Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ok naman pala si Ma’am

19 September 2016

Takot na takot magpaalam si Emy sa kanyang amo para sa pagdinig ng kanyang kaso. Na-scam kasi siya ng malaking halaga, at tanging ang paghahabla lang ang nakikita niyang paraan para mabawi ang kanyang pera. E ang kanyang ma’am naman ay ubod ng dada kahit mabait, kaya iwas lagi siya sa maaari nitong sabihin.

Bisperas ng pagdinig ng kanyang kaso nang magkaroon ng lakas ng loob magpaalam si Emy sa amo. Agad na nagalit ang kanyang amo, pero hindi dahil may kaso si Emy, kundi bakit hindi daw sinabi sa kanya ang tungkol dito?

Galit na galit ang amo sa ginawang panloloko sa kanyang katulong, at gusto nitong harapin ang mismong taong  may gawa nito. Wala nang nagawa si Emy nang sabihin ng amo na sabay silang magpupunta sa korte kinabukasan.

 Sa takdang oras ng pagdinig ay todo ang kaba ni Emy hindi lang dahil iyon ang unang pagkakataon na haharap siya sa korte sa tanang buhay niya, kundi dahil nakatanghod sa kanya ang mataray na amo.

Nakipag-usap ang amo sa mga tao sa paligid, at nang matantiya na hindi naman dehado ang kanyang kasambahay ay nagsabing aalis na ito para magtrabaho. Mabuti na lang at nanalo si Emy sa kaso, kaya agad-agad niya itong itinawag sa amo. Natuwa naman para sa kanya ang amo, at sinabing kailangan nilang magdiwang ng kanyang mga kasamahan sa kanilang panalo.

Si Emy ay nasa unang kontrata pa lang sa among hiwalay sa asawa at nakatira sa Fortress Hill. – DCLM

Don't Miss