Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Batas na nagtatakda ng multang $3k sa mga nagkakalat, pasado na

Posted on 13 July 2023 No comments

 

Doble na ang multa sa pagkakalat, 4x na mas mataas sa tindang hinaharang sa daanan 


Simula sa Oktubre 22 ay dodoblehin na sa $3,000 ang multa sa mga mahuhuling nagkakalat sa publiko. Ito ay matapos maipasa ang panukala sa Legislative Council kahapon, Miyerkules.

Bukod sa pagkakalat, papagmultahin din ng kaparehong halaga ang mga mahuhuling dumudura sa mga pampublikong lugar kabilang ang mga country park, ang mga pinapabayaang magkalat ng dumi ang kanilang mga alagang aso, pagtatapon ng basura sa dagat, at pagsasabit ng mga poster at pagdikit ng mga sticker ng walang pahintulot.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang dating multa sa mga ganitong paglabag sa mga panuntunan ay $1,500.

Pero ang pinakamalaking dagdag na parusa ay inilaan sa mga nagtatapon ng basura mula sa construction site at dinudugtungan ang kanilang mga tindahan ng walang pahintulot. Mula $1,500 ay itataas ang multa sa $6,000.

Ayon sa pinuno ng Environment and Ecology Bureau na si Tse Chin-wan, ilalabas sa gazette ng gobyerno ang bagong batas sa katapusan ng Hulyo, at magkakaroon ito ng bisa simula sa Oct 22.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

BASAHIN DITO

Ayon kay Tse, inalala din ng ilang mga mambabatas sa posibleng maging epekto ng batas sa mga maliliit na negosyante, pero mas nangibabaw ang kanilang pagpapahalaga sa masamang epekto sa kapaligiran ng patuloy na pagharang sa mga kalsada at daraanan ng mga tao ng mga ilegal na istraktura.

Ang pagpataw ng mas mataas na multa sa mga nagkakalat ay una nang binanggit ni Chief Executive John Lee sa kanyang policy address noong Oktubre ng nakaraang taon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

DMW, NBI take up complaints against Mabatid’s ‘illegal’ recruitment drive

Posted on No comments

By The SUN

 

Migrante chair Joanna Concepcion calls for govt action outside the DMW office

About a dozen people claiming to be victims of large-scale illegal recruitment by PinoyCare Visa Centre and its chief executive officer Prisca Nina Mabatid trooped to the Department of Migrant Workers (DMW) and the National Bureau of Investigation (NBI) on Wednesday to file complaints.

The group, accompanied by Migrante International representatives, said they paid at least Php104,000 each as processing fee for the Canadian student visa that Mabatid, through PCVC and another company she controls called Opportunities Abroad, had promised to secure for them within three months.

They claimed the recruiters have been luring and deceiving Filipinos throughout the Philippines, as well as overseas Filipino workers in Hong Kong, United Arab Emirates, Japan, Singapore and other countries, into paying the processing fee before disclosing conditions that are difficult, even impossible, to meet.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

This was contrary to the group’s initial promise to provide them help throughout the recruitment process, and their repeated assurances that they need not worry about having the right qualifications or financial capability to secure the visa.

When they asked for a refund, Mabatid and her staff reportedly turned hostile, and even threatened to sue them in court, using as an excuse the no-refund, no-lawsuit “memorandum of agreement” that they were forced to sign after they had paid for the processing fee in full.

One of the 'victims' shares his bad experience with Mabatid's PCVC company

“Nina Mabatid and her company have stolen millions of pesos from hard-working Filipinos and OFWS who dream of a better life and economic security. These amounts should be returned immediately to her victims. What she and her associates did is blatant illegal recruitment, if not human trafficking.” said Migrante International chairperson Joanna Concepcion.

 “Mabatid peddled false and unrealistic promises. Despite the huge fees paid by the victims, their applications to Canada were never fully processed. The government should do something to protect our kababayans from such frauds,” Concepcion added. 

