Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang iyong kapalaran

06 March 2019


BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Alam mo ang kakayahan mo para umasenso at kumita sa maayos na paraan. Mapapawi rin ang hiya at pag-aalinlangan kaya mas madali mong mahahanap ang iyong gusto. May kaunting kaguluhan sa tahanan na sanhi ng paglilipat, pagpapaayos ng bahay o pagkakaroon ng mga bisitang kaanak at kaibigan na magpapabago sa iyong mga plano. Lucky numbers: 7, 15, 26 at 45.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Mas gagamitin mo ang iyong intuisyon kaysa hanapan ng dahilan ang lahat ng bagay; ito ay magbubukas ng bagong pagkakataon para sa iyo. Madali kang magpadala sa iyong galit, piliting ma-kontrol ito upang hindi maapektuhan ang relasyon sa malalapit sa iyo. Kung may masayahing mga kaibigan, bakit hindi ka sumama sa kanila? Kung may mga problema, ituring itong mga pagsubok at hindi kabiguan. Lucky numbers: 11, 22, 31 at 40.

Call us!

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Makakaranas ng problema sa pag-ihi at pananakit ng katawan, mag-relax at dagdagan ang pahinga. Saglit kang kakawala sa realidad at mangangarap. Mababawasan din ang tapang at tibay ng loob. Sa kabila ng mga problema, gumawa ng paraan na malampasan ito ng maayos at lakasan ang loob. Ang mga problema ay bahagi ng buhay na kailangang harapin. Lucky numbers: 21, 23, 33 at 42.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Ang malikhaing pag-iisip ay aktibo ngayon kaya may mabubuong plano na magiging kawili-wili. Ang matagal nang magkarelasyon ay magkakaroon ng mga pagdududa na maaaring sumira sa pagsasama. Sa mga single, huwag magmadali at bawasan ang pagiging mapang-angkin, kahit alam mong panalo ka na. Matutukso kang gumastos kaya mamili ng bawat magustuhan, kahit mabaon sa utang. Lucky numbers: 13, 14, 25 at 29.

CALL US NOW!

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Mababawi mo ang kumpiyansa sa sarili at babalik sa dati ang sigla, na hindi ikakatutuwa ng ibang nasa paligid mo. Ang trabaho na matagal nang iniatang sa iyo ay unti-unti nang magbubunga ng maganda. Huwag umiwas sa mga usapin sa trabaho dahil makakatulong ito upang mapabilis ang gawain. Marami pa ring problemang dapat lutasin, lalo na sa pinansyal na kalagayan, pero hindi ka magpapaapekto dito. Lucky numbers: 24, 30, 35 at 41.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Mataas ang enerhiya at puno ng sigla at kumpiyansa sa sarili ngayon. Ito ang iyong magsisilbing alas mo sa lahat ng yugto ng iyong buhay. Ang malalapit sa iyo ay kailangan ang iyong payo dahil maalam ka at magagamit nila ito. Pero dahil may mga maramdamin, mag-ingat din sa pananalita. Ang relasyon sa kapartner ay lalong nagiging kumplikado, kaya napipilitan ka na magsinungaling kung minsan. Mag-ingat na hindi masanay rito, at baka lumaki pa ang problema. Lucky numbers: 8, 13, 24 at 40.

Call!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
May hindi maiisawang pagbabago sa pamilya o trabaho na magaganap. Ilahad ang problema sa mga nakakaalam, at sundin ang kanilang payo. Mag-ingat sa pagmamaneho, huwag masyadong mabilis. Sa trabaho, kailangang manindigan ka, at huwag lang basta manahimik kung gusto mong mapansin at masabi ang iyong panig, lalo na kung alam mong nasa katwiran ka. Lucky numbers: 15, 18, 27 at 44.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Pakiramdam mo ay pinagtakluban ka na ng langit at lupa dahil sa mga sunod-sunod na problema. May hidwaan sa mga kasamahan sa trabaho at magulo rin ang lagay ng pamilya. Magkakaroon ng mainit na pagtatalo sa karelasyon at wala kang magagawa upang humupa ang tensyon, kaya pakiramdaman mo na lang. Kung may anak, magpakita ng interes sa ginagawang pag-aaral nito at matutuwa ka sa resulta. Mahalaga rin sa kanila ang positibong komento at papuri kung karapat-dapat ito. Lucky numbers: 20, 28, 32 at 37.



KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Mag-ingat kung saan ka patutungo; mas mabuti nang huwag magtiwala agad kesa magkamali. Kung susubok ka, pag-aralang mabuti ang gagawin, at paghandaan ang mangyayari kung hindi ka magtagumpay upang mabawasan ang sakit ng pagkatalo. Magiging masaya ka kung mas mapapalapit ka sa mga taong mahal mo. May tsansa kang mapaganda ang kalagayan sa pakikipag-ugnayan sa mga banyaga. Lucky numbers: 3, 7, 15 at 26.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Sa gitna ng pagiging abala sa trabaho, magiging masaya ang love life. Hindi ka mahihirapag mahanap ang isang pambihirang nilalang. Mas magiging hayag ka at bukas ang isip sa mga personal na ambisyon, kaya magkakaroon ka ng mga bago at orihinal na mga ideya na magpapabago sa iyong intuisyon at magbubukas ng mga oportunidad. Maganda ang pinansyal na kalagayan. Lucky numbers: 14, 18, 30 at 39.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Sa mga walang karelasyon, ito na ang iyong pagkakataon, lumabas at makihalubilo. Maswerte ka kung makatagpo ang soul mate na nakatakda para sa iyo kahit hindi mo ito hinahanap. Sa mga may asawa, may mga away at pagtatalong magaganap. Ang pagiging wala sa sarili ay sasamantalahin ng mga nagbebenta at papipirmahin ka ng kontrata; alamin kung paano malulusutan ito kung hindi mo talaga gusto ang nabili mo. Lucky numbers: 11, 24, 28 at 31.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Masidhi ang pinagdaraanan mo ngayon, pero walang katiyakan kung magiging masaya ka sa piling ng karelasyon mo o magkakasundo kayo sa maraming bagay. Kung kaya mong maging organisado sa iyong trabaho, maaayos mo rin ang sarili at maging ang love life. Dapat mo ring gawan ng paraan ang problema sa mga kasamahan. Mag-ingat sa mga iniinom na gamot para pumayat. Lucky numbers: 16, 32, 37 at 47.
===

BAGO ITO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!

View details...

Call us!

Call now!

Call us!
Call us!
Call us!

Call us!





Don't Miss