Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Covers the period Aug. 1-15

31 July 2017

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Sisiglang muli ang love life. Tamang panahon para sa engagement o pagpapakasal. May sapat kang oras ngayon para sa pamilya at trabaho. Magana kang kumain ngayon, at walang dapat ikabahala sa kalusugan, pero iwasan ang labis na pagkain ng matatamis. Kung may usaping legal, iwasan muna itong harapin upang mas mapaghandaan. Dagdagan ang sipag upang makamit ang gusto mo. Lucky numbers: 4,19,23 at 45.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Maswerteng linggo ito dahil ang mga paghihirap at kabiguan ay mapapalitan ng saya at kapanatagan. Tamang oras din para pagplanuhan ang susunod na hakbang sa love life. Handa kang maghigpit ng sinturon, pero may hindi inaasahang perang darating. Upang mapanatili ang kalusugan, piliin ang mga natural na pagkain na walang halong kemikal. Lucky numbers: 5,11,26 at 37.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Ayusin ang paghawak ng pera at iwasan ang labis na pamimili. Marami kang matatapos gawin dahil sa sipag at sigla mo ngayon. Pwede mong ipagyabang ang mga nagawa mo, pero kung sobra na, magugulat ka na lang sa magiging resulta nito. Ang pagiging mabusisi at maingat sa trabaho ang magbibigay ng positibong direksyon, lalo at magaganda ang iyong mga ideya at pwede mong ipagmalaki. Lucky numbers: 9,17,33 at 44.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Mapayapa ang tahanan ngayon. Bantayang mabuti ang kalusugan ng mga anak, siguraduhing kumpleto sila sa bakuna. Ang inaasam na proyekto ay mangangailangan ng ibayong sipag at sikap, pero garantisado ang tagumpay nito. Mag-ingat sa ilang kaibigan. Sa linggong ito ay mga agam-agam ka, pero kung talagang realistiko at pursigido, magtatagumpay ka. Lucky numbers:16,22,31 at 39.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Makakaranas ng kagipitan, kaya ipagpaliban muna ang pagbili ng mga bagay na hindi agad kailangan. May tsansang makatagpo ang taong magiging mahalaga sa iyo. Kung ang kasulukuyang relasyon ay tila imposibleng maayos pa, huwag mag-atubiling bumitaw na. Sa gitna ng kalungkutan, piliting hanapin ang magandang bahagi ng mga bagay. Dahil sa nerbiyos ay nahihirapan kang harapin ang gawain at pribadong buhay. Sa piling ng mga kaibigan at pamilya, makakahanap ka ng kasiyahan. Lucky numbers:16, 20, 29 at 41.?

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Nang dahil sa selos ay nagiging problemado ang love life, piliting kontrolin ang emosyon. Maayos ang relasyon sa pamilya, lalo na sa mga anak. Sa trabaho, walang seryosong pangyayari ang sisira sa iyong pinaghirapan. Posibleng magkamali sa desisyon, humingi agad ng payo kung kinakailangan. Magiging maswerte sa pakikipagsosyo sa negosyo o transaksyong pinansyal, tamang oras na makipagsapalaran. Lucky numbers: 6,15,35 at 44.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Magandang tiyempo ito na sumubok ng bagong bagay. Higpitan ang pagba-budget upang umayos ang pananalapi. May maliliit na hindi pinagkakasunduan, pero babalik agad ang saya sa pagsasama. Huwag masyadong maging mapaghanap at mahigpit sa ibang tao, alalahaning hindi ka rin perpekto. Maging diplomatiko sa pakikipag-usap sa pamilya upang mabawasan ang tensyon. Lucky numbers: 9, 17, 25 at 40.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Kung gagawa ng hakbang, makakapagsimula kang muli ng maayos. Bigyan ng atensyon ang pananalapi, singilin ang mga may utang sa iyo. Huwag nang balik-balikan ang problema, matuto sa mga nagaganap sa kasalukuyan. Masaya ka at sabik kang makasamang muli ang ilang kaanak na lulusob sa bahay mo; magulo man at siksikan, matutuwa ka naman sa mga kuwentuhan at pasyalan. Lucky numbers: 18,26,34 at 40.?

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Mapayapa at tahimik ang buhay mo ngayon, gaya ng gusto mo. Pagtuunan ng pansin ang pag-iimpok upang makaalpas na sa kada buwang problema sa pera. Lumabas din paminsan-minsan upang makakilala ng ibang tao upang madagdagan ang kumpiyansa sa sarili, at magbukas ng mga oportunidad. Kailangang din ng seryosong pakikipag-usap sa mga anak upang maibahagai nila ang kanilang mga alalahanin at balakin. Ito ang magpapatibay sa inyong pagsasama. Lucky numbers: 15, 18, 27 at 45.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Subukang lumaro o pumusta sa pagpili ng mga numerong 5,6,8 at 9. Iwasan muna ang paggawa ng malalaking desisyon, paglalakbay sa malayong lugar o pagsisiumula ng bagong proyekto. Bigyan ang puso ng bagong pag-asa, kahit pa nasaktan na ito; darating din ang para sa iyo. Kung walang sports na nilalaro, mag-exercise araw-araw, gaya ng jogging o paglalakad upang gumanda ang daloy ng dugo at paghinga at lumiit ang tiyan. Lucky numbers: 13, 22, 29 at 32.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Masaya ang love life, ang relasyon ay patungo sa tamang direksyon. Positibong pagbabago ang mangyayari sa buhay mo, may mga bagong kakilala at kapaki-pakinabang na mga gawain. Gaganda ang pananalapi at may makakatuwang ka sa swerteng matatamasa. Lalo pang lalago ang kabuhayan sa pag-iinvest mo sa mga importanteng bagay. Mag-ingat sa mga pamamaga sa katawan. Lucky numbers: 20, 24, 28 at 36.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Malaki ang tsansang matupad ang matagal nang pinapangarap. Bigyan ng sapat na kalayaan ang mga anak, kung nahihirapan, humingi ng tulong o payo. Mas mabagal at hindi sigurado ang mga kilos mo ngayon, mag-ingat sa mga gagawin. Maganda ang resulta ng isang papasukang transaksyon. Ayusin ang mga papeles sa negosyo upang maihanda ang mga plano mong gawin, at maisagawa agad ito.Lucky numbers: 7, 19, 26 at 41.
Don't Miss