Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Masuwerte ka ba sa Mayo?

24 May 2017

Covers the period May 16-31, 2017

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Magana kang kumain ngayon. Ang pagkahilig mo sa pagkain ang nagbibigay sigla rin sa iyo sa buhay. Huwag ipilit kung walang patutunguhan ang mga plano, pagtiyagaan muna kung ano ang dumarating na proyekto. Maging maingat, at iwasan muna ang mga importanteng pag-uusap. Sa pribadong buhay, ang kawalan ng malinaw na plano ang makakasama sa iyo.  Lucky numbers: 9, 15, 21 at 41.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Gusto mong mapasaya ang lahat. Magiging kaaya-aya ang pakikipag-usap mo sa mga tao, kaya ngiti ang kapalit nito para sa iyo. Ang pagiging relaxed at pagkakaroon ng magandang disposisyon sa pakikitungo sa tao ang tatapos sa mga iniindang sakit at pagod na matagal mo nang nararanasan. Mag-ingat na masaktan sa sports na sinasalihan. Lucky numbers: 17, 21, 35 at 41.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Natutukso kang magmadaling tapusin agad ang ginagawa mo upang makuha ang gusto mo, kaya lang ay baka hindi magiging maayos ito, at masasayang lang ang pagod. Bibigyan mo ng importansya ang oras para sa pamilya at ang simpleng pagsasama ninyong magkakakaibigan ay magbibigay sa iyo ng kasiyahan. Madali mong malilimutan ang lungkot at haharapin mo ng kinabukasan ng buong tiwala. Lucky numbers: 12, 16, 20 at 25.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Nanaisin mong maging balanse ang lahat, lalo na sa aspeto ng pananalapi at materyal na bagay. May tsansa na tumanggap ng perang hindi inaasahan. Upang magtagumpay sa karera, dagdagan ang tiwala sa sarili at lakas ng loob, at malaking tulong din matuto kang ng tamang pakikipag-usapa sa mga tao. Pananakit ng likod ang mararanasan, ugaliing nasa tamang posisyon ang pag-upo at paghiga. Lucky numbers: 13, 29, 32 at 36.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Kung napapansin mong may problema sa pagsasama, gumawa ng paraan na mapag-usapan agad ito upang hindi na lumala. Samantalahin ang pagkakataong ito upang malutas ang mga problema, at mabayaran ang matagal nang utang. Kung maglalakbay, asahan na ang pagka- antala ng eroplano o tren o pagkakaroon ng sira ng makina. Lucky numbers: 7, 14, 33 at 40.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Maaring magkaroon ng problema sa panunaw, kaya iwasang kumain ng labis at siguraduhing balanse ang kinakain. Sa trabaho, matutuwa sa iyo ang mga kasamahan dahil sa mga nakakatawa mong mga kuwento. Pero mag-ingat at ilagay sa lugar ang pagpapatawa dahil hindi ito nagugustuhan ng mas nakatataas sa iyo. Lucky numbers: 5, 16, 25 at 36.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Gusto mong lasapin ang sarap ng buhay. Sa ngayon ay masasabi mong marami ka nang natutuhan sa buhay. Pero marami ka pang dapat gawin upang malampasan ang problema sa mga anak, ang kanilang kalusugan at ang pagiging pasaway ng mga ito. May kakayahan kang makapagbigay ng labis na kasiyahan, kaya ang relasyon mo ngayon ay mas seryoso, kaysa inakala mo. Lucky numbers: 7, 19, 23 at 42.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Maganda ang disposisyon mo ngayon. Walang problema sa trabaho, at maliban sa pamimigat ng mga binti, walang dapat ipag-alala sa kalusugan. Ang paggamit ng diplomasya ay makakatulong sa iyo upang maayos ang mga problema: relasyon sa mga kasamahan, sa mga kapitbahay, sa mga kaibigan at mga ka-pamilya. Kasunduan sa kasal ang posibleng mangyari, pero baka matagalan ito dahil sa problema ng isa. Lucky numbers 4, 16, 18 at 21.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Sa trabaho, hindi nasisiyahan ang mga nakatataas sa uri ng iyong trabaho, at ipaaalam nila ito sa iyo. Isang taong seryoso at nakakatatanda sa iyo ang magpapakita ng paraan upang malusutan mo ang personal mong problema, sundin mo ang kanyang mga payo. Pilitin payapain ang sarili at kalimutan ang paghihiganti upang makahanap ng katahimikan ng loob. Lucky numbers: 2, 26, 34 at 40.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Ayaw na ayaw mo ang inuutus-utusan o pinapasa-pasahan ka. Mariin mo ring tatanggihan ang mga pabor, lagay o regalo. Sa trabaho, may mahusay kang pag-iisip, kaya walang basta-basta  makakaharang sa iyong mga gustong gawin. Mababahala ka sa problema sa pera, pero maghintay-hintay ka lang at mababago rin ang sitwasyon. Sa dami ng nagyayaring gulo sa pamilya, hindi ka mababagot sa takbo ng iyong buhay. Lucky numbers: 16, 18, 22 at 36.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Magugulat ka na lang na hindi naman pala nakakainip at walang buhay ang buhay mo ngayon, lalo na kung may makikilang magpapatibok muli ng puso mo. Makukumbinse mo ang pamilya mo tungkol sa plano mo sa buhay kaya mababawasan ang iyong alalahanin. Kailangan ng konting paghihigpit sa mga anak, kung hindi ay hindi mo na sila marerendahan. Lucky numbers: 6, 18, 22 at 45.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Isiping mabuti ang sitwasyon bago gumawa ng hakbang, dahil nakasalalay dito ang kinabukasan mo at ng ibang taong umaasa sa iyo. Dagdagan ang tiwala sa mga kaibigan, dahil sila naman ang natatakbuhan mo kapag nangangailangan. Posibleng umusbong ang pag-ibig sa pagkakaibigan. Huwag gawing basehan ang materyal na na pakinabang sa relasyon sa kaibigan. Lucky numbers: 13, 17, 22 at 29.

Don't Miss