Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Libreng air ticket papuntang HK ipamimigay sa Pilipinas

03 March 2023

 


Libo-libong libreng air ticket ang naghihintay sa mga gustong bumisita sa Hong Kong mula sa Manila at Cebu, sa World of Winners promo kung saan mamimigay ang Hong Kong International Airport ng kalahating milyong ticket.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Ang pamimigay ng ticket ay parte ng Hello Hong Kong promotion na inilunsad ng gobyerno noong Pebrero upang makaakit ng 1.5 million turista mula sa buong mundo sa loob ng susunod ng anim na buwan.

Magsisimula ang pagtanggap ng sasali mula sa Pilipinas ngayon (March 3) at tatagal hanggang March 9.

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang mananalo ng libreng ticket ay kailangang magbayad ng buwis at iba pang singil.

May 20,400 round trip air ticket na mapapanalunan mula sa dalawang airline na may serbisyo sa Pilipinas. Pwedeng sumali sa website nila:

Pindutin para sa detalye

Cathay Pacific: https://flights.cathaypacific.com/en_PH/offers/world-of-winners.html

Hong Kong Airlines: https://www.hongkongairlines.com/en_HK/readysetgo/main

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ikatlo ang  Pilipinas sa mga bansang nagsimulang tumanggap ng sasali.

Sa Singapore, pinagkaguluhan ang promo kahapon. Nagbukas ang promo bandang tanghali upang mamigay ng 12,500 ticket, at naubos ang mga ito sa loob lang ng isang oras, ayon sa mga report.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nauna rito, namigay din ng 17,400 ticket sa Thailland noong March 1.

Ang mga susunod na raffle sa Southeast Asia, ang unang rehiyon na puntirya nito, ay gagawin sa:

Pindutin para sa detalye!

Indonesia - March 15 - 21 (11,510 ticket)

Malaysia - March 16 - 22 (7,000 ticket)

Vietnam - March 17 - 23 (8,800 ticket)

Cambodia - March 18 - 24 (2,390 ticket).

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
Don't Miss