Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Nanghingi ang lalaki ng larawan niya na nakahubad

23 February 2017

Si Madelyn ay isang Ilongga na sa edad na 49 taong gulang ay dalaga pa rin. Maganda siya bagamat may pagka pihikan, at dahil na rin sa kagustuhang maiayos ang buhay ng pamilya ay nakalimutan na ang sariling love life.

Noong Hunyo ng nakaraang taon ay may isa siyang kababayang biyudo na naki-chat sa kanya at nanligaw. Tinanong si Madelyn kung tatanggapin daw siya nito pati ang kanyang tatlong anak. Ilang linggo pa ang nakalipas at ginulat si Madelyn ng lalaki dahil nanghihingi ito ng kanyang seksing litrato.

Sinabi ni Madelyn sa kanyang dalawang kaibigan ang tungkol sa lalaki at agad siyang sinabihan na huwag agad bibigay, at kilalanin pa muna nang maigi ang ka-chat. Huwag daw siyang magbigay ng litrato, at lalong huwag mag video call para ipakita ang kanyang hitsura.

Hindi naman nawalan ng interes ang lalaki; katunayan ay ang sunod nitong hiningi ay larawan ni Madelyn na nakahubad. Sinabi pa nito na kapag ipinadala ng dalaga ang kanyang hubad na larawan ay magpapadala din ito ng kanya.

Para hindi maisahan ay sinabi ni Madelyn na ito na muna ang maunang magpadala, na agad namang sinunod ng lalaki. Talagang hubo’t hubad ito, at para pang ipinangangalandakan ang kanyang pagkalalaki.

Hindi naman tumupad sa pangako si Madelyn, dahil ayaw daw niyang magpauto. Marami na kasi siyang nabalitaan na mga OFW na na-blackmail pagkatapos magpakita ng hubad sa ka-chat o sa nobyo. Dahil hindi nito nauto si Madelyn ay galit na galit sa kanya ang lalaki ngayon.

Ayon naman sa dalaga, hindi dapat agad nagtitiwala sa kanino man, kahit kababayan mo pa. Kung matino ang intensyon ng isang lalaki sa iyo, dapat ay iginagalang ka niya at hindi hinihingan ng litrato na maari mong ikapahamak. — Merly Bunda
Don't Miss