Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Naapakan ng naka high heels

21 June 2017

Nagpunta si Alena sa Konsulado noong Mayo 28 dahil may kailangan na kunin na dokumento sa ATN section. Habang naghihintay siya ng lift papanhik sa 14th floor ng United Centre ay may biglang sumingit na Pilipina na naka 3-inch heels.

Nagsiksikan silang lahat nang bumukas ang pintuan ng lift, at naapakan si Alena nung babae na naka high heels. Umaringking at halos maiyak sa sakit si Alena, na bahagya lang pinansin ng nakaapak.

Kinabukasan ay nakita niyang magang-maga ang kanyang hinlalaki, at lalo siyang nainis dahil ni hindi niya nakilala kung sino ang dapat managot sa sakit na nararamdaman niya.

Sana na lang daw, kung nagmamadali at lalo na kung pupunta sa Konsulado na laging maraming tao, ay huwag nang magsusuot ng high heels at madali itong makasakit sa kapwa. Si Alena ay isang Ilongga, may asawa at anak. – Merly Bunda

Don't Miss