Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Nagsisisi na walang naka-relasyon

06 July 2017

Sa loob ng halos tatlong dekada ay ibinuhos ni Laila ang oras sa pagtatrabaho sa ibang bansa para matulungan ang pamilyang iniwan sa Pilipinas, kaya hindi na siya nakapag-asawa. Ang unang 12 taon ay ginugol niya sa Singapore, bago siya nagpasya na lumipat sa Hong Kong. Sa kasalukuyan ay 14 taon na siya sa among Intsik, at siya na ang nagpalaki sa anak nito na nasa UK na ngayon at nag-aaral.

Unti-unti nang nararamdaman ni Laila ang bigat ng paninilbihan sa maraming taon na nagdaan, kaya nagpaplano na siya para sa kanyang napipintong pagbabalik sa Pilipinas. Ang balak niya ay bumili ng kalabaw at ipaalaga ito sa isang kapatid, at sakaling manganak ito ay ipapasa na naman sa susunod nilang kapatid, hanggang ang lahat ay magkaroon na ng kanya-kanyang alagaing hayop.

Naghahanda na rin siya sa kanyang pag-uwi na nag-iisa.

Si Laila na isang Ilongga ay hindi man lang nakaranas na magmahal at magkaroon ng karelasyon na magmamahal din sa kanya. Kung minsan ay naawa siya sa sarili at nagsisisi dahil hindi siya nag-isip magka nobyo man lang, pero sa tantaya niya ay huli na ang lahat dahil lampas 50 anyos na siya.

Ayaw naman niyang pumasok sa isang relasyon dahil lang nalulungkot siya. – Merly Bunda  

Don't Miss