Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Mahirap maintindihan ang gusto

07 May 2018

Bago pa lang si Airen sa kanyang amo na nakatira sa MidLevels pero gusto na niyang sumuko dahil mahirap itong pakisamahan.

Hindi naman mahirap dapat ang kanyang trabaho dahil mag-asawa lang ang kanyang pinagsisilbihan, pero lagi na lang siyang nakikitaan ng mali ng among babae, gayong sinusunod naman niya ang lahat ng utos at gusto nito.

Halimbawa na lang sa pagluluto. Ang utos ng amo ay gayahin niya ang turo sa cookbook na sinusunod naman ni Airen, ngunit palagi pa rin itong may reklamo. Kung hindi maalat ay overcooked naman daw ang niluto niya. Upang hindi na lumalala pa ang usapan ay humihingi na lang siya ng paumanhin sa amo kahit na sa tingin niya ay umaarte lang ito, at gusto lang na may masabi.

Kasi naman, laging ubos ang pagkain na inihahain niya.

Sa sumunod niyang pagluluto ay sinubukan ni Airen na baguhin ang timpla at sukat ng mga sangkap ngunit hindi pa rin siya pumasa sa masungit na amo. Nalilito na si Airen kung ano ang gagawin dahil ni hindi naman marunong magluto ang amo, at sa cookbook lang umaasa.

Sa ngayon ay hinahayaan na lang ni Airen na pumasok sa isang tenga, at labas sa kabila, ang mga sermon ng amo upang hindi siya materminate. Si Airen ay tubong Quezon at may isang anak sa Pilipinas. – Ellen Asis

Don't Miss