same site on September 29 and 30, organized by the Islands District. Activities will include a hanfu experience, cultural performances, art workshops, lantern riddles and booth games.

For details of the Tung Chung Lantern Festival, please visit the SLO's website at www.lantau.gov.hk/en/events/20230923.html.

Ferris wheel lantern at Tuen Mun Park

Also joining in the fun are shopping centers run by the Housing Authority with the main events being held at Domain its flagship mall in Yau Tong, East Kowloon.

The malls will feature Mid-Autumn Festival decorations, including walls of lanterns, a goldfish on the floor, a starfruit wishing tree, a smiley moon and two 2-meter-high giant rabbit lanterns.

A series of night-time events will also be held at the shopping centers, including a variety show featuring popular local singers, busking performances, group singing and dancing, and water lanterns for pledging wishes.

Subject to spending requirements, Domain Club members may redeem a water lantern for pledging a wish at the roof garden. In addition, all visitors may redeem a complimentary gift or one-hour free parking for any spending between 8pm and 10pm during the Mid-Autumn Festival night at Domain.

Domain mall in Yau Tong is all-bedecked for the festivities

As for the HA's other shopping centres, shoppers may redeem gifts at the 18 shopping centres listed below subject to spending requirements and quotas on a first-come, first-served basis from 3pm to 7pm from September 29 (Friday) to October 1 (Sunday).

Hoi Lai Shopping Centre, Sham Shui Po;

So Uk Shopping Centre, Sham Shui Po;

Lai Chui Shopping Centre, Cheung Sha Wan;

Ching Long Shopping Centre, Kai Tak;

Ping Shek Estate, Kwun Tong;

Choi Tak Shopping Centre, Kwun Tong;

On Tai Shopping Centre, Kwun Tong;

Lung Poon Court Commecial Centre, Diamond Hill;

Shek Pai Wan Shopping Centre, Hong Kong Island;

Tin Yan Shopping Centre, Tin Shui Wai;

Siu Hong Shopping Centre, Tuen Mun;

Lei Muk Shue Shopping Centre, Kwai Chung;

Kwai Chung Shopping Centre, Kwai Chung;

Mei Tin Shopping Centre, Sha Tin;

Shek Mun Shopping Centre, Sha Tin;

Pok Hong Shopping Centre, Sha Tin;

Shui Chuen O Plaza, Sha Tin; and

Queens Hill Shopping Centre, Fanling.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Pilipina, ikinulong at ipinasauli ang natira sa ninakaw na $20K mula sa amo

Posted on 22 September 2023 No comments

 

Ang lugar na pinangyarihan ng pagnanakaw.

Ipinakulong ng dalawang buwan at pinagbayad ng $8,000 ang isang Pilipinang domestic helper matapos siyang umamin na nagnakaw ng cash na $20,000 sa kanyang among taga-Kowloon Tong.

Si Ma. Rowena Balambao, 39 taong gulang, ay ibinalik sa kulungan upang pagsilbihan ang kanyang sentensiya, matapos siyang hatulan kahapon (Sept. 21) ni Principal Magistrate Don So sa Kowlooon City Court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinatawan siya ng tatlong buwang kulong bilang parusa sa paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance, na nagtatakda ng parusa na hanggang 10 taong pagkakulong.

Dahil sa kanyang pag-amin ay binawasan pa ito ni Magistrate So ng 1/3 o isang buwan, kaya naging dalawang buwan na lang. 

Pero dahil nakita sa gamit ni Balambao ang $8,000 na natitira sa cash na kanyang ninakaw, inutos ni So na isauli niya ito sa kanyang amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa report ng Kowloon City Police, nangyari ang pagnanakaw sa pagitan ng Abril at Sept. 5 ngayong taon sa bahay ng amo ni Balambao sa Welcome Gardens, Broadcast Drive sa Kowloon Tong.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Filipino IT manager admits 3 indecent assaults on young girl

Posted on No comments

 

Tiquia was again released on bail before his sentencing at the High Court

A Filipino resident whose job is listed as IT manager is set to be sentenced at the High Court after pleading guilty at Eastern Court on Thursday to three counts of indecent assault on a young girl which started when she was just seven years old.

No plea was taken from the accused for a fourth similar charge, which the prosecutor left on file.

Joel M. Tiquia, 50, admitted the charges before Magistrate Leung Siu-ling, who immediately ordered the case remitted to the High Court at a later date for sentencing.

In the meantime, Tiquia’s bail of $50,000 cash and $50,000 surety was extended until his next court appearance.

The first charge admitted by Tiquia happened in April 2017 inside a flat in Caribbean Coast in Tung Chung, when the victim was just seven years old.

Tiquia, who also resides in Tung Chung, again committed sexual assault on the girl in May 2018 when the girl was eight years old.

The case put on file allegedly happened two years later, when the victim was 10 years old.

The final offense was committed by Tiquia on Oct. 6, 2021, when the girl was 11.

Tiquia first appeared in court in October last year, but it took almost two years after the last offence was committed before he admitted his guilt.

