Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Nagselfie lang, nasisante agad

21 January 2017

Pagkatapos bilinan si Joy na bantayan maigi ang alaga habang nag-aaral lumangoy sa swimming pool na kanilang pinupuntahan ay agad-agad siyang nagselfie at nag-upload sa facebook pagtalikod ng amo.

Hindi niya tuloy namalayan nang hilahin ng kanyang alaga sa ilalim ng pool ang kaklase na anak ng kaibigan ng kanyang amo. Hindi natuwa yung batang hinila sa ilalim ng pool kaya nagsumbong sa Mommy niya pag-uwi nila.

Sinabi nitong nagse-selfie kasi ang yaya ng kaibigan niya kaya nahila siya nang hindi nito namamalayan.

Agad namang ipinaalam nung nanay ang buong pangyayari sa amo ni kabayang nagselfie kaya hindi ito nagdalawang isip na sisantihin siya. Walang nagawa si Joy nang sabihan siya na tinatapos na ng amo ang kanilang kontrata dahil hindi naman niya ginagawa ang trabaho. Mas inuuna pa raw kasi niya ang pagse-selfie kaysa bantayan ang kanyang alaga.

Binilinan na nga siya ng husto pero nanaig ang buyo ng pagse-selfie sa ganda ng pool na kanyang kinatatayuan. Hiyang hiya at sising sisi si Joy sa nangyari sanhi ng pagka-adik niya sa selfie. Nangako man siyang hindi na mauulit ang pangyayari ay huli na. – Marites Palma 

Don't Miss