Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Covers the period June 16-30

19 June 2017

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Sa pag-ibig, huwag nang balikan ang dating away at huwag sayangin ang oras sa pag-iisip sa nakaraan. Magbubunga ang pagsisikap at pagod sa trabaho. Bawasan ang pagkain ng matataba at matatamis na pagkain. May lihim na tulong kang matatanggap. Palayain ang sarili sa mga opinyon at ideya na nagpapabagal sa pag-asenso mo. Malaki ang maitutulong ng mga kaibigan sa iyong negosyo o trabaho. Lucky numbers:7,15,24 at 36.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
May tensyon, away at kamalasang darating, pero huwag mawalan ng pag-asa! Hindi ka problemado sa pera sa ngayon, pero matutukso kang gumasta ng malaki dahil lang sa konting kapritso. Kontrolin ang emosyon lalo na sa mga bagay na gustong- gusto mo. Bigyan ng oras ang sarili na makahinga ng maluwag at ipahinga ng isip. Lucky numbers: 20,28,39 at 45.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Kung may-asawa, ang isang bagay na pagtutulungan ninyong buuin ang lalong magpapatibay sa pagsasama. Iwasang may kampihan sa mga hidwaan lalo na kung sangkot ang mga kapatid mo. Iwasan ding masali sa usaping legal. Magtiwala ka lang at mababago rin ang iyong kapalaran. Ugaliing kumain ng balanseng pagkain. Lucky numbers: 20,22,31 at 44.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Isang maswerteng linggo ang darating na magpapabago sa iyong pananaw at magdudulot ng bagong pag-asa. Ang tagumpay sa propesyon ay nakasalalay sa tapang at tiyaga. Kikita ang puhunan mo ngayon. Hindi makakabuti ang pagiging mahigpit at bayolente sa pamilya. Kalmahin ang sarili upang makontrol ang mga sitwasyong dumarating. Lucky numbers: 11,17,29 at 46.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Madali kang makahanap ng mga kakilala. Maganda ang takbo ng trabaho kaya samantalahin ito na makapag-ipon. Tahimik at maayos ang pagsasama. Dahil sa mga bagong kakilala, magkakaroon ng pagbabago sa istilo at pananaw mo sa buhay. Bantayan ang biglang pagbaba ng presyon ng dugo na nagdudulot ng pagkahilo, sakit ng ulo at labis na pagod. Lucky numbers: 3,14,21 at 37.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Parang walang kapaguran, patuloy pa rin ang pagsisipag mo sa trabaho at sa ibang gawain. Huwag panghinayangan ang ikli ng buhay, sa halip, i-enjoy mo na lang ng husto ang sarap ng buhay. Posibleng maiwasan ang delikadong sitwasyon sa pamamagitan ng diplomasya. Mag-ingat sa relasyon sa pamilya; anumang maling salita o kilos ay maaaring pagmulan ng malaking gulo. Lucky numbers: 6,16,37 at 40.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Masakit ang pagdaraanan dahil sa kakapusan ng pera at hindi ka makakaahon agad dito kung hindi ka gagawa ng paraan. Mag-ingat sa mga taong gusto ka lang gamitin para sa kanilang kapakanan. Hindi mo siniseryoso ang pag-ibig at mas gusto mong paiba-iba ang nakakasama mo. Malakas ang pangangatawan, samantalahin ito na makakuha ng iba pang trabaho upang madagdagan ang kita. Lucky numbers: 11,16,31 at 37.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Hindi maganda ang nakagawian mong pagpapaliban sa mga bagay na dapat gawin. Kailangang baguhin mo ito kung gusto mong magtagumpay. Sa trabaho, makakapagsimula kang muli sa maayos na paraan. Mag-ingat sa magiging reaksyon ng kapartner; ang selos na nararamdaman nito ay maaaring sumabog, at ikaw ang magbabayad. Lucky numbers: 9,14,28 at 39.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Makikita mo na ang pinagpaguran, at matatamasa ang buhay na walang gaanong problema. Hindi maiiwasan ang usapin sa pera at iba pang kumplikasyon, pero hindi ito hadlang para hindi ka maging masaya. Lahat nang gawin mo ngayon ay magiging maganda ang resulta. Huwag tanggihan ang mga dumarating na alok o pakikipag-usap dahil baka makawala ang napakagandang pagkakataon. Lucky numbers: 17,23,35 at 37.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Ito ang tamang oras para sa isang malaking transaksyon o para baguhin ang pamamahala ng iyong ari-arian at pera. Iwasang paniwalaan ang lahat ng bagay na sinasabi sa iyo. Madali kang ma-in love o mabighani ngayon, at mai-enjoy mo ang mga nakaw na sandali, pero huwag mo munang seryosohin ito ngayon! Kung ang anak o asawa ay nakakaranas ng pagod, pagka-iritable o kawalan ng interes, tulungan ito upang hindi lumala ang kondisyon, na maaaring mauwi sa nervous breakdown. Lucky numbers:19,26,37 at 44.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Maaaring may basehan ka upang mabahala ng husto sa mga anak, lalo na kung teenagers pa sila. Ang linggong ito ay puno ng mga hindi inaasahang pangyayari, kaya tibayan mo ang iyong dibdib. Hayaan mong aliwin ang sarili upang magkaroon ng tapang at sumaya ang buhay. Kung may asthma, siguraduhing laging dala ang gamot upang maiwasang lumala ang kalagayan. Lucky numbers: 9,30,31 at 40.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
May tsansang maibalik ang magandang pagkakaibigan na nasira ng dahil sa away; huwag magdalawang isip na gumawa ng unang hakbang. Sa trabaho, maganda ang resulta ng lahat. Sundin ang intuisyon mo ngayon, at hindi ka magsisisi. Bantayan ang pag-gastos upang hindi mabigla kung sakaling maubos ang pera. Lucky numbers: 18,24,33 at 45.

Don't Miss