Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Zsa Zsa, ayaw pag-usapan ang pakikipag-break

14 May 2016

Kasalukuyang pinaghihilom ni Zsa Zsa Padilla ang sakit na pinagdadaanan matapos mauwi sa hiwalayan ang relasyon niya sa kilalang arkitekto na si Conrado Onglao. Nakatakda na sana silang magpakasal sa  Italy ngayong taong ito, pero nagulat ang lahat nang mapabalita na hindi na matutuloy ito. Nilisan na rin ni Zsa Zsa ang bahay ng kanyang boyfiend at hinakot na lahat ang kanyang mga gamit para ibalik sa kanyang bahay sa Marina sa Paranaque.
Ang natutunan daw niya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon ay “to keep your life private”. Kaya humingi siya ng paumanhin sa mga mga nagtatanong sa kanya sa dinaluhan niyang private screening ng digitally remastered version ng luma niyang pelikulang ‘Batang PX” na ginanap sa UP Film Institute.
“From now on, sorry guys, but my private life has to be private. I have to keep some from myself. Those are some the lessons that I've learned, and a lot more.” Masyado raw kasi siyang naengganyo sa social media, at kahit noong sila pa ni Dolphy ay naging open book na ang kanyang buhay.
Ang isa pang importanteng natutunan niya sa kanyang naging karanasan ay ang kailangang mahalin daw ang sarili. Naririyan din ang kanyang pamilya na handang sumuporta sa kanya, at maging ng kanyang mga kaibigan. Kahit sa edad na 51, marami pa raw siyang life lessons na natutuhan.
Nagpapasalamat daw siya sa mga fans at sa lahat ng taong nagbigay sa kanya ng mga positibong mensahe. “Life is good, God is good. I'm so blessed that He's been really good to me. I'm thankful.”, ang pagwawakas ni Zsa Zsa.
Si Sharon Cuneta ang nagpakilala kina Zsa Zsa at Conrad, na pareho niyang mga kaibigan. Hindi pa raw niya nakakausap si Zsa Zsa, at hinahayaan muna niya itong manahimik.

ALDUB MOVIE, SA ITALY ANG LOCATION
Nasa Italy ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa kanilang unang solo movie, ang “Imagine You and Me”. Tumulak ang dalawa papuntang Italy pagkatapos nilang magpaalam sa mga masugid nilang tagasubaybay ng kanilang kalyeserye sa “Eat Bulaga” noong May 7 dahil matagal-tagal din silang mawawala sa show. Pero ipinangako nila na magbibigay sila ng mga updates sa kanilang mga ginagawang doon.
Pagdating nila sa Italy ay sumabak agad sila sa trabaho, kasama ang 35 crew members at ang kanilang director na si Mike Tuviera, anak ng kanilang big boss na si Tony Tuviera na siyang may-ari ng APT Entertainment at TAPE,  na producer ng Eat Bulaga. Naroon din ang ilang artistang Italyano na kasama sa pelikula, na nagpakuha pa ng mga litrato kasama sina Alden at Maine.
Na-feature din ang dalawa sa Italian website na La Provinicia, kung saan ay ibinahagi ang kanilang gagawing pelikula at kung saang lugar sa Italy kukunan ang kanilang mga eksena. Marami rin silang mga Pinoy na fans doon kaya sa airport pa lang sa Milan ay pinagkaguluhan na sila.
Ang pelikula ay co-produced ng APT Entertainment at GMA Films at ipapalabas bilang anniversary special ng kanilang loveteam na inilunsad sa Eat Bulaga noong July 2015. Ang kanilang unang pelikulang “My Bebe Love” na ipinalabas sa nakaraang MMFF ay kumita ng husto sa takilya, pero hindi masasabing sila ang bida rito dahil kasama nila sina Vic Sotto at AiAi dela Alas, na subok na ang pagiging box office stars.
Samantala, napapabalita na magkakaroon ng bagong TV series si Alden, at ang makakapareha niya ay si Jennyln Mercado, kaya ngayon pa lang ay marami na ang nagpapaalala kay Jennylyn na paghandaan na ma-bash ng husto ng mga diehard fans ng Aldub, na ayaw paghiwalayin ang dalawa. Pero hindi pwedeng tanggihan ni Alden ang projects na ibinibigay ng GMA Network dahil may kontrata siya dito bilang Kapuso, at ang kontrata niya sa APT  Entertainment ay para sa pelikula lang. Si Maine ay exclusive contract artist ng TAPE at APT Entertainment.
 
JAMES, BINILHAN NG BAHAY ANG PAMILYA
Mas pinili ni James Reid na ipagdiwang ang kanyang 23rd birthday (ipinanganak siya noong May 11, 1993) sa piling ng mga batang inabandona sa Asociacion de Damas de Filipinas, at pasayahin ang mga ito. Nakisayaw siya sa kanila at namigay ng mga regalo, pagkain at mga gamit. Mahilig daw siya sa mga bata at gusto niyang maranasan nila kahit paano ang mga naranasan niya. Lumaki daw kasi siya halos sa beach at naging masaya ang kanyang pagkabata dahil maalwan ang kanilang buhay sa Australia noon.
Aalis siyang muli papuntang Las Vegas sa buwang ito, kasama ang kanyang ka-loveteam at girlfriend na si Nadine Lustre para sa kanilang US Tour, kung saan ay isang buwan silang mamalagi roon upang magtanghal sa iba’t ibang lugar sa Amerika. Medyo pumapayat na ang aktor sa dami ng kanyang commitments. Maliban sa pag-ikot nila sa iba’t ibang parte ng mundo, may pelikula rin silang tinapos, ang “This Time” at kasulukuyang ipinapalabas at pinipilahan sa mga sinehan sa Maynila.
Masipag siyang magtrabaho ngayon, dahil kabibili lang niya ng 7– bedroom house sa Loyola Grand Villas sa Quezon City para sa kanyang pamilya. Sa bandang July pa daw nila ito malilipatan dahil pinapaayos pa ang swimming pool at iba pang mga bagay sa mga kuwarto. Ito ay regalo daw niya sa kanyang pamilya, dahil sa ngayon ay maliit ang kanilang tinitirhan at magkasama pa sa isang kuwarto ang kanyang mga kapatid na babae at lalaki.
Noong una raw ay gusto niyang bumili ng mamahaling sports car bilang regalo sa sarili, pero naisip daw niyang magiging “selfish”  siya kung para sa kanya lang, kaya bahay na lang ang kayang pinili. Napunta raw ang lahat ng kanyang kinita para sa bahay, pero masaya siya, kahit sobra ang kanyang pagod, dahil natutulungan niya ang kanyang pamilya.
Babawi raw siya ng pahinga at mamasyal sila ni Nadine sa  Amerika, sa pagitan ng mga shows nila doon.

SHAINA, HANDA NANG MAGKA- LOVE LIFE
Handa na raw magka-love life uli ni Shaina Magdayao, matapos ang ilang taong pag-iwas na makipag-relasyon. Limang taon na ang nakalipas nang magkahiwalay sila ng dating boyfriend niyang si John Lloyd Cruz, na matagal nang nakapag-move on dahil naging girlfriend nito si Angelica Panganiban na akala ng marami ay mauuwi na sa kasalan, pero nagkahiwalay din.
Nang mag-guest kamakailan sa ‘Magandang Buhay” ang magkapatid na Vina Morales at Shaina, sinabi ni Vina na likas na tahimik ang bunso niyang kapatid na si Shaina, at baby ng kanilang pamilya. Pero, hindi raw ito spoiled dahil matured itong mag-isip at maasahan lalo na sa pag-aalaga ng kanyang mga pamangkin dahil mahilig ito sa mga bata. Malaking tulong din daw si Shaina nang magkaroon siya ng problema, at naging single mother sa kanyang anak na si Ceana (anak niya kay Cedric Lee). Pinakiusapan niyang samahan siya sa kanilang bahay upang tulungan siyang makabangong muli.
Ikinuwento din niya na masinop sa bahay si Shaina kaya kayang-kaya na niyang mamuhay ng mag-isa. May nabili na kasing bagong townhouse si Shaina, at anytime ay lilipat na ito. Si Vina ay masaya naman ngayon sa kanyang bagong boyfriend, na tila kasundo naman ng kanyang anak.
Marami raw gustong manligaw kay Shaina noon pa, pero panay ang tanggi nito kapag niyayayang lumabas. Ngayon ay okay na siyang magkaroon ulit ng love life at handa na rin daw makatrabaho sina sina John Lloyd at Angelica lalo na kung maganda ang project.
Sa huling pelikula niyang “My Candidate” na pinagtambalan nila ni Derek Ramsay, hindi raw sadyang nagpag-usapan nila ang ang kanilang mga dating karelasyon. Matagal na naging girlfriend ni Derek si Angelica, bago pumasok si John Lloyd sa buhay nito. Ayon kay Shaina, matagal na raw silang balak ng kanilang producer na si Atty Joji Alonso ng Quantum Films na pagtambalin ni Derek, pero ngayon lang ito natuloy.
Matagal na raw siyang naka-move on. “How can you have a normal and peaceful life kung lingon ka nang lingon sa nangyari sa nakaraan mo? Marami akong natutuhan sa experiences na pinagdaanan ko sa buhay and I’m thankful for all of them because they made me a better person. So nagpapasalamat ako kasi I don’t think I’d be what I am right now if not for them also.”, ang sabi pa ni Shaina.

   

Don't Miss