Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Dugyot ang amo

20 May 2017

Si Lea ay isang Ilongga at mahigit 16 taon nang nagsisilbi sa iba-ibang amo sa Hong Kong. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho sa mag-asawang Intsik na matipid dahil hindi masyadong maalwan sa buhay.

Maliit lang ang kanilang bahay kaya maluwag sa trabaho si Lea. Pati ang mga damit ng mag-asawa ay kakaunti dahil walang paglalagyan. Dahil dito ay bilang ni Lea pati ang panty ng kanyang among babae.
Sa inaraw-araw niyang paglilinis ay napapansin ni Lea na hindi nababawasan ang 10 piraso ng amo na nasa lagayan. Nang hindi na siya makatiis ay tinanong niya ang amo kung bakit hindi ito nagpapalit ng underwear.

Nagulat ang kanyang amo at sinabi nitong bakit alam ng katulong na 10 lang ang kanyang panty, at hindi siya nagpapalit.

Ayon kay Lea, kasi lagi niyang binibilang ang mga ito kaya alam niyang hindi nababawasan. Iyon pala ay gumagamit ng panty liner or sanitary pad ang kanyang amo para makatipid sa labahin.

Pero magmula nang masita ay araw-araw na itong nagpapalit. – Merly T. Bunda

Don't Miss