Staff at DMW’s legal division said they would go over the complainants’ statements and arrange a full hearing later, while NBI promised quick action, said Concepcion.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The Migrante chair said it was surprising that despite countless complaints against Mabatid and her companies, they continue to openly organize and hold seminars throughout the country, often with help from local government officials and local PESO offices.

OFWs who mostly had to borrow the money they used to pay the processing fee said they were enticed by the promise personally made by Mabatid of an interest-free “loan” of P1 million which they were meant to present as proof to Canadian authorities of their financial capability.

Mabatid (3rd from left) faces police questioning in HK

All the disgruntled applicants said the open endorsements of Mabatid and PCVC-Opportunities Abroad by well-known personalities like Senator Raffy Tulfo, Atty. Gareth Tungol, and celebrity host Boy Abunda, also helped convince them that they were dealing with a legitimate group.

In Hong Kong, 11 applicants who had earlier filed complaints with the HK Police and the Philippine Consulate General said the aggressive promotion of OFW blogger Bryan Calagui encouraged them to pay Php131,000 each to PCVC-OA in just three days in February this year.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The complainants called the police after hearing that the group was holding another recruitment activity at Sunbeam Theater in North Point last June 18, but Mabatid was let off after she promised to return their money a week later at the Philippine Consulate.

When Mabatid failed to show up as promised, the complainants went back to the police, who said they would elevate the case to criminal investigators, and possibly the Immigration Department.

Mabatid claims to have the support of Sen Raffy Tulfo in her operation

Meanwhile, the Consulate has begun its own inquiry after DMW Secretary Susan Ople asked for a thorough investigation of the complaint. She also named DMW Undersecretary Hans Cacdac as the officer in charge of the case.

Separately, Consul General Raly Tejada has denied meeting with Mabatid at the Consulate in April, saying she just happened to be in the company of former Presidential Spokesperson Harry Roque who asked to drop by for a courtesy call.

BASAHIN DITO

Congen Tejada was responding to queries about pictures shared by Mabatid on her Facebook account, which seemed to imply that her operations had the Consulate’s blessing.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

2 Pilipina, humarap sa korte sa kasong pagnanakaw

Posted on 12 July 2023 No comments
Harap ng gusali kung saan nangyari ang panloloob.

Dalawang Pilipina ang humarap sa Eastern Courts kanina sa kasong pagnanakaw, pero isa sa kanila ang nakalaya sa bisa ng piyansa at ang ikalawa ay nanatiling nakapiit dahil tumutol ang taga-usig na siya ay pakawalan.

Itinuloy ni Principal Magistrate Ivy Chui ang bisa ng piyansang $2,000 ni Ofelia Isabel Flores Jeans, 35 taong gulang na residente, matapos humingi ang taga-usig ng dagdag na panahon upang mag-imbestiga ang mga pulis. Itinakda niya ang susunod na pagdinig sa Aug. 9.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pero nang mag-alok ang abogado ni Mishell Cornelio, 36 taong gulang na domestic helper, ng $2,000 bilang piyansa at iba pang kondisyon -- gaya ng hindi pag-alis sa Hong Kong at regular na pag-report sa pulis -- tumutol ang taga-usig na pakawalan siya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Ang dahilan: Isa sa tatlong kasong isinampa laban kay Cornelio ay robbery, o panloloob, na mas mabigat na krimen kesa sa simpleng pagnanakaw, ayon sa batas ng Hong Kong.

Malakas ang ebidensiya at nasisante na ng amo si Cornelio kaya wala siyang matutuluyan, dagdag ng taga-usig.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
Sumang-ayon si Magistrate Chui at inutos na ibalik sa kulungan si Cornelio, pero itinakda niya sa July 18 ang susunod na pagdinig upang tingnan kung pwede na itong mag-piyansa.

