Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

May panlaban ang Pilipinas sa Oscars

08 October 2017

Napili ng Film Academy of the Philippines ang independent film na “Birdshot” bilang official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language sa Oscars na gaganapin sa March, 2018.

Nauna rito, nanalong best picture ang Birdshot sa Asian Future Film section ng 2016 Tokyo International Film Festival, at nanalo rin Critic’s Choice awards sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Pinangungunahan nina John Arcilla, Arnold Reyes, Mary Joy Apostol at Manuel Aquino, ang Birdshot ay mula sa direksyon ng 24- taong gulang na si Mikhail Red. Ito ay co- produced ng indie film company na TBA Studios, na nag-produce din ng Heneral Luna, na naging entry ng Pilipinas sa Oscars noong 2015.

CAMILLE NAGANAK NA
Isinilang ni Camille Prats ang pangalawa niyang anak, isang malusog na baby girl noong Sept. 22 sa St Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig City. Pinangalanang Nala Camilla, ito ay panganay nilang anak ni VJ Yambao.
Ang caption sa mga litratong inilabas ni Camille:  “Your much awaited arrival has finally come. World, meet our princess, Nala Camilla Prats Yambao. Born on September 22, 2017 at 8:36pm, 7.3lbs. Thank you God for the gift of life and for being my comforter all throughout my birthing journey. My Love, thanks for being with me every step of the way. Seeing how happy and elated you are upon seeing our baby girl is priceless. I will forever embed that memory in my heart.
Finally you are in our arms baby girl”.
Bukod kay VJ at Nathan, ang panganay ni Camille sa namayapang asawa niyang si Anthony Linsangan, dumalaw din ang kuya ni Camille na si John Prats, kasama ang asawang si Isabel Oli at kanilang anak na si Feather Lily.
Samantala, tatay na rin si Geoff Eigenmann nang isilang ng kanyang girlfriend na si Maya (Angeli Mae Flores ang tunay na pangalan) ang kanilang baby girl  noong Sept. 23.
Agad na nag-post si Gina Alajar sa kanyang IG account “Maraming maraming salamat, Panginoong Diyos sa ibinigay mong kaligtasan kay Maya at sa aking bagong apong si Arabella Simone Eigenmann. Congratulations, Geoff and Maya. 9-23-2017, this is the day that the Lord has made!!

SARAH AT RICHARD, MAGKAKA-BABY ULIT
Masayang ibinalita nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na masusundan na ang panganay nilang anak na si Zion, 4. Sa Instagram account ni Sarah, ipinost niya ang larawan nila nina Richard at Zion, na may caption na: We are thrilled to announce that our little family is growing. Zion is about to be a kuya!!!!! So excited for the future. Lord, thank you for protecting us. I’m very much pregnant... back pains, breakouts, HAKAW DIM SUM CRAVINGS, cramps, mood swings, ANNOYANCE AT IBA PA!!! Raise your hand if you can relate!!! Shoutout to all the super moms out there. The silver lining to this craziness is that there’s a healthy baby growing inside of me who I’m very much excited to meet next year. :) Do you think we’re having a boy or girl?
Ang caption naman ni Richard: “Thank you to my love (Sarah Lahbati) for staying strong and patient despite my hectic schedule, she’s able to take care of me, Zion and our little one on the way, she’s truly a super mom”.
Noong August 1 ay ipinahayag nina Richard at Sarah ang kanilang engagement sa kanilang show na “It Takes Gutz To Be a Gutierrez”, pero wala pang binanggit na petsa ng kanilang kasal.
Samantala, maliban kay Sarah, buntis din ang mga sumusunod: Nikki Gil, Pokwang, Isabelle Daza, Bangs Garcia, Pauleen Luna-Sotto, Kaye Abad, Maricar de Mesa, LJ Moreno – Alapag, Nikka Garcia (asawa ni Patrick Garcia), Karel Marquez, Regine Angeles, Alyanna Martinez (anak ni Albert Martinez), Erika Padilla at Michelle Madrigal.

LUIS, MAN OF HONOR SA KASAL NI ANNE
Matagal nang magkaibigan sina Luis Manzano at Anne Curtis mula nang teenagers pa sila, at napabalita pang niligawan noon ni Luis si Anne. Hindi man sila naging magkasintahan, naging mabuting magkaibigan naman sila. Ayon kay Luis, nagkasundo na sila noon na magiging abay ang bawat isa sa kanila kapag ikinasal sila.
Kamakailan ay nakatanggap na raw ng sulat si Luis mula kay Anne na nagsasaad na “may promise tayo sa isa’t isa, and would you be my man of honor sa kasal ko?” Ikakasal si Anne kay Erwan Heussaff sa taong ito, at bukod kay Luis, siguradong nasa wedding entourage din ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith, ang kapatid ni Erwan na si Solenn, at ang mga barkada nilang sina Georgina Wilson, Isabelle Daza at Raymond Gutierrez. Tiyak ding naroon si Vicki Belo, Hayden Kho at bibong anak nilang si Scarlet Snow.
Bilang pagtupad sa pangako, kapag ikinasal si Luis ay si Anne din ang kanyang magiging best woman, pero sa ngayon ay malabo pang matuloy ito bagama’t tila seryoso naman siya sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola, 24, at matagal nang humihingi ng apo ang kanyang inang si Vilma Santos. Bata pa raw kasi si Jessy, at marami pang pwedeng gawin sa buhay. Samantala sa kanyang edad na 36 ay handang handa nang mag-asawa si Luis, lalo at financially stable na siya. Matagal na rin daw niyang pangarap ang magkaroon na rin ng sariling pamilya, gaya ng karamihan ng kanyang mga kaibigan. Sa ngayon ay abala si Luis sa kanyang bagong show na “I Can See Your Voice”.

ATOM, KAPUSO NA
Balik-Kapuso ang sikat na broadcast journalist na si Atom Araullo, at kabilang na sa News and Public Affairs team ng GMA Network. Bago siya naging Kapamilya, naging bahagi siya dati ng 24 Oras, at may sariling segment na ATOMic Sports, at noong bata pa ay napasama sa programang 5 and Up.
“I’m very excited. Ang dami kong gustong gawin, particularly in the realm of documentary production. I think this is a great place to do all of that,” ang sabi ni Atom.
Naging mainit ang pagtanggap ng GMA Network Chairman at CEO Atty. Felipe Gozon kay Atom.
Don't Miss