Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Ang kapalaran mo sa Hunyo

02 June 2017

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Kontrolin ang emosyon upang hindi magkamali sa desisyon na pwedeng pagmulan ng mga problema. Kung may gagawing proyekto na kasama ang mga kaibigan, tiyak na gaganahan kang magtrabaho. Kailangang pag-usapan ng maayos ang problema mo sa kapitbahay. Kung kailangang mag-loan o pumasok sa transaksyong pinansyal, ito ang tamang panahon dahil papalarin ka, pero huwag sirain ang tiwala sa iyo. Lucky numbers: 4,18,29 at 31. 


ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Maligaya ang love life, at alam mo kung paano mapapasaya ang kapartner sa maraming bagay. Maayos din ang relasyon sa mga anak. Maayos ang kalusugan sa kabila ng pagod, tensyon at pag-aalalang nararanasan. Kailangan mo ng pahinga at sapat na tulog, kaya iwasan muna ang mga sosyalan at maliliit na bagay na umuubos sa oras mo. Lucky numbers: 7, 15, 23 at 41.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Tahimik at masaya ang tahanan, at matatag ang pagsasama ng mga mag-asawa. Alagaan ang sarili at maging ang panlabas na anyo dahil makakatulong ito na maging positibo ang tingin sa iyo. Madali kang masugatan at kapitan ng sakit, na magpapainit lalo sa iyong ulo. Sa trabaho, ingatang huwag masayang ang pinagpaguran. Unti-unti ay dumarami ang gulo sa pagkakaibigan, huwag hintaying lumala ang sitwasyon, humingi ng tawad kung ikaw ang nagkamali. Lucky numbers: 11, 19, 39 at 45.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Gumawa ng paraan upang mabawasan ang gulo sa pang-araw-araw na buhay. Pag-aralang mabuti ang mga opinyon mo na nakakaapekto sa disposisyon mo. Pero mag-ingat sa magtatangkang ipahamak ka. Pagtatalo at away ang mamayani ngayon, kontrolin ang mga salitang bibitawan, lalo na kung hindi ka obligadong sabihin ito. Kung magkamali, agad humingi ng dispensa o gumawa ng paraan na makipag-ayos. Lucky numbers:16, 25, 36 at 44.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Kailangang harapin ang problemang matagal mo nang iniiwasan. Mas magiging mainit ang samahan ninyo sa pamilya at mga kaibigan. Kung may asawa, nanaisin mong mabago ang ordinaryong pamumuhay. Walang sinuman ang makakapigil na baguhin ang opinyon mo o pigilan ka sa gusto mong gawin, at madalas ay tama ka, kaya magtatagumpay ka sa iyong gagawin. Lucky numbers:15, 27, 37 at 42.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Dumadaan sa pagsubok ang mga relasyon mo sa iba, kaya maguguluhan ka sa sitwasyon. Kulang ka ngayon sa konsentrasyon at inspirasyon kaya parang wala kang natatapos. Iwasan munang magsimula ng bago o mahirap na gawain at magtiyaga muna sa dating trabaho. Malabong lumalim ang relasyon sa napupusuan dahil kahit gusto ka rin, naguguluhan siya sa pabago-bago mong ugali. Lucky numbers: 9,22,39 at 40.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Mahirap kang manalo kung dadaanin sa korte ang usapin, mas maiging makipagkasundo ka na lang. Hindi inaasahang pera ang darating upang magamit mo sa inaasam mong proyekto. Pipilitin mong ayusin ngayon ang personal na problema. Kung may asawa, samantalahing kausapin ito tungkol sa problema sa pamilya upang makagawa agad kayo ng desisyon. Kung hindi mo gagawin ito ngayon, mas lalo kayong mahihirapang mag-usap. Lucky numbers: 2,7,26 at 44.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Mataas ang enerhiya mo ngayon. Mas matalas ang isip, praktikal at mas naiintindihan mo ang maraming bagay ngayon. Ang relasyon ay naka-focus ngayon sa pang araw-araw na buhay, seguridad sa pag-ibig at kapakanan ng pamilya. Matapang kang humarap sa problema kaya magaan din ang pasok ng pera sa iyo. Dahil sa ipinakita mong kabaitan, masusuklian din ito ng pagmamahal ng mga tao sa paligid mo. Lucky numbers: 12, 14, 28 at 45.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Magiging maayos ang kalusugan, pero iwasan ang labis na pagod. Magiging maalam ka kung paano makipag-negosasyon ng maayos sa trabaho. Kalimutan na ang hindi sinasadyang insidente dahil walang namang may gustong mangyari ito, at may bagay ding kailangang sugalan. Tapos na ang isang mahalagang kabanata sa buhay, pero ngayon ay may magandang kinabukasang dumarating. Kung magiging masaya, sumige ka! Lucky numbers: 19, 29, 33 at 41.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Swerte at tagumpay ang hatid ng linggong ito, pero matindi ang inggit na ibubunga. Sakit ng buto, kasu-kasuan at tuhod ang iindahin mo, kaya mag-ingat sa mga pag-galaw galaw. Masaya at punung puno ng buhay ang social life mo ngayon. May sapat kang puhunan upang maisagawa pa ang personal na ambisyon. Maging maingat sa pakikipag-usap sa mga anak upang maiwasan ang problema at mas gumanda ang relasyon. Lucky numbers: 5, 6, 9 at 40.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Ngayon ay pwede nang pag-usapan ng kalmado ang problema sa pamilya. Ang inaakalang pagkabagot sa pagsasama ay hindi mangyayari dahil mas maipapadama ng asawa mo ngayon ang kanyang buong pagmamahal at pag-aalaga. Tigilan na ang pag-iisip ng mga negatibong bagay! Makihalubilo upang makakilala ng mga bagong kaibigan. Lucky numbers: 13, 21, 35 at 46.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Posibleng maapektuhan ang pagsasama dahil sa problema sa trabaho. Anumang tensyon ang nararamdaman, ugaliing kumain ng tama upang mapanatili ang kalusugan. Walang idudulot ng maganda ang pagrerebelde at reklamo sa hirap ng buhay. Matutong tumanggap ng kabiguan, maging pasensyoso at maging positibo sa pananaw sa buhay. Hangga’t maaari, iwasan muna ang mangutang at pigilan muna ng paggastos. Lucky numbers: 7,15,31 at 43.

Don't Miss