Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Nasobrahan sa pagiging pangahas

06 August 2018

Saklot ng pagsisi si Linda, 45, ng Pangasinan matapos niyang mapagtripan na gupitan ang aso ng kanyang amo na ikinagalit nito sa kanya, at naging sanhi para siya palayasin. Masyado kasing naging kampante si Linda dahil sa kabaitan ng amo kaya huli na nang mapagtanto niya na naging masyado siyang pangahas.

Aminado naman siyang mali ang kanyang ginawa, at sana man lang sana ay tinanong niya muna ang amo niya tungkol dito.

Pagdating ng amo galing sa trabaho ay ganoon na lang ang pagkabigla nang makita ang sobrang iksi ng buhok ng aso kaya nagtatalak nang nagtatalak, at pinalayas siya kinabukasan.

Mabuti na lamang at natiyempo na nangangailangan ng katulong si Paupau -- nanay ng kanyang amo -- at sinalo siya nito.

Ngayon ay ingat na si Linda kay Paupau at lagi nang isinasangguni ang nais gawin sa bahay nito. Nameligro siyang mawalan ng trabaho, bagay na ayaw na niyang maulit.

Malaki ang kanyang pasalamat kay Paupau sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya sa kabila ng kanyang kapalpakan. – George Manalansan

Don't Miss