BASAHIN DITO

Ang unang kaso ni Cornelio ay ang pagpasok nang walang paalam sa bahay ng anak ng amo niya sa Sai Ying Pun noong July 9, at pagtangay ng 2,300 Taiwan dollar, 490,000 Vietnamese dong, 381,000 South Korean won, 104 Singapore dollar, 1,400 Thai baht, 9,000 Hong Kong dollar, tatlong gintong kwintas, dalawang CCTV camera, at isang kurtina sa pinto.

Kinasuhan din siya ng pagnanakaw nang dalawang beses sa nasabing bahay – ng isang gintong kwintas noong June 8, at ng isang gintong pulseras noong July 6.

Ang residenteng si Jeans  (kaliwa) matapos ang pagdinig.

Samantala, si Jeans ay akusado sa pagnanakaw ng cash na $83,976.60 mula sa Le Colonial, isang Vietnamese restaurant, sa Paterson St, Causeway Bay.

Nangyari umano ang pagnanakaw sa pagitan ng  March 15, 2021 at Sept. 13, 2022.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipina, kinasuhan ng pagpasa ng pekeng dokumento para ma-extend ang visa

Posted on No comments

 

Sa Aug. 1 ang balik ng Pilipinang turista sa korte

Isang Pilipina na gumamit ng mga pekeng dokumento para makakuha ng visa extension sa Immigration Department ang nahaharap ngayon sa dalawang kaso nang mabisto na ang support letter na ipinasok niya ay gawa-gawa lang.

Si Vivian Solis, 35 taong gulang, ay pinakawalan sa bisa ng piyansang $1,000 matapos binasahan ng dalawang kaso sa Shatin Courts kahapon (July 11).

Itinakda ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong ang susunod na pagdinig sa kanyang kaso sa  Aug. 1.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inakusahan si Solis ng pagsisinungaling sa Immigration officer nang sabihin niya rito, nang mag-apply siya ng extension of stay noong Jan. 10, 2022, na magtatrabaho siya bilang domestic helper ng isang Iris May Chaves.

Ayon sa Immigration Ordinance, ang pagsisinungaling sa isang Immigration officer ay may parusang multa na aabot sa $100,000 at pagkabilanggo na aabot sa dalawang taon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN DITO

At dahil nag-sumite siya ng isang pekeng kopya ng sulat mula kay Chaves bilang suporta sa kanyang hinihinging visa extension, kinasuhan din siya ng paggamit ng pekeng dokumento at pagtatangkang kumbinsihin ang isang opisyal ng gobyerno na ito ay totoo.

 Ayon sa Crimes Ordinance, ito ay may parusang aabot sa 14 na taon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

3 buwang kulong dahil sa dalang shabu

Posted on 11 July 2023 No comments

 


Isang Pilipinong nahulihan ng methamphetamine hydrochloride o shabu habang naglalakad sa Wanchai MTR station ang nahatulan kanina ng tatlong buwang pagkabilanggo.

Sinabi ni Principal Magistrate Ivy Chui ng Eastern Courts na hindi maiiwasang ipakulong si Ronald Peher, 37 taong gulang at walang trabaho, dahil ang drogang sangkot ay lubhang mapanganib at ang nakita sa kanya ay halos isang gramo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dapat nga, ika ni Chui, ay dinidinig ang kaso niya sa District Court.

Umamin si Peher sa naunang pagdinig ng pagkakaroon ng 0.95 gramo ng shabu na nakasilid sa isang plastic bag, nang mahuli siya sa loob ng Wanchai MTR station noong May 28.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

BASAHIN DITO

Ayon sa background report na inutos upang pagbasehan ng kanyang parusa, hindi addict si Peher kaya hindi siya kailangang ipadala sa rehab.

