Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Covers the period Sept 16-30

16 September 2016


UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Babalik din ang tiwala mo sa sarili, at malalaman mo rin kung alin at sino ang maasahan mo. Huwag isaalang-alang ang totoong nararamdaman ng dahil sa ambisyon. Mag-ingat sa labis na pagkain ng matatamis. Huwag maglabas ng pera kung hindi sigurado, humingi ng payo sa mga eksperto. Mag-ingat sa bibitawang salita o sulat na maaring makasama sa iyo, hangga’t maaari, maging mahinahon. Lucky numbers: 7, 19, 22 at 40.
44.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Ngayon ay mae-enjoy mo nang husto ang buhay. Masaya ang bagong love life, o magiging matagumpay ang pagpasok mo sa larangan ng sining. Posible rin ang masayang paglalakbay at pakikipag-ugnayan. Pagdating sa pamilya, dagdagan ang pasensya. Pag-aralang mabuti ang mga gastusin sa bahay. Maganda ang resulta ng mahalagang transakyon tungkol sa lupa. Lucky numbers: 11, 13, 36 at 44.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Lalakas ang karisma at dadami ang magkakagusto sa iyo. Mag-ingat sa mga gastusin at higpitan ang budget. Huwag damdamin ang pagkatalo dahil hindi ito permanente, at makakabawi ka pa rin. Mag-ingat sa kasamahan na gustong sirain ang iyong reputasyon. Iwasan ang labis na pagod, balansehin ang trabaho at pribadong gawain. Siguraduhing may sapat na oras sa pahinga. Lucky numbers: 19, 24, 28 at 31.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Kung anuman ang plano o gusto mong gawin, may malaking hadlang na pagdadaanan, huwag mawalan ng pag-asa. Huwag sarilinin ang problema, ang relasyon sa mga kasamahan ang magpapagaan sa iyong isipan at puso. Huwag hintaying lumapit ang kaligayahan sa iyo, hanapin ito – mag-enjoy ka sa bawat sandali ng buhay. Maghinay-hinay muna at baka nabubulagan ka lang sa bago mong minamahal. Lucky numbers: 8,25,30at 41.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Negatibo ang tingin mo sa maraming bagay ngayon, pero wala namang dahilan para mag-alala ka. Huwag basta maniwala sa sasabihin ng isang kaanak, baka may halong panloloko ito. Magbubunga ng maganda ang pagsisikap sa trabaho dahil mabibigyan ito ng pansin. Iwasang makipagtalo sa asawa o karelasyon dahil baka magsisi ka sa magiging kahihinatnan nito. Lucky numbers: 16,17,25 at 33.
 39.
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Mapapaaway ka sa isa sa mga kasamahan, magpakita ng diplomasya at maging mahinahon. Tahimik at payapa naman ang love life dahil marunong kang makinig at magpasensya. Imulat ang mata sa mas magagandang bagay, at tanggapin na walang perpekto sa mundo. Mag-ingat na makaalitan din ang mga kaibigan. Matututunan mo ngayon ang kahalagahan ng pagtitipid kahit minsan ay natutukso ka pa ring gumastos. Huwag magsungit sa mga mahal mo sa buhay at piliting maging maayos ang pagsasama sa kabila ng pabago-bago mong disposisyon. Lucky numbers: 12, 15, 29 at 37.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Ito na marahil ang panahon upang baguhin ang iyong istilo, o iwanan na ang nakaraan. Hindi maiiwasan ang problema sa kasamahan, pero pwede mong piliin na ipagwalang bahala ito at magmatigas. Hindi imposible na magbago ang iyong nararamdaman, at muling balikan ang mga katanungan na hanggang ngayon ay pumipigil sa iyo na gawin ng buong laya ang mga gusto mong gawin sa buhay. Lucky numbers: 5, 18, 26 at 42.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Makakaranas ng kalungkutan at pagka-negatibo sa maraming bagay, labanan ito upang mabago ang takbo ng pag-iisip. Mag-ingat sa pananalita dahil baka lumala ang hidwaan sa iyong mga karelasyon. Walang idudulot na mabuti ang pag-asam na yayaman nang husto sa sugal; magtiyaga kang magtrabaho nang maigi at mag-ipon upang guminhawa ang buhay. Ang malinaw at mahusay na pananalita ang magiging daan para umasenso ka sa trabaho. Lucky numbers: 14, 18, 22 at 45.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Sa trabaho, mas magiging epektibo kung may mga kasama ka sa grupo kaysa kumilos kang mag-isa. Walang kahirap-hirap na mapapabilang ka sa isang eksklusibong samahan, pero humanda ka sa mga gastusin na dulot nito. Ang problema sa pamilya ay maaagapan agad ng dahil sa positibong pananaw mo na malulutas ang lahat ng bagay. Mag-ingat sa mga sakit na dulot ng pabago-bagong panahon, at sakit na nakakahawa. Lucky numbers: 9, 16, 23 at 44.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Marami kang gustong bilhin at nakakalimutan mo ang paparating na bayarin. Kung may problema sa pag-ihi, magpasuri kaagad. Marami kang bagay na bubuksan at magiging maayos ang gagawin mong pagpili. Iwasan ang magpakapagod. May mga taong pilit na nakikialam sa iyong pribadong buhay at ayaw paawat kahit anong pilit mong ipaintindi na karapatan mong mamuhay nang ayon sa kagustuhan mo. Lucky numbers: 12, 27, 29 at 31.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Mapupukaw muli ang pagka-adbenturero mo, at kailangan mong kontrolin ito dahil baka ka mabigo. Kahit kakaiba ang ipinapakitang ugali ng ilang malalapit sa iyo, hindi mo magawang magalit sa kanila. Sa kabilang banda, magpapakita ka ng pagka-maramot at pagka masungit, na magdudulot ng tensyon sa iyong paligid. Malakas ang iyong pangangatawan, kaya madali kang gagaling sa karamdaman. May mga problema sa trabaho, pero makakatulong ito na mas mapalakas mo pa ito. Lucky numbers: 6,9,15 at 21.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Ang bagong negosyo ay makakatulong sa iyo, lalo na kung sarili mo ito, o kontrolado. Kung nakakaramdam ng pagkalungkot o nerbiyos, subukang magkaroon ng alagang hayop, at baguhin paminsan minsan ang pang-araw araw na gawain. Subukang kausapin nang maayos ang kapitbahay upang maayos ang problema, sa halip na awayin ito. Lucky numbers: 13,19,24 at 36.

Don't Miss