According to the Section 122 (1) of Crimes Ordinance of Hong Kong, a crime of indecent assault could fetch up to 10 years in prison.

The law provides that indecent assault is committed if the victim is under the age of 16 and cannot in law give any consent to the offence.

 

NAIA security officer na lumunok ng pera, sasampahan na ng kaso

Posted on No comments

 

Giit ng akusado, tsokolate at hindi pera ang nilunok niya

Nanawagan si Transportation Secretary Jaime Bautista na patawan ng pinakamabigat na parusa ang isang babaeng security officer sa Ninoy Aquino International Airport na nakita sa video na nilunok ang US$300 na ninakaw niya diumano sa isang papaalis na pasaherong Intsik.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, inutusan ni Bautista ang isang abugado ng DOTr  na sampahan na ng kaso hindi lang ang babaeng nahulicam kundi ang ilan pang pinaghihinalaang sangkot sa insidente.

Naganap ang insidente noong September 8 sa Terminal 1 ng NAIA habang dumadaan sa x-ray screening ang papaalis na pasaherong si Mr Cai.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Makikita sa CCTV na kinuha ng security officer ang bag ng pasaherong Intsik habang dumadaan ito sa x-ray scanner, tapos ay may isinuksok sa kanyang baywang bago tumalikod. 

Pagkatapos na makita ni Mr Cai na bukas ang kanyang pitaka at nawawala ang kanyang pera ay nagreklamo ito. 

Dito na nakita na inumpisahang nilunok ng security officer ang pera, habang agad naman siyang binigyan ng tubig ng screener na nakaupo sa may x-ray machine. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nilapitan din siya ng  kanyang supervisor na parang sumesenyas na lunukin niyang lahat ang ebidensya.

Pare-parehong sinuspindi ang security officer, screener at ang superbisor at pinigilang makapasok sa airport habang iniimbestigahan ang kaso.

Pero ayon sa paunang report ng mga imbestigador,  pinipilit daw ng security officer na tsokolate ang nakita sa video na pilit niyang sinasaksak sa kanyang bibig at hindi ang nawawalang pera.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Samantala, tumangging magreklamo nang pormal si Mr Cai kaya nahihirapan ang mga awtoridad na sampahan ng kasong kriminal ang mga sangkot, lalo na ang security officer. Pero sigurado daw silang sasampahan ito ng administrative case.

Dagdag pa ng pinuno ng Office of Transportation Security (OTS) sisiguraduhin niyang matatanggal sa trabaho ang security officer.

Base sa paunang imbestigasyon ng OTS ay totoong lahat ang kumalat na balita tungkol sa paglunok ng nakaw na pera ng security officer.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sabi pa sa report ng OTS ay walang duda na balak talagang magnakaw ang security officer, at katuwang niya sa ginawa ang screener at kanilang supervisor.

Nakikipagtulungan daw ngayon ang OTS sa mga pulis para tulungan ang pasaherong nanakawan, sakaling gusto nitong sampahan ng kasong kriminal ang security officer.

Ito ang pangatlong kaso ng pagnanakaw sa airport ngayong 2023 na umani ng maraming pagbatikos sa publiko.

Sa unang bahagi ng taon ay limang tauhan ng security ang nahuling nagnakaw ng pera sa isang turistang galing ng Thailand. Makalipas lang ang limang araw ay isa na namang security officer ang nahuli na nagnakaw ng relo ng isang pasaherong Intsik.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

61 taong gulang na Pilipina, nabistong 27 taon nang overstay

Posted on 21 September 2023 No comments

 

Dito nahuli ang Pilipina

Hindi pinayagang makapag-piyansa ang isang Pilipinang nahuli nitong buwang kasalukuyan matapos mag-overstay noon pang September 1996 -- o 27 taon na.

Dahil dito, ibinalik sa kulungan si Josephine Rescate, 61 taong gulang, sa utos ni Principal Magistrate Ivy Chui.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pero itinakda ni Magistrate Chui ang bail review sa Sept. 27 sa hiling ng abogado ni Rescate, upang mabigyan siya ng isa pang pagkakataong makalaya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa pagdinig nitong Martes, binasa kay Rescate ang kaso, na nagsasaad na nasita siya ng pulis at hinanapan ng HKID habang nasa footbridge sa tabi ng Exit A ng Central Station ng MTR noong Sept. 7.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang itawag ng pulis sa headquarters nila ang mga detalye ni Rescate, nalaman nito na overstaying na  siya noon pang Sept. 29, 1966.

Isa sa kondisyon ng kanyang paglagi sa Hong Kong nang bigyan siya ng visa bilang domestic helper ay ang umuwi siya sa Pilipinas sa loob ng 14 na araw matapos siyang materminate.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil naterminate siya noong Sept. 15, 1996, dapat ay nakaalis na siya noon pang Sept. 29, 1996.

Sinampahan siya ng kasong breach of condition of stay, na paglabag sa Section 41 ng Immigration Ordinance at may parusang multa na hanggang $50,000 at pagkakakulong ng hanggang dalawang taon.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss