Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Covers the period Aug 1-15, 2016

30 July 2016

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Suwerte ang linggong ito para sa negosyo dahil maalwan ang pasok ng pera. Ugaliing ilista ang lahat ng gagawin upang tiyak na walang makakaligtaan. Pag-aralang mabuti ang bawat hakbang para madaling makamit ang mga pangarap at walang masayang na panahon. Malaking tulong ang pagiging malikhain para sa tagumpay ng proyektomo. Huwag mag-alinlangan na ibahagi ang karanasan sa mga kasamahan sa trabaho o kaibigan dahil tiyak na maraming aral ang mapupulot nila.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Malakas at positibo ang enerhiya kaya asahan na maraming matatapos na proyekto sa linggong ito. Panatilihin ang pagiging masayahin at laging sumabay sa agos. Malaking tulong ang likas na galing para mamayagpag ang negosyong sinimulan. Maglaan ng panahon para makasama ang mga mahal sa buhay. Dahil sa pagiging prangka, maraming tao ang maiirita sa iyo. Huwag baguhin ang disposisyon para lang pasayahin ang ibang tao.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Maganda ang umpisa ng linggo dahil malakas ang puwersang nag-uudyok para makamit ang ambisyon.  Matindi ang pagnanais na gumastos kahit sa mga walang kabuluhang bagay pero mag-ingat dahil may darating na malaking problema sa pera. Huwag problemahin ang buhay pag-ibig dahil maaayos din ang lahat ayon sa iyong kagustuhan.  Tuloy-tuloy ang pag-asenso lalo na kung may determinasyon kahit marami ang inggit na inggit sa iyo.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Mag-ingat sa paggastos ng perang pinaghirapan at huwag bumili ng hindi kailangan. Magkakaroon ng magandang oportunidad sa trabaho kaya ituon ang buong atensyon sa proyekto. May uusbong na gusot sa pagitan ng mga anak. Gamitin sa tama ang kakaibang panghalina lalo na sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao upang maisakatuparan ang mga pangarap sa buhay.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Matindi ang pangangailangan sa pera sa linggong ito pero hanggat maari ay iwasan ang utang para hindi lalong mabaon. Huwag hayaang matali ang sarili sa relasyon na walang patutunguhan. Sa mga walang asawa, maaring makilala ang taong magpapatibok sa puso. Maglaan ng sapat na panahon para sa sarili upang makapagpahinga ng husto.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
May malaking pagbabagong magaganap dahil maganda ang takbo ng negosyo. Sa mga mag-asawa, maglaan ng panahon para seryosong pag-usapan ang plano sa buhay upang malinaw ang patutunguhan ng relasyon. Kung kailangang gumawa ng desisyon, pag-aralan ang hakbang. Matinding pananakit ng ulo ang mararamdaman kaya iwasan ang mataong lugar o magulong paligid.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Panahon na para ipakita ang kakayahan mo sa trabaho kaya gampanang mabuti ang responsibilidad sa ginagawang proyekto. Huwag mag-atubiling tulungan ang kaibigan na nangangailangan dahil tiyak na masusuklian ng maganda ang kabutihan. Maraming balakid na hahadlang sa mga plano pero huwag mag-alala dahil kusa itong malulutas.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Masayang lilipas ang bawat sandali at maraming tagumpay ang matatamo sa kabila ng maraming sagabal. Huwag pagkaitan ang sarili para hindi mawalan ng gana na ipagpatuloy ang pagsisikap na makamit ang tagumpay. Maglaan ng panahon para manood ng sine o kumain sa labas kasama ang mga anak.  May nakaabang na magandang balita para sa mga mag-asawa.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Siguradong makakamit ang tagumpay sa trabaho kung ibubuhos ang lahat ng makakaya sa ginagawa. Madaling manghina ang iyong katawan kaya kumain ng masustansyang pagkain. Isang kaibigan ang nakahandang dumamay para malampasan ang matinding problema. Maganda ang pasok ng pera kaya maitutuloy ang pagbili ng lupa o bahay.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Gumawa ng paraan na ipamalas ang propesyunal na kakayahan para mas madaling makahanap ng trabaho. Matutong magsabi ng hindi lalo na sa mga kahilingan na hindi makatuwiran. Huwag basta-basta maniniwala sa ibang tao lalo na kung hindi kabisado ang tunay na pakay nila. Gugupuin ng pagod ang katawan kaya malaking tulong ang sapat na pahinga at tulog. Kayang-kaya mong panatilihin ang katahimikan kahit nanggugulo ang kapitbahay.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Maraming pagbabago ang mangyayari sa linggong ito kaya kailangang laging matatag, at subukang intidihin ang katwiran ng ibang tao. Samantalahin ang bawat pagkakataon na magpahinga at maglibang, ngunit huwag sayangin ang oras sa harap ng telebisyon. Sa kabila ng pagsisikap na gawin ang tama, may mga taong sadyang walang nakikita kung hindi ang pagkukulang ng iba.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Maaring masira ang relasyon dahil sa matinding selos. Matiwasay at maayos ang sitwasyon sa loob ng tahanan sa kabila ng matinding problema. Huwag ipagwalang-bahala ang kalusugan at pagtuunan ng pansin ang bumibigat na katawan. Matatapos na rin ang isang proyekto na ilang beses nang naisantabi. Maayos ang pasok ng pera sa negosyo.

Don't Miss