Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Saulian ng ambag sa mga naipundar

17 July 2017

Mahigit limang taon nang magkarelasyon sina Pip at Posy at naging parang tunay silang mag-asawa kaya maging sa usaping pinansiyal at nagtutulungan silang dalawa. Sa gitnang silangan sila nagkakilala at nagkaibigan, ngunit nag-isip na lumipat sa Hong Kong sa pag-asang mas gaganda ang kanilang kinabukasan balang araw.

Pagdating nila sa Hong Kong ay bumili sila agad ng mga ari-arian sa kanilang lugar, at nagkasundo na paghahatian ang pagbabayad dito. Pareho silang mahilig sa sports kaya doon nila ginugugol ang kanilang oras tuwing araw ng pahinga.

Ngunit nangyari ang hindi inaasahan nang magsimulang magselos si Posy kay Pip. Dahil sa madalas nilang pag-aaway dahil dito ay lumamig ang kanilang pagsasama at tuluyan na silang naghiwalay.

Noon naisip ni Posy na singilin ang perang naiambag niya sa pagbili ng kanilang ari-arian, at pati na rin ang naiambag niyang tulong sa pamilya ni Pip.

Ayon naman kay Pip, handa naman siyang ibalik ang perang sinisingil ng dating sinisinta, ngunit hindi biglaan dahil medyo malaki din daw ang kabuuan ng halagang binabawi.

Ang dalawa ay parehong mula sa Mindanao at kasalukuyang naninilbihan bilang kasambahay sa kani- kanilang mga among Intsik  sa New Territories. – Marites Palma

Don't Miss