Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

19 arrested in anti-illegal worker raids

Posted on 08 July 2023 No comments

 

Some of those arrested in the 4-day raids

Raids on 96 establishments for four days until yesterday (July 6) netted 17 suspected illegal workers and two employers, the Immigration Department (ImmD) reported today.

Immigration said the arrests were made during its territory-wide anti-illegal worker operations codenamed "Lightshadow" and "Twilight", and joint operation with the Hong Kong Police Force codenamed "Windsand".

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Immigration Task Force officers arrested 15 suspected illegal workers and two suspected employers when they raided 96 locations, including a garage, industrial buildings, premises under renovation, a recycling yard, residential buildings, restaurants, retail shops and a vegetable stall.

Those suspected of doing illegal work comprised three men and 12 women, aged 27 to 54. Among them, one man and two women were holders of recognisance forms, which prohibit them from taking any employment. One woman was suspected of using and being in possession of forged Hong Kong identity card.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Two women, aged 33 and 45, were also arrested for employing the illegal workers.

The two other arrests were made during operation "Windsand" with the help of police.

BASAHIN DITO

Two men who were Mainland visitors, aged 40 and 46, were arrested for breaching their condition of stay by being involved in suspected illegal parallel trading activities at San Wan Road in Sheung Shui district. The goods were mainly food and milk powder.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Bagong pagsasanay mula sa Kasambuhay ngayong Linggo, July 9

Posted on No comments

 

Isa itong pagsasanay pangkabuhayan mula sa Kasambuhay

Bukas, July 9, ay isasagawa ng grupong Kasambuhay Hong Kong Foundation ang pagtuturo ng paggawa ng mga palamuting alahas sa Rooftop ng Harcourt Garden sa Admiralty, (malapit sa exit E ng MTR), mula 9:30 hanggang 11 ng umaga.

Bahagi ito ng kanilang pagbabahagi ng mga pwedeng pagkakakitaan, lalo na ng mga nagbabalak nang umuwi sa Pilipinas, o kaya ay mapaglilibangan man lang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

Kahit sinong migranteng manggagawa ay maaaring sumali sa pagsasanay na ito, bagamat dahil maliit ang lugar na pagdarausan, ay gagawing first-come, first-served ang pagpapalista. Para makasiguro na makakasama sa pagtuturo ay sikaping dumating nang maaga.

Ang Kasambuhay ay itinatag ng dating pamunuan ng Card OFW Hong Kong para gabayan ang mga migranteng manggagawa sa wastong paggamit ng kanilang sahod, pag-iipon at pagnenegosyo sa tamang pamamaraan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kasama din sa kanilang ibinabahagi ang pagkakaroon ng livelihood skills o kaalaman na maaring magamit para sa paghahanapbuhay.

BASAHIN DITO

Para sa dagdag na impormasyon, mangyari lang na bisitahin ang kanilang Facebook page, Kasambuhay Hong Kong Foundation @KasambuhayHK.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipina, itinangging sinaktan ang alagang nagwala habang naliligo

Posted on 07 July 2023 No comments

 

Si Carmela  (itim na pantalon) ay sinamahan sa korte ng taga MWO.

Itinanggi ng isang Pilipina ang paratang na sinaktan niya ang kanyang alagang bata nang humarap siya sa Eastern Court ngayon.

Dahil sa pagtanggi ni Carmela Sulpico, 34 taong gulang, itinakda ni Principal Magistrate Ivy Chui ang dalawang araw na paglilitis ng kaso sa Aug. 19-20.

Pansamantala siyang pinalaya sa piyansang $200.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Inakusahan si Sulpico ng pananakit sa kanyang alagang siyam na taong gulang, na tinawag na X, na nagsanhi ng kakaibang sakit o masamang epekto sa kalusugan nito. Ito ay paglabag sa Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance.

Sinabi ng taga-usig na handa silang magharap ng mga testigo, kasama na ang umano’y nasaktang bata, at CCTV recording noong araw na naganap ang insidente sa bahay ng amo ni Sulpico sa Central.

Ayon naman sa abugado ng kabilang panig, may ipakikita rin siyang dalawang minutong video na magpapatunay na walang kasalanan ang nasasakdal.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang umano’y pananakit ay nag-ugat sa pagpilit ni Sulipico na maligo ang bata noong Feb. 20, pero tumanggi ito at nagwala. Pagkatapos ng insidente ay nakitaan ng mga pasa ang katawan ng bata.

