Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang iyong kapalaran

02 October 2019

 
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Magpakita ng imahinasyon at lambing sa love life upang hindi mamatay ang romansa. Bigyan ng oras ang pagkakaibigan, matutong makinig at magpakita ng suporta. Sa trabaho, may sisiklab na usapin at magkakaroon ng mga pagtatalo. Ang transaksyon sa lupa ay maaayos ng ayon sa gusto mo.  Lucky numbers: 13, 21, 33 1t 44. 

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Sa trabaho, hindi inaasahang pagbabago ang magaganap na makakabuti sa nakakarami. May hinanakit ka sa anak, pero kumalma ka lang at iwasang paghanapan ito ng malaki.  Alam mo kung paano maglambing sa taong mahal mo. Ito na ang oras na gumawa ng malaking desisyon upang mapabuti ang kalagayan; ang husay sa paghawak ng pera at swerte ang magiging susi dito. Lucky numbers: 5, 17, 23 at 40. 

CALL NOW!

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Magpapakita ka ng determinasyon at sipag sa iyong gawain upang hindi mabagot. Piliting ayusin ang hindi pagkakaintindihan sa karelasyon. Maayos ang relasyon sa mga anak pero iwasan ang labis na paghihigpit. Mag-ingat; huwag basta magkuwento ng mga hinaing sa ibang tao. Iwasan ang pagkain ng matataba.  Lucky numbers:   9, 15, 27, at 34.   

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Ang pagiging masigla at positibo ay makakatulong upang gumaan ang loob sa iyo ng lahat. Mabisang paraan upang makapag-relax ang yoga, swimming o workout sa gym. Magagampanan mo ng maayos ang iyong mga tungkulin. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa kaibigan kung may problema ka. Sa ngayon, kailangan mo ang tulong ng iyong pamilya, lalo na kung ang ilang malapit sa iyo ay tinatalikuran ka.  Lucky numbers: 11, 28, 39 at 42.   

CALL OUR APPLICATION HOTLINE

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
May namumuong problema sa inyong samahan, kumalma ka lang. Kung hindi mo babaguhin ang iyong mga nakagawian, wala kang gaanong mararating. Magiging maayos ang relasyon sa lovelife. Ang mga dating nag-iisa at nalulungkot ay magiging masaya na rin. Magpatingin sa doktor kung may nararanasang mga pamamaga sa katawan. Lucky numbers:  14, 37, 41 at 45.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Magkasundo kayo at komportable ka sa piling ng iyong minamahal. Piliting mabalanse ang oras sa pamilya at trabaho. Kasiya-siya ang resulta ng lahat ng gagawin o papasukan mo, kaya wala ka nang dahilan para magreklamo pa. Tamang panahon ito upang ayusin ang pananalapi at pag-iisip ng bagong pagkakakitaan. Lucky numbers: 16, 22, 29 at 37.

Call us!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Kung makakapag-adjust ka sa bagong sitwasyon, magiging maganda ang resulta ng trabaho. Mag-ingat sa kinakain upang maiwasan ang pananakit ng sikmura. Mapapawi ang lahat ng sakit at pait ng nakaraan dahil sa ligayang dulot ng bagong pag-ibig. Epektibo ang iyong paraan sa paglutas ng problema at maaayos mo rin ang pananalapi, pero mag-ingat na matuksong gumastos. Lucky numbers:  3, 15, 32 at 44.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Magtatagumpay kang itaboy ang anumang bagay na makakasira sa  iyong pagkatao. Ipaintindi sa mga mahal sa buhay kung gaano mo sila pinahahalagahan. Kailangan mo ng dagdag na tulog. Magiging emosyonal at sentimental ka sa panahong ito. Lahat ng trabaho at gawain mo ay maayos mong matatapos; makakaasa ka ng kailangan mong tulong. Lucky numbers:  6, 21, 37 at 43.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Magagamit mo ng husto ang iyong karisma, at alam mo kung paano ito paganahin ng husto. Sa trabaho, oras na upang seryosohin ito at pagbutihin. Makakatulong ang pag-inom ng mga bitamina upang sumigla ang katawan. Mas gugustuhin mo ngayong manatili sa bahay at abalahin ang sarili sa gawaing bahay. Mas magiging malambing ka ngayon, taliwas sa dati na parang laging naghahanap ng away. Lucky numbers:  19, 20, 29 at 45.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Kung single at matatag ang buhay, nanaisin mong mag-asawa na. Iwasang gumastos ng husto sa iyong pakikipag-relasyon. Magiging masyado kang abala, pero humanap ng oras na huminga ng malalim, sumagap ng sariwang hangin at makapag-isip. Ipakita ang totoong ugali sa mga kaibigan, tama na ang puro magandang katangian at kaplastikan lang.  Lucky numbers:  11, 18, 25 at 37.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Kabado at tensyonado ka pero kaya mong gumawa ng tama at madaliang desisyon. Marami kang hinahanap na katangian sa makakarelasyon; maging realistiko. Malayo ang pananaw mo, subukang ayusin ang mga ari-arian at kung kanino mo gustong ipamana ang mga ito. Maganda ang kalusugan, lalo na kung hindi naninigarilyo. Kung may transaksyon o kailangang ayusin sa pamilya, harapin agad ito. Lucky numbers: 7, 11, 19 at 29.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Mas magiging makabuluhan ang usapan kung maiisantabi mo muna ang iyong naunang opinion at hindi pagkakaunawaan. Upang makasiguro, ipakita ang totoong ikaw at huwag gawing kumplikado ang mga bagay-bagay. May mga pagtatalo sa relasyon, piliting humanap ng mapagkakasunduan. Huwag hayaaang maimpluwensyahan ka ng kahit sino.  Lucky numbers: 17, 21, 24 at 38. 
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.














Don't Miss