Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Gusto mo bang maging broadcaster?

12 November 2019




Nagsimula nang tumanggap ng application ang RTHK psra sa kanilang proyektong CIBS (Community involvement Broadcasting Service), na naglalayon na bigyan-boses ang mga minorya sa Hong Kong sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sariling programa sa radyo.

Bukas ito sa lahat, maging residente man o hindi. Kailangan lamang na kasapi sa isang organisasyong rehistrado. Hindi rin kailangan na sanay na sa broadcasting, dahil mas pinapahalagahan ang mensaheng gustong ibigay ng makikilahok.

May nakalaang pondo upang sagutin ang allowance ng mga tutulong sa programa, at gastos sa produksyon.

Ang Application Deadline ay sa Dec, 19, 2019.

Para sa dagdag na kaalaman, magpunta sa kanilang website sa http://cibs.rthk.hk/applications o tumawag sa 2332 2334.

Don't Miss