Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

For the period May 16-31

16 May 2019



BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Panahon na para magising ka sa katotohanan na nagkamali ka ng minamahal. Hindi pa huli ang lahat upang makipagkasira ka sa kanya kaysa habang panahon kang lumuha at magdusa. Tangerine ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 4, 15, 24, 32, 41,44

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Di mailarawan ang galak na madarama mo sa araw na ito. Bagamat masalimuot ang pinagdaanang hirap, ngayoy ginhawa naman ang kapalit. Purihi’t pasalamatan ang Poong Maykapal na siyang nagbibigay ng biyaya sa taong kinalugdan niya. Kahel ang masuwerteng kulay. Masuwerteng numero: 1, 10, 13, 22, 37, 41.

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Muling babalik sa alaala ang nagdaang pag-ibig na naudlot dahil sa paglayo ng minamahal. Hindi ka mapapakali, kaya pilit mo siyang hahanapin. Hindi pa panahon para makita mo siya. Nguni’t huwag mag-alala dahil muli siyang ibabalik sa iyo ng tadhana. Dilaw ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 1, 10, 19, 37, 46, 48.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Matindi ang pagsubok sa buhay mo pero kayang-kaya mo iyang malagpasan sa tulong ng Maykapal. Ipagpatuloy ang pagganap ng mga gawaing kalugod-lugod sa Diyos. Sosorpresahin ka ng tadhana. Malaking gantimpala ang paparating na sa iyo. Dark blue ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 16, 20, 22, 34, 43, 47.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Kakampi mo ang langit, bituin at araw kaya mabilis mong maiaayos ang nilalakad mong mga papeles. Matatanggap ka sa trabaho at magiging aliwalas na ang buhay mo. Pula ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 9, 18, 27, 36, 45, 48.

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Maganda ang ipinahihiwatig ng araw na ito. Iwasan ang panlalata at kawalang sigla upang masagap ang grasya. Ayusin ang bakuran, maglagay ng mga sariwang halaman sa harapan ng bahay upan tuluyan nang suwertihin. Charcoal gray ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 14, 23, 32, 41, 46.

Call us!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Huwag padalos-dalos sa pagpapasiya. Isa na namang problema ang mangangailangan ng masusing pag-aaral bago masolusyonan. Patulong ka sa kaibigang unggoy upang magaan mong malutas ang mga suliranin. Violet ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 4, 13, 22, 28, 37, 48.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maiinip ka sa takbo ng pangyayari sa araw na ito. Huwag magmadali. Kung talagang ukol sa iyo ang isang bagay, kahit hindi mo hintayin kusang darating. Lavender ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 12, 21, 24, 33, 45, 48.

Call us now!

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Mapapanaginipan mo na naman ang dati mong kasintahan. Hanggang ngayon, di pa rin siya mabura sa iyong alaala. May posibilidad na mag-krus ang inyong landas sa araw na ito. Kagalakan ang madarama sa halip na pagkamuhi. Gold ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 5, 10, 19, 32, 41, 49.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Di inaasahang kaibigan ang dadalaw sa iyo sa araw na ito. Magugulat ka sa ugali niya, hindi na siya mahiyain, at sa halip ay sobrang palabiro na siya ngayon at malambing. Babalik and alaala ng kahapon. Umiwas upang hindi mahulog sa kanyang bitag. Navy blue ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 6, 21, 24, 33, 42, 43.

Call now!

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Isang imbitasyon ang matatanggap mo sa araw na ito na hindi mo mapapahindian. Kaligayahan ang idudulot nito sa iyo sa umpisa, subalit kalungkutan naman pag nagtagal ka pa at hindi umuwi ng maaga. Ibayong pag-iingat ang dapat gawin. Dark red ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 9, 18, 27, 33, 42, 45.



ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Idistansya mo ang sarili mo sa iyong kasuyo. Sa pagiging masyadong malapit mo sa kanya, baka ikaw ang madehado. Bandang huli alalahanin mo ang kasabihang “tuso man ang matsing, napaglalangan din.” Old rose ang masuwerteng kulay. Mapalad na numero: 4, 13, 22, 31, 40, 45.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Don't Miss