Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Fantastica at Jackempopoy, nangunguna sa takilya sa mmff

30 December 2018

Mulingdumagsa ang mga manonood nitong Pasko sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival.

Agad na humataw sa takilya ang mga pelikulang JackEmPopoy napinagbibidahan nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza; at Fantastica nina Vice Ganda, Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at marami pang iba. Maaga pa lang ay wala nang mabiling tiket sa mga sinehan dahil naubos agad sa mga nag-advance booking.

Nag-ikot din sa mga sinehanan ang mga bida sa mga pelikulang kalahok sa MMFF, at balitang magkakasamang nanood din ng kanilang pelikula ang mgabida ng Fantastica. Kasama ring nanood sina Marian Rivera, bilang suporta kay Dingdong, at Sarah Lahbati, para kay Richard.

Mga poster ng pelikulang kalahok sa MMFF.


Malakas din sa takilya ang pelikulang “Aurora” ni Anne Curtis, at inaasahang marami ring manonood saiba pang kalahok, ang “One Great Love’”, “Mary, Marry Me”, “Otlum”, “Rainbow’s Sunset” at “The Girl in the Orange Dress”.

Ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga, na bida sa “Mary, Marry Me” ay sinorpresa ang mga nanood nangbatiin nila ang mga ito at pasalamatan. Si Luis Manzano naman ay nagbigay-suportasa girlfriend na si Jessy Mendiola nang magpa-block screening ito para mapanood ng mgakaibigan at kamag-ana kni Jessy ng pelikula nitong”The Girl in the Orange Dress”

Ang mga mananalo sa awards night ang magbibigyan ng tsansa nalumakas pa ang kita sa takilya.

MISS UNIVERSE CATRIONA GRAY MAGANDA ANG REGALO SA MGA PINOY
Ang pagkapanalo bilang Miss Universe ang pinakamagandang regalo para sa Pasko na inihandog ni Catriona Gray sa mga Pilipino. Ipinagbunyi ng buong bansa ang kanyangpagkapanalo, at marami siyang pinahanga sa kanyang naging performance, lalo na sa kanyang mga matalinong sagot sa question ang answer portion. Maging ang kanyang pagrampa suot ang swim wear at gowns ay umani ng papuri lalo na dahil sa ginawa niyang “lava walk”.



Pinasalamatanni Catriona ang kanyang mga magulang na nanood sa venue ng Miss Universe sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand, kasama angmarami ring Pinoy na dumayo rin doon upangsuportahan ang kandidata ng Pilipinas. Pagkatapos ng pageant ay umuwi muna sa Pilipinas si Catriona upang makita siyang muli ng mga kapwa Pinoy at mag courtesy call kay Presidente Duterte bago siya tumulak papuntang Amerika. Nakatakda siyang manirahan doon ng isang taon habang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang Miss Universe.

Si Catriona ang pang-apat na Pinay na nanalosa Miss Universe. Ang iba pa ay sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973) at Pia Wurtzbach (2015).



Samantala, nangungulila ang boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad, isang commercial model ng Filipino German. Dahil sa dami ng mga commitments ng dalaga bilang Miss Universe, wala na raw silang oras magkita o magkausap. Naiintindihan daw naman niya ito dahil alam niyang matagal nang pinaghandaan ito ni Ctariona. Hihintayin nalang niyang lumuwag-luwag ang schedule nito para makadalaw siya.



CAMILLE, BUNTIS ULIT
Noong Pasko ay masayang ibinalita ni Camille Prats, asawangsi VJ Yambao at mga anak nila na madadagdagan na sila dahil buntis ulit ang aktres. si Camille. Nine weeks na raw ang kanyang ipinagbubuntis.

Ito ang pangatlong anak ni Camille. Ang kanyang panganay nasi Nathan ay anak niya sa unang asawa niyang si Anthony Linsangan, na namatay sa sakit na cancer noong 2011. Ang pangalawa ay ang anak nila ni VJ, na si Nala, na mahigit isang taon pa lang. Mayroon din siyang stepson, si Isaiah, na anak ni VJ sa dating karelasyon.



IZA, LOTLOT, IKINASAL NA
Magkasunod na ikinasal sina Iza Calzado at Lotlot de Leon.

Si Lotlot ay ikinasal sa kanyang long-time partner na isang Lebanese businessman, si Fadi El Soury noong December 17. Dumalo ang apat na anak niya sa dating asawa na si Ramon Christopher Gutierrez na sina Janine, Diego, Maxine at Jessica Gutierrez.

Naroon din ang adoptive father niyang si Christopher de Leon, asawa nitongsi Sandy Andolong at kanilang mga anak. Pero hindi dumating ang adoptive mother niyang si Nora Aunor, na balitang hindi in good terms sa mga anak niya.

Samantala, si Iza ay ikinasal noong December 19 sa Palawan sa kanyang matagal nang boyfriend na si Ben Wintle.

Dahil pareho nang namatay ang mga magulang ni Iza, itinali niya sa kanyang bouquet ang locket na may mga larawan ng kanyang mga magulang na sina LitoCalzado at Mary Ann Ussher.

Kabilang sa kanyang mga bisita ay ang kanyang mga matalik na kaibigan at naging kasamahan niya sa orihinal na Encantadia na sina Sunshine Dizon at Karylle.





















Don't Miss