Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang iyong kapalaran

16 September 2019

.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Sa usaping puso, mahaharap ka sa mahalagang desisyon, pero mapipili mo ang tamang direksyon. Mag-ingat sa sobrang paggastos sa mga bagay na hirap mong tanggihan. Sa trabaho, huwag matakot sa mga pagbabago dahil makakatulong ito sa iyo. Masusubukan at mapipili mo na kung sino talaga ang mga tunay na nagmamalasakit sa iyo. Hinay-hinay sa pagkain dahil mahihirapan kang mag-diyeta. Lucky numbers: 9, 12, 21 at 46. 

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Ang pang araw-araw na buhay ay magkakaroon ng maliit na sorpresa. Siguraduhing sariwa ang kinakain para makaiwas sa food poisoning. Kabado ka sa trabaho pero makakatulong ang inspirasyon mo upang mapabuti ang gawain. Umiwas sa mga taong madaldal. Masaya ka sa relasyon, ang konting pagbabago sa pamumuhay ay magiging maganda sa pagsasama. Huwag pagkaitan ng tulong ang isang kaibigan. Lucky numbers: 17, 25, 31 at 40. 

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Mag-ingat sa mga nag-aalok ng magandang trabaho o pagsasanay. Iwasan muna ang magarbong plano. Problema sa panunaw ang mararanasan. Maayos ang relasyon sa mga anak, at makakaasa ng tulong sa mga kaibigan. Matutukso kang gumastos ng malaki upang pakalmahin ang sarili, pero mag-ingat na magkaproblema sa pera. Lucky numbers:  11, 29, 33 at 45.   

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Makakaranas ng konting kagipitan, kailangang makahanap ng paraan upang makatipid nang hindi gaanong maaapektuhan ang nakagawiang buhay. Pipilitin mong ayusin ang problema sa inyong pagsasama. May pamimigat sa mga binti, iwasan ang sobrang init ng pampaligo at subukang maglakad-lakad. Samantalahin ang pagkakataong ito upang maipakita ang iyong husay sa trabaho. Lucky numbers: 3, 19, 27 at 39. 

Call us!

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
May sapat kang lakas ng loob ngayon upang alisin ang mga hadlang at makamit ang iyong gusto sa trabaho. Hindi mo hahayaang maging kampante ang asawa’t mga anak dahil gusto mong magsikap pa sila ng husto. Ang pag-ibig at kagustuhang kumita ng malaki ay mahirap pagsabayin, hindi maiiwasan ang problema. Piliting hanapin ang balanse sa  pagi-invest sa delikado at tradisyunal na paraan. Lucky numbers: 11, 25, 28 at 34.

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Kung single, mag-aapura ka nang mag-asawa, pero kailangang pag-isipan din itong mabuti. May pagbabago sa trabaho, kailangang masanay ka sa bagong sitwasyon. Nagiging malungkutin ka, kailangang maging matapang ka upang labanan ang depresyon at huwag umasa sa mga gamot! May magandang bagay ang nakalaan sa iyo ay may magandang proyektong maaari mong gawin, pero huwag magmadaling simulan agad ito. Lucky numbers: 6, 18, 29 at 41. 

CALL US!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Pabago-bago ang iyong isip kaya nagiging kumplikado ang relasyon mo sa iba. May mga gustong magrebelde sa iyong tahanan dahil sa pagiging mahigpit mo. Magandang panahon para ma-in love ka o magkaroon ng pangmatagalang relasyon. Bawasan ang kinakain. Mag-ingat sa mga nagbabalak ng hindi maganda sa iyo; iwasang magkuwento sa mga kasamahan sa trabaho. Lucky numbers: 14, 26, 29 at 37. 

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Marami kang sentimyento, piliting maging positibo at iwasan ang drama. Sa trabaho, gusto mong tapusin agad ang lahat, pero kailangang maghintay ka ng tamang oras. Kung may problema sa timbang, kumain ng cereals at macrobiotics. Kung single, mas magiging sensuwal ka at entusyastiko, pero kung may asawa na, mag-ingat na maging excited agad ng hindi pinag-iisipan, kung hindi, gulo ang mapapala mo.  Lucky numbers: 16, 17, 22 at 44. 

CALL NOW!

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Maswerte ka sa pera at negosyo ngayon. Matutupad ang kahilingan mong  magmahal at may magmamahal din sa iyo. Magkakaroon ka ng panibagong lakas at pag-asa. Kailangan din ng mga anak mo ang iyong presensya, mga payo at pagmamahal. Tataas ang pagkilala sa iyo; ikaw ay pasasalamatan, hahangaan at marami ang lalapit sa iyo; magpakita ng pagpakumbaba.  Lucky numbers: 9, 14, 31 at 46. 

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Madali kang magpatangay sa tukso: mai-in love agad, o hindi mo mapipigilan ang gumastos sa mga bagay na biglang nagugustuhan. Maganda ang magiging kapalaran sa trabaho dahil magsisipag ka ng husto. Magpapakitang gilas ka sa mga pagpupulong o maging sa umpukan ng mga kaibigan, kaya may mga maiinggit sa iyo. Mag-ingat. Lucky numbers: 11, 26, 32 at 38. 

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Huwag tanggihan ang alok na tulong ng malapit na kaanak, magagamit mo ito ng husto sa iyong trabaho. Makakaramdam ng nerbiyos kaya maging maingat sa kilos, lalo na kung nagmamaneho ng sasakyan. Magpapakita ka ng talino dahil sa kagustuhan mong malaman at matutuhan ang maraming bagay. Iwasang mag-isip ng negatibong bagay na mangyayari dahil makakaapekto ito sa relasyon mo sa malalapit sa iyo. Lucky numbers: 6, 19, 33 at 42. 

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Determinado kang sundin ang iyong kapalaran sa paraang gusto mo, at hindi na matatakot sa anumang pagsubok. May kaunting problema sa negosyo at pananalapi. Kung patuloy mong sinasamba ang pinakamamahal mo, mag-ingat na mabigo o magkamali ng akala. Kailangan mong mag-relax upang makaipon ng lakas. Diplomasya ang kailanagan upang maaayos ang usapin sa malalapit sa iyo. Lucky numbers: 19, 23, 34 at 36. 
--
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Don't Miss