Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Tinakbuhan ng utangerang kababayan

06 April 2018

Inis na inis si Myra, 49 taong gulang na Ilongga at dalaga, tuwing naalala ang ginawang pang-uuto sa kanya ng isang kababayan at dating kaibigan na tinakbuhan ang utang sa kanya.

Napilitan siyang mangutang dahil gustong tulungan ang kanyang hipag na may kanser sa bituka. Hindi niya kasi matagalan na makita ang pamimilipit sa sakit ng hipag tuwing inaatake ng sakit.

Dahil ang kababayan niyang si Dalia ay VIP sa isang financing company ay pumayag si Myra na tulungan siya sa pag apply ng loan. Madali nga ang paglabas ng kanyang loan pero pilit nakihati si Dalia sa utang.

Nakiusap si Myra na kung puwede ay isang libo lang ang kunin nito pero nagpilit si Dalia na $3k ang ibigay na parte niya. Ang usapan nila ay $383 kada buwan ang parte ni Dalia sa utang na babayaran nila ng 12 buwan, pero nakadalawang hulog pa lang ito nang biglang maglaho.

Tiyempong nakasalubong niya minsan ang isang kaibigan ni Dalia at doon niya nalaman na na-terminate ito dahil sa paghahabol sa kanya ng mga kolektor sa utang. Ayon pa dito, apat na utangan ang hindi binayaran ni Dalia.

Walang nagawa si Myra kundi bayaran ang buong hulog sa utang dahil ayaw niyang magawa sa manunubang si Dalia.  Nitong Marso ay nabalitaan ni Myra na nakabalik na si Dalia sa Hong Kong kaya pinadalhan niya ng text ang pinsan nito para maningil. Sinagot lang daw ito ni Dallia na wala na siyang pakialam at bayaan na lang siya.

Sa ngayon ay tapos na sa pagbabayad si Myra pero galit na galit pa rin siya kay Dalia. Natuto na rin siya na huwag basta-basta magtiwala kahit sa kaibigan pa. Si Myra ay nakalimang kontrata na sa kanyang mga amo na Briton at Canadian at nakatira sa Sai Kung.- Merly Bunda 

Don't Miss