Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Nasagad ang pasensya

16 February 2019

Nasagad ang pasensya ni Sally, 38 kay Amy, 34 na kapareho niyang Bisaya at kasamahan sa trabaho dahil sa katamaran nito, at nauwi ang kanilang bangayan sa sabunutan.

Kapag wala ang kanilang amo ay nauubos ang oras ni Amy sa pagdudutdut sa telepono habang si Sally ay nagkukumahog tapusin ang trabaho mula sa pamamalengke hanggang sa pagluluto.

Pero kapag nandiyan ang kanilang amo ay ang tino-tino ni Amy, at ni hindi tinitingnan ang kanyang telepono.



Dapat hati sila sa ibang trabaho, lalo na sa paglilinis dahil ang katwiran ng amo ay kung sino ang libre ay siyang gagawa dahil madalas din namang walang kailangang ipagluto si Sally ng hapunan tuwing Sabado at Linggo.

Pero nang hindi na makatiis si Sally sa katamarang ng kasama ay bigla na lang niya itong hinambalos ng silya.



Gumanti si Amy at sinabunutan niya si Sally.

Mabuti naman at nagkataon na kadarating ng amo kaya naawat sila.

Dahil sa nangyari ay nirelease ng amo si Amy dahil hindi naman lingid dito kung sino sa dalawang kasambahay ang masipag at tapat sa trabaho.



Laking tuwa naman ni Sally dahil nalaman na marami pang ibang kapintasan si Amy, kabilang na ang pagiging palautang nito at matapang ang apog.

Madami sa kanilang ka-building ang inutangan nito ay hindi binayaran kaya nakilala siya bilang isang balasubas.

Ngayon ay mas nakakahinga na si Sally dahil nawalan na siya ng tinik sa lalamunan.– George Manalansan















CALL US!


Don't Miss