Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Caregiver?

05 April 2019



Sinabi ni Secretary for Labour and Welfare Law Chi-kwong, sa isang interview ng South China Morning Post na hindi papayagan ang mga dayuhang domestic helper na magtrabaho sa mga tirahan ng matatanda, kahit na 18 sa bawa’t 100 posisyon sa industriya ay hindi mapunan ng mga lokal na manggagawa.

Call us!

Sagot niya ito sa isang reporter na gustong malaman ang motibo kung bakit nag-training ng DH ang gobyerno sa pag-aalaga ng matatanda.

May aasahan ka bang ibang sagot sa taning na ganito? Hindi talaga pinapayagan ang mga DH na gumawa ng trabahong ganito, maliban lang kung gusto ng HK government na lumabag sa sariling regulasyon nito. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong naparusahan dahil dito?

CALL US NOW!

Para lang sinabi ni Dr. Law na basa ang tubig, o kaya ay sa timog lumulubog ang araw.

Ang dapat usisain ay kung ano na ang gagawin ng HK government upang mapunan ang kakulangan, dahil dito tayo magkaka-ideya kung may puwang ba na pwedeng pasukin ng mga DH upang maiba ang kanilang kalagayan.

Call now!

Pinag-aralan ng Labour and Welfare Department ang sitwasyon sa sektor na nagbibigay kalinga sa mga matatanda, ay napag-alaman nito na kulang nang 18% ang tauhan nito. Ngayon ay pinag-aaralan kung ano ang gagawin upang masolusyunan ito.

Ilan sa mga posibleng maging alituntunin ay ang mga sumusunod:

CALL US!

1. Pagpapaluwag ng mga kondisyon sa lag-angkat ng mga manggagawa mula sa ibang bansa. Isa na rito ang patakaran na dapat may katumbas na dalawang local na manggagawa ang isang elderly care center sa bawa’t mangagawa na aangkatin nila.

2. Pag-angkat ng mga manggagawa mula sa hanay ng mga dating nag-DH sa Hong Kong. 

3. Ang pagbibigay ng pagsasanay sa mga DH na nasa Hong Kong na, sa pag-aalaga ng matatanda sa kanilang sariling tahanan. May mga ahensiya na nagsusulong na gawing hiwalay na kategorya ito ng manggagawa upang mabigyan sila ng proteksiyon (laban sa pagdaragdag ng pag-aalaga ng matanda sa kanilang gawain sa bahay) at mas mataas na sahod dahil espesyal na katangian at kaalaman ang kailangan sa trabahong ito.

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!















Don't Miss