Pero ayon kay Sulpico, siya rin ay nagtamo ng pasa dahil sa insidente.

Sinamahan siya sa korte ni social welfare attache Remilene Marcelino at isa pang tauhan ng Migrant Workers’ Office.

BASAHIN DITO

Siya ay tumutuloy sa shelter ng MWO sa Kennedy Town habang nilalabanan ang kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Libreng serbisyo para sa mga migrant workers, isasagawa sa Linggo

Posted on No comments

 

Ang listahan ng mga serbisyo sa ilalim ng Care to Caregivers

Libreng kunsultasyon sa problema sa trabaho, tamang paghawak sa kinikita, masahe, acupuncture, blood at glucose test.

Ito ay ilan lang sa mga serbisyong maaaring makamtam ng libre ng mga migranteng manggagawa ngayong Linggo, July 8, sa Chater Road, Central, mula 10am hanggang 5pm, hatid ng Mission for Migrant Workers.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

Bahagi ito ng programang “Care to Caregivers” na ilang taon nang isinasagawa ng Mission para kahit sa isang Linggo man lang ay maramdaman ng mga migrant domestic workers (MDW) na sila ang pinagsisilbihan at inaalagan ng ibang tao.

Sa ilalim ng programang ito ay pupunta ang ilang mga case workers ng Mission kabilang ang general manager nilang si Cynthia Tellez at si Edwina Antonio ng Bethune House Migrant Women’s Refuge para sagutin ang mga tanong ng mga MDW na may kinalaman sa kanilang pagtatrabaho sa Hong Kong.

Nagbibigay din sila ng payo sa mga MDW na may problemang pampamilya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang Give Care to Caregivers ay isinasagawa ng Mission o MFMW tatlo hanggang apat na beses isang taon, na natigil pansamantala noong panahon ng pandemya.

Nakikipagsanib-puwersa sila sa iba-ibang grupo na nagbibigay ng serbisyo para mapasaya kahit sa isang maghapon lang ang mga migranteng manggagawa sa Hong Kong.


May parangal din para sa mga nanalo sa patimpalak sa tula

Sa taong ito ay paparangalan din ng Mission ang mga nanalo sa patimpalak sa pagtula na  inilunsad nila bilang bahagi ng kanilang proyektong Happy Homes, na nagbibigay-parangal sa mga employer na nagpapahalaga at nagkakalinga sa kanilang mga MDW.

BASAHIN DITO

Ilulunsad din ang Coins for Bethune House, isang fund raising para sa Bethune House Migrant Women’s Refuge, ang bahay-kanlungan ng Mission para sa mga MDW na nahaharap sa pagsubok.

Kahit sa pamamagitan ng barya-baryang pagtulong ay inaasahan ng Bethune House at ng Mission na makakabuo ng sapat na pondo para maitawid ang pangangailangan ng mga migranteng nangangailangan.  

  

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipinang nawalan ng boses at paralisado dahil sa stroke, hiling ay dalaw

Posted on 06 July 2023 No comments

 

Hiling ni Annabelle, sana ay may dumalaw sa kanya

Nananawagan ang Mission for Migrant Workers na tulungang mapasaya ang isang Pilipina na tatlong buwan nang nakaratay sa ospital matapos ma-stroke, sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanya.

Si Annabelle Bullante na 40 taong gulang pa lamang, ay nasa Tung Wah Eastern Hospital sa Causeway Bay kung saan siya isinasailalim sa physiotherapy.

Dahil sa tindi ng stroke na tumama sa kanya noong April 9 ay hindi pa rin siya makapagsalita, at nananatiling paralisado ang kalahati ng katawan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa ipinarating na apela sa Mission ng isa niyang kaibigan, gusto na daw umuwi ni Annabelle dahil malakas na siya at walang dumadalaw sa kanya. Nag-aalala ang kaibigan niyang ito dahil pauwi na siya sa Pilipinas noong Martes, at baka lalong malungkot si Annabelle kapag wala na siya.

May isa pang Pilipina na nakakausap si Annabelle sa ospital noon, si Jocelyn, pero tumigil na rin ito sa pagpunta doon dahil gumaling na ang matandang inaalagaan.

Agad namang hiniling ni Cynthia Tellez, general manager ng Mission, sa isa sa kanilang mga volunteers na si Juvy na puntahan si Annabelle at dalhan ng adult diapers, dahil lagi daw syang nauubusan nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kasabay nito ay ipinarating ni Tellez ang pakiusap ni Annabelle sa mga opisyal ng Konsulado, lalo na ang apela nito na puntahan naman siya ng mga taga Overseas Workers Welfare Administration para alamin ang kanyang kundisyon at tulungan siyang makauwi na.

