Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Masuwerte ba ang July para sa iyo?

04 July 2017

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Marami kang magagandang ideya na sayang lang kung hindi mo gagamitin dahil makakatulong ito upang gumanda ang pamumuhay. Mag-ingat ng husto sa mga gastusin, at pakaiwasan ang mangutang. Ingatan ang lalamunan. Hingan ng tulong ang mga kilala mong mahuhusay magtrabaho upang maisagawa ang gusto mo, at matupad ang ambisyon. Lucky numbers: 7,15,22 at 31.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Masyado mong pinahihirapan ang katawan mo ngayon kaya nababawasan ang kalidad ng trabaho. Madali ka ring maniwala agad sa mga sinasabi ng grupong humihikayat sa iyo tungkol sa mga bagay na ispiritwal. Isang aksidenteng pagkikita ang magdadala sa iyo ng saya. Huwag pabigla-bigla sa gastusin, hingin ang opinyon ng asawa pagdating sa pera ng pamilya. Lucky numbers: 19, 25, 35 at 37.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Magiging mabuting kaibigan ang bagong kakilala. Mag-ingat at mag-isip mabuti bago maniwala o makisali sa anumang grupo. Desidido kang sundin ang balak mo upang mapaghandaan ang magandang kinabukasan mo. Maganda ang pagsasama, at may tsansa kang ayusin ang anumang hindi pagkakaunawaan. Sundin ang intuisyon ngayon. Lucky numbers: 16, 17, 23 at 39.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Makulimlim ang pananaw mo sa bagay-bagay ngayon, kaya hindi ka nakakain at nakakatulog ng maayos. Mag isip-isip ka! Panahon na upang ayusin ang pananalapi. May pagtatalo at away sa pagsasama ngayon, pero mas marami pa rin kayong bagay na napapagkasunduan. Maayos at mabilis kang mag-isip kaya naiiwasan ang anumang hindi pagkakaintindihan sa trabaho at sa ibang bagay. Lucky numbers:12, 15, 36 at 38.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Magiging abala ka sa love life. Magiging tensyonado ang relasyon sa pamilya, pero huwag mag-alala dahil posibleng makakakita agad ng solusyon. Mag-ingat sa pagiging makakalimutin dahil magdudulot ito ng problema. Upang hindi lumala ang problema sa pagdumi, kumunsulta sa doktor. Lucky numbers:20, 21, 33 at 45.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Magtatagumpay ka sa napili mong trabaho, pero mag-ingat sa mga maiingggit sa iyo, na maaaring isa sa mga kaaway o kaibigan mo. Iwasan ang mga pagkaing ipinagbabawal sa iyo upang mapababa ang cholesterol level. Abalahin ang sarili sa intelektwal na bagay gaya ng pagbabasa, at palawakin ang kalaman sa iba’t ibang bagay. Mag-ingat na magkaroon ng relasyon sa katrabaho na maaring ikasira. Lucky numbers: 11, 27, 29 at 35.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Makakatagpo ka ng taong magpapasaya sa iyong puso. Pipilitin mong gumawa at masunod ang plano tungkol sa maayos na paghawak ng pera, at agad mong makikita ang magandang resulta. Dahil sa pagwawalang bahala, magiging magulo ang kalagayan ng pamilya. Ang buhok na walang sigla at marupok na mga kuko ay senyales ng kakulangan sa vitamin A, dagdagan ang pagkain ng carrots, spinach, sitaw, kalabasa at atay ng baboy. Lucky numbers: 5, 18, 26 at 41.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Humihina ng resistensya mo, kailangang maghinay-hinay ka sa trabaho at dagdagan ang pahinga. Anuman ang kalagayan ng relasyon, hindi ka gaanong masisiyahan ngayon. Magagamit mo ang intuisyon upang malutas ang bagay na matagal nang bumabagabag sa iyo. Maganda ang resulta ng trabaho dahil sa sipag at sigla mo. Panahon na upang subukang i-invest ang pera mo at mapangalagaan ito. Lucky numbers: 14, 21,33 at 44.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Kung walang karelasyon, sigurado pa ring marami kang tagahanga. Piliting makita ang magandang bahagi ng mga bagay at mga benepisyong natanggap mo sa buhay. Problemado man sa pera, huwag mong pahirapan ng husto ang sarili! Kailangan mo ng tamang pagkain at exercise. Sa trabaho, mas mainam na magkaroon ng sistema at huwag madaliin ang lahat. Lucky numbers: 6, 10, 13 at 42.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Madali kang mataranta, kumalma lang at alamin muna ang sitwasyon bago magalit o kumilos ng hindi tama. Sa trabaho, makikita na ang positibong resulta ng pinaghirapan. Mag-ingat para huwag malito at magkamali kung ano ang Lucky numbers: 12, 19, 25 at 39.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Labanan ang labis na pagkahilig sa pagkain dahil kung hindi, baka magkaroon ng problema sa kalusugan. Huwag ipagsabi ang nalalaman o problema kung ayaw mong maging tampulan ng tsismis at masira ang reputasyon. Magpapakita ka ng kabaitan sa mga tao sa paligid mo. Hirap kang kontrolin ang sarili sa pamimili ng bawa’t magustuhan, kaya huwag magtaka kung kapos ka sa katapusan ng buwan. Lucky numbers: 22, 26,31 at 44.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Mag-ingat sa taong pilit haharangin ang iyong daraanan. Isantabi muna ang mga dating gawi at subukang makikilala ng mga bagong mukha. Hindi ito ang tamang panahon para sa pinansyal na transaksyon o pagbili ng bahay at lupa. Bantayan ang kalusugan. Sundin ang pangarap mo at huwag susuko sa mga darating na pagsubok. Lucky numbers: 9, 15, 23 at 31.

Don't Miss