Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Dream come true

29 April 2016

Naging idolo ni Jelly sina Sir Chief o Richard Yap at Judy Sta. Maria mula nang masubaybayan niya ang pagganap nila sa telerseryeng “Be Careful with My Heart”. Sa pamamagitan ng FB group ay patuloy pa rin ang ugnayan ng mga fan na katulad ni Jelly kahit matagal nang natapos ang nasabing teleserye. Ito ang nagsisilbing mata at boses ng katulad niyang tagahanga para malaman kung ano ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ng kanilang idolo. Kamakailan ay umuwi sa Maynila si Jelly upang magpa-medical check-up. Nagkataong nakatanggap ang kanilang grupo ng paanyaya bilang studio audience dahil magiging panauhin si Sir Chief sa programang “Tonight with Boy Abunda”. Hindi pinalampas ni Jelly ang pagkakataon na makita ng personal ang kanyang idolo kaya kahit hindi niya kabisado ang pasikot-sikot sa Maynila ay lakas-loob siyang pumunta. Balak niyang sumakay ng taxi pero sobrang haba ng pila kaya napilitan siyang makipaggitgitan sa loob ng MRT. Pagdating sa studio ay napawi ang lahat ng pagod niya nang kawayan siya ng kanyang idolo habang inaayusan bago sumalang sa set, at nagkaroon din siya ng tsansa na magpa-picture kasama si Sir Chief. Halos hatinggabi na siya nakauwi at kahit hindi naghapunan ay hindi siya nakaramdam ng gutom. Tama na sa kanya na matupad ang kanyang pangarap; ang makita si Sir Chief at maging studio audience. Si Jelly, 39, ay 16 na taon na dito sa HK.---Gina N. Ordona    
Don't Miss