Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pinapasok ang bf sa bahay

18 March 2019

Karamihan sa mga dayuhang kasambahay sa Hong Kong ay natutuwa kapag sunod-sunod ang mga statutory holiday dahil sinamantala ito ng kanilang mga amo upang mangibang bansa.

Pagkakataon naman ito ng mga kasambahay upang makasama nang mas matagal ang mga kasama sa organisasyon, o manatili na lamang sa bahay ng amo upang makapagpahinga naman ng mas matagal at mas maayos.

Ngunit iba ang naging plano ni Jessica, isang Pinay sa mga among Haponesa at Canadian sa South Bay Road.

Umalis ang kanyang mga amo kasama ang isa pang kasambahay at ang mga bata para magbakasyon sa Japan kamakailan, habang si Jessica ay naiwan para magbantay at maglinis sa bahay.

Isang gabi ay nagulat na lamang ang mga residente sa kanilang gusali nang kumatok ang mga guwardiya at pulis sa bawat bahay upang alamin kung may napansin silang kaduda-dudang lalaki sa kanilang paligid.

Ayon sa mga guwardiya, may lalaki na pumasok sa gusali at nagpakilala bilang delivery man kaya pinatuloy. Pero nang magsagawa ang mga security officer ng regular na pagroronda at pag-aaral sa mga CCTV record ay napansin nila na hindi lumabas ang lalaki mula sa gusali, hudyat para sila ay maalarma.

Lalo na nang maalala  nila na wala namang tao sa apartment na binanggit nito, at ayaw din silang pagbuksan ng nakatao sa bahay na nasa itaas na palapag nito.

Dahil dito ay ipinagbigay alam na ng mga guwardiya ang insidente sa pulisya, na agad namang sumaklolo.

Sa magkasanib nilang pagsisiyasat ay natagpuan nila ang lalaking hinahanap na nakahilata sa sofa sa apartment ng amo ni Jessica, na ayaw magbukas noong una.

Call us!

Mariin nitong itinanggi na kilala niya ang lalaki at ang sabi ay pumasok lang itong bigla nang pagbuksan niya matapos kumatok ng ilang beses.

Hindi na daw niya ito napigilan dahil humiga na lang bigla sa sofa, at nangangamoy alak pa.

Agad dinampot ng mga pulis ang lalaki na isa palang Pakistani, sa sakdal na burglary.

Call now!

Nakaligtas man si Jessica, hindi naman kumbinsido ang mga amo sa kaniyang paliwanag.

Pagkarating nila mula sa bakasyon, agad nila itong pinatalsik dahil wala na sila umanong tiwala sa kasambahay.

Dagdag pang kuwento ng kasama niya sa bahay, ito pala ay bagong pasok lamang sa kanila noong Nobyembre noong nakaraang taon.

Call us now!

Ayon sa kanya, nabalitaan nila na pinatalsik din si Jessica ng dating amo sa parehas na kadahilanan.

Payo ng mga kapwa niya Pinay at kapitbahay, hindi dapat tumanggap ng bisita habang wala ang mga amo, lalo na kung isang kaulayaw ang papapasukin.

Lumabas na lamang at gawin ang iyong gusto sa ibang lugar kaysa mawalan ka ng trabaho, at mapahiya sa iyong kapwa. – Ghie Bastawang
===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
No photo description available.jargonhr@yahoo.com

Call us!
Call us!

Call us!
Call now!
Call us now!
Call us now!
Call us now!
Don't Miss