Tugon naman ni OWWA welfare officer Dina Daquigan, matagal na nilang na monitor ang kaso, at lagi silang nakikipag-ugnayan sa ospital, mga doctor at employer ni Annabelle. 

Wala daw itong problema sa employer dahil todo suporta ito at handang bayaran ang lahat na dapat na matanggap ng pasyente. Dinadalaw din daw ito at dinadalhan ng pagkain ng kanyang tiya na nagtatrabaho sa parehong employer.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Bagamat isang linggo na daw silang sinabihan na maari nang umuwi si Annabelle ay wala daw silang makuhang maaaring mag escort kay Annabelle sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas. 

Bandang huli, napagkaisahan daw na ang tiya na lang ni Annabelle ang mag-uuwi sa kanya sa Pilipinas. Hinihintay na lang daw nila ngayon ang payo ng doctor bago bumili ang employer ng tiket para sa pag-uwi ni Annabelle at ng kanyang tiya.

Ayon naman kay Jocelyn, masuwerte pa rin si Annabelle na isang single mother sa kabila ng nangyari sa kanya. Patuloy daw kasi siyang pinapasuweldo ng kanyang amo kaya nanatili ang pagpapadala niya ng pera sa kanyang pamilya.

BASAHIN DITO

Dagdag ni Jocelyn, sana ay gumaling ang kanyang kaibigan nang tuluyan, at suklian ng tapat na pag-aalaga ng kanyang pamilya ang kanyang pagsasakripisyo.

(Sa mga gustong dumalaw kay Annabelle, siya ay nasa Bed 6, D2, 2nd floor ng Tung Wah Eastern Hospital sa 19 Eastern Hospital Road sa Causeway Bay. Ang oras ng dalaw ay mula 12nn hanggang 2pm, at 5:30pm hanggang 8pm).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Employer sounds out alarm for missing Filipina helper

Posted on No comments

By The SUN

 

A photo of Ivy Guzman that her employer shared on Facebook

A Hong Kong employer has issued an urgent appeal for help in locating his Filipina domestic helper, Ivy Christian Diaz Guzman, who he said had gone missing after supposedly spending a week-long vacation in the Philippines.

The employer, Andy, said he is worried that something bad has happened to Ivy, who left their house on June 30, after his family had left for a trip abroad. She was supposed to return to Hong Kong yesterday, July 5, but did not, and her phone number is now out of reach.

“I checked the CCTV, she did all the housework that day but left early, about 10am, for her 6pm flight,” said Andy.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Not a few of those who saw his appeal posted by his friend on the Facebook page HK Moms said Ivy might have gone somewhere else, like Poland or Dubai, where many Filipino migrant workers choose to move to after working in Hong Kong.

In at least one case in the past, a Filipina who sparked a community-wide search for days after disappearing during her day-off, turned out to have fled to China without telling anyone, except her husband in the Philippines.

But Andy believes Ivy’s case is different because there were no signs that she had intended to go away for a long time. Her clothes and cosmetics are said to be still in her room and they did not have any dispute or misunderstanding before she disappeared.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

While she has been with his family for just over six months, Ivy had previously worked for them and finished a two-year contract but decided not to renew, saying she wanted to look after her daughter. She had wanted to return earlier, but the pandemic made her decide against this.

She arrived back in Hong Kong in January this year and resumed working with Andy’s family. When she learned that her employers were planning to go on a vacation this month, she asked for permission to go home at about the same time, again saying she wanted to see her daughter.

Andy said he had contacted the employment agency that brought Ivy back to Hong Kong, thinking that they would be in the best position to check on her whereabouts in the Philippines.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

He did not think of calling the police in Hong Kong as he feared that it was in the Philippines that Ivy encountered a problem that prevented her from returning to her work.

“We are asking for your help in spreading the word about her disappearance. Please share this post with your friends and family, and anyone who may have seen or heard something. Your help and support mean everything to us during this difficult time,” said the post made on his behalf.

Attached to the post was a picture of Ivy, along with another appeal to bring her home, “safe and sound.”

BASAHIN DITO

In response to the appeal, The SUN has directly informed Consul General Raly Tejada about the case, and is hopeful Ivy would soon be found. Any information that may help locate her can be sent directly to Andy at 9805 0595.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss