Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Uhaw sa pag-ibig

08 February 2018

Si Raquel na biyuda at tubong Mindanao ay 53 taong gulang na at may apat na anak na lalaki na malalaki na, nguni’t patuloy pa ring naghahanap ng pag-ibig. Sa kasamaang palad ay natapat siya sa isang Negrong manggagantso.

Lagi siyang binabalaan ng mga kaibigan na iwasan na ito dahil pineperahan lang siya, ngunit hindi siya nakikinig. Tuwing day-off niya ay lagi ding gabi na kung bumalik siya sa bahay ng amo niya sa Pokfulam, kahit ilang beses na siyang pinagsabihan dahil nag-aalala din ang mga ito sa kanya.

Nang mapuno ang amo niya ay biglang tinerminate si Raquel, kahit na anim na taon na siyang naninilbihan sa kanila. Bale pa ay kauutang lang niya noon ng $40,000 sa isang financing company para may ipantustos sa nobyong bolero.

Mabuti na lang at nakahanap pa rin siya ng bagong amo, kaya nakabalik nitong nakaraang buwan. Agad din naman niyang sinabihan ang inutangan na itutuloy niya ang pagbabayad ngayong nakabalik na siya.

Ang kaibigan naman niyang si Jasmin ay lagi siyang pinapayuhan na matuto na siyang makinig at huwag nang magpaabot ng gabi sa labas kasama ang kanyang dyowa. At lalong huwag na rin niya ipapangutang ang lalaki. Kasi kung mapauwi siyang muli ay ano na lang daw ang gagawin niya sa kanilang probinsiya kung wala siyang pera?

Sabi ni Jasmin, sana ay matuto na si Raquel na mas pahalagahan ang trabaho kaysa sa lalaking pera lang ang habol sa kanya. – Merly Bunda

Don't Miss