Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Aso’t pusa kung magbangayan

21 March 2018

Sa tinagal-tagal ng pagtatrabaho nina Badong, 56 at Daling, 44, sa iisang amo, ay lagi pa rin silang nagbabangayan. Ang laging ikinakagalit ni Daling na taga Antipolo City, ay ang biglang paglantak ni Badong na isang Ilonggo at drayber, sa kung ano mang iniluto niyang pagkain nila.

Ito kasing si Badong ay hindi muna nagtatanong bago kumain, kaya madalas na tira-tira na lang ang naiiwan na pagkain para sa kanilang amo. Sabi ni Daling sa drayber, “Hindi porke libre tayo ay puwede mo nang kainin kahit alin sa kusina.”

Sagot naman ni Bdong, “Sori, sister, gutom lang ako talaga at minsan lang naman ako ganyan. Kung ayaw mong ipakain pakitago mo. Saka minsan naman isulit natin ang dapat na allowance para sa atin, magluto tayo ng lutong Pinoy. Alam mo, sobra ang natitipid ni boss pag nakikiamot lang tayo sa putahe nila.”

Sabi ng Pinay, sa susunod ay ihihiwalay na niya agad ang para sa kanila at nang hindi na madisgrasya ang masarap na parte na para sa amo nila. 

Madalas ding magsumbatan ang dalawa tungkol sa trabaho. Sabi minsan ni Daling, “Matagal na kitang pinagluluto at pinaghuhugas ng kinainan mo ah.” Sagot naman ni Badong, “Ipinagmamaneho naman kita at pinagbibitbit ng pinamalengke mo. Suwerte mo nga, ang iba diyan kaladkad ang trolley sa bigat ng dala.” 

Pero kahit na parang aso’t pusa sila kung magbangayan ay nakatagal pa rin sila ng 17 taon sa iisang amo. Kung may pinagkakasunduan man sila, ito ang pagiging mahilig nila sa FB.

Minsan, tumawag sa telepono ang kanilang amo na nagpapasundo, at ipinasa naman ni Daling ang mensahe ni Badong pero hindi nito narinig dahil sa FB nakatutok. Ang resulta, napilitang mag-taksi ang pobreng amo. Dahil dito ay nagkasundo ang dalawa na sa messenger na lang mag-usap para siguradong maipaabot sa isa’t isa ang kanilang gustong sabihin. – George Manalansan

Don't Miss