Dahil ang natitira na lang na dapat niyang kalagyan ay kulungan, hinatulan siya ni Chui ng tatlong buwang pagkabilanggo, alinsunod sa Dangerous Drugs Ordinance.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipinong nabaril ng sinaktang pulis, kulong ng 4 na buwan

Posted on No comments

 

Nasentensyahan si Arimas sa Eastern court kanina

Apat na buwang kulong ang ipinataw na parusa ng Eastern Court kanina sa Pilipinong nabaril ng isang pulis matapos niya itong saktan sa Peng Chau noong gabi ng Jan. 24.

Umamin si Oliver Arimas, 43 taong gulang, sa dalawang kasong pananakit ng dalawang pulis na rumeresponde para patigilin ang pag-iingay ng kanyang grupong nag-iinuman sa isang bahay sa Wing On St., Peng Chau.

Ang kanyang kapwa akusado na si Cione Chris Sacdalan, 33 taong gulang, ay pinalaya matapos iurong ang dalawang kaso ng pananakit sa isang pulis laban sa kanya, kapalit ng pangakong hindi siya muling lalabag sa batas sa loob ng 36 buwan. Kapag lumabag siya sa pangako ay magbabayad siya ng multang $2,000.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pinagbayad din si Sacdalan ng $1,000 bilang gastos ng korte.

“Ang pananakit ng pulis habang ginagawa ang kanilang tungkulin ay isang mabigat na pagkakasala,” wika ni Principal Magistrate Ivy Chui sa Ingles. “Hindi lang sila gumagawa ng tungkulin, pinapanatili rin nila ang kapayapaan.”

Para sa unang kaso -- ang pananakit sa isang senior police constable  -- ipinataw ni Chui kay Arimas ang apat at kalahating buwang pagkabilanggo. Dahil sa pag-amin ni Arimas, binawasan ang sentensiya ng 1/3 kaya naging tatlong buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa ikalawang kaso – ang pananakit sa isa pang pulis – ang naging parusa ni Arimas ay anim na linggong kulong. Pero dahil sa pag-amin, binawasan ito ng 1/3 kaya naging apat na linggo.

Nangyari ang krimen noong gabi ng Jan 24. Isang tao ang tumawag sa emergency line na 999 at inireklamo ang ingay na nanggagaling sa ikalawang palapag ng isang gusali sa Wing On St., Peng Chau.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dalawang pulis ang kumatok sa apartment na may nag-iinuman at sinabihan ang nasa loob na huwag mag-ingay.

Sandaling natigil ang ingay, pero maya-maya ay may tumawag ulit sa 999 upang magreklamo na maingay na naman sa bahay.

Kumatok ang senior police constable sa pinto at pinagbukasan ni Sacdalan. Hinatak ni Arimas ang pulis papasok, sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kuwelyo.

BASAHIN DITO

Nang gamitan ng pulis ng pepper spray si Arimas ay sinakal siya nito at itinulak pababa sa hagdanan.

Sumunod pa si Arimas pababa, at nang harangin siya ng ikalawang pulis ay sinuntok niya ito.

Inilabas ng unang pulis ang kanyang baril at nagbantang magpapaputok. Nang patuloy pa ring sumugod si Arimas ay tatlong bala ang sumalubong sa kanya.

Pareho silang dinala sa ospital, kung saan nag-agaw-buhay si Arimas.

Ayon sa abugado ni Arimas ay pinagdusahan nito ang kanyang nagawa, dahil ang pagkabaril niya ay nagsanhi ng pamamanhid ng kaliwa niyang braso. Nagawa lang daw nito ang manlaban dahil sa kalasingan.

Hiniling ng abugado na kung maari ay gawing community service na lang ang parusa kay Arimas o kaya ay maiksing pagkabilanggo, pero isinantabi ng hukom ang pakiusap.

Ayon kay Magistrate Chui, hindi tamang ikatwiran na nagawa ni Arimas ang manakit dahil siya ay lasing.

Sabi ni Chui: “Ang pagiging lasing ay hindi katanggap-taggap na palusot. Sa halip, ito ay dapat magpalubha ng isang pagkakasala.”

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

 

 

 

 

 

 

Don't Miss