Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Covers the period Aug. 16-3, 2017

16 August 2017

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Makakaapekto sa kalusugan ang labis na pag-aalala sa nangyayaring gulo sa pamilya. Mag-isip mabuti upang mapigilan ang panganib na nakaamba sa iyo ngayon. Magandang impluwensya ang love affair mo na labis na nakapagbibigay sa iyo ng saya. May mga hindi magandang senyales sa pagkalusugan. Doblehin ang pag-iingat at umiwas na masobrahan sa lahat ng bagay, lalo na sa pagkain at ibang bisyo. Lucky numbers: 6, 15, 22 at 40.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Huwag mag-atubiling magsabi ng problema sa malalapit na kaibigan dahil matutulungan ka nila. Maganda ang pagbabago sa kalagayan sa trabaho, pero mag-ingat na magtiwala agad sa mga tao sa paligid mo. Pera ang ugat ng away sa malapit na kamag-anak, mag-ingat. Ibibigay mo ang lahat sa taong mahal mo, pero kapag nagka-problema, huwag kang magmukmok at sarilinin ang lahat ng hinagpis. Lucky numbers: 19, 21, 33 at 41.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Lahat halos ng bagay ay papabor sa iyo, ang mahalaga ay magamit ito ng tama kaya pag-ingatan ng husto. Aayon ang kapalaran para maabot mo ang iyong ambisyon at makilala ang iyong husay. Malaking tulong ang isang kaibigan o kaanak sa bigla mong pangangailangan. Sa kabila ng distansyang namamagitan sa inyo ng mahal mo, huwag mawalan ng pag-asa, sundin ang intuisyon mo na palaging tama. Lucky numbers: 7, 18, 36 at 44.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Mapapalawak mo pa ang iyong impluwensya at dadami pa ang mga kaibigan at kakilala. Huwag dibdidbin ang lahat ng bagay, sa konting pag-distansya ay mas makikita mo ang totoong larawan at ang lahat ay magiging maayos. Mahaharap sa problemang mahirap malutas; pakingggan ang nasa puso! Mahal mo ang iyong mga kaibigan, pero may minsan ay kailangang kalusin ang ilan, bago pa maapektuhan ang relasyon sa iba.  Lucky numbers: 11, 29, 31 at 42.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Tamang panahon na gumawa ng desisyon na base sa kutob mo at common sense. Manatiling positibo ang pananaw sa kabila ng mga problema dahil mabilis at kusa din itong maaayos. Sa mag-asawa, mas mauunawaan ninyo ang isa’t isa; maging malumanay sa pagsasalita at bigyan ng atensyon ang maliliit na bagay at malaki ang magagawa nito sa pagsasama. Bantayan din ang mga anak. Pahinga at regular na gawain ang magpapabalik sa iyong sigla.  Lucky numbers: 6, 14, 37 at 38.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Magiging inspirado kang kumilos at maniniwala ka sa kakayahan mo. Hindi mo mapigilan ang gumastos; mag-ingat dahil mahaharap sa malaking gastusin. Huwag gaanong alalahanin ang problema sa love life dahil kusa itong maayos ng ayon sa gusto mo. Nasa tamang direksyon ka upang magtagumpay at walang makakapigil sa iyo dahil sa determinasyon at kumpiyansa mo sa sarili, pero mag-ingat sa mga maiinggit.   Lucky numbers: 5, 17, 23 at 35.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Gawan ng paraan na baguhin ang sarili upang mawala ang pag-aatubili at nang masabi at mailabas ang nararamdaman, dahil inaasahan ito sa iyo. Malakas ang resistensya sa pisikal o sikolohikal na kalagayan. Maghahanap ka ng magmamahal sa iyo ng lubos, huwag nang lumayo pa dahil nasa tahanan mo lang ito. Bawasan ang pamimintas sa kapwa at sa lahat ng bagay. Siguraduhin din na ang pagyayabang ay hindi makakasira sa iyo at maging dahilan na layuan ka ng mga kaibigan. Lucky numbers: 16, 25, 37 at 44.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Mapapabilib mo ang mga kasamahan at mabibigyan ka ng dagdag na responsibilidad. Kailangang harapin ang kalaban mo, pero ikaw pa rin ang magwawagi. Mag-ingat sa sports na sinasalihan o kung nagmamaneho ng sasakyan. Huwag makuntento sa mga dating ideya, mag-isip ng bago! Sa pamilya, may nakakabahalang bagay na magaganap, at malinaw mong sasabihin ang nasa saloobin mo, kahit masakit ito sa iba, pero mabuti na ito upang luminaw ang sitwasyon.  Lucky number: 19, 20, 28 at 45.
AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Makakaasa ka sa pagiging prangka at tapat ng mga kaibigan. Pag-aralang mabuti ang mga naging desisyon mo na ipinaglaban mo ng husto. Sa trabaho, nasa rurok ang pagiging  malikhain mo kaya malaki ang tsansang makuha ang hinahangad na promosyon. May magiging problema sa pagsasama. Maging maingat ka sa  paghawak ng pera. Huwag bilhin ang bagay dahil magagamit, kundi dahil kailangan ito.   Lucky numbers: 20, 29, 31 at 45.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Alam mong makibagay sa lahat ng pagkakataon kaya malaki ang magiging ganansya mo dahil dito. Sa kalusugan, mababawi mo ng husto ang lakas at sigla mo kaya mawawala na ang dating kalungkutan at kawalan ng gana. Huwag tumiklop sa kaunting sagi sa iyong amor propyo; bawasan ang pagiging emosyonal. Gaya ng pader, dapat maging matibay ka upang ayusin ang bawa’t problemang dumarating sa pamilya.  Lucky numbers: 6, 15, 21 at 30.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Magkakaroon ng magandang pagbabago sa pinansyal na kalagayan dahil kikita ka sa papasukang transaksyon. Kung may karelasyon, kailangang ng seryosong pag-iisip at pag-uusap upang maging malinaw kung saan papunta ang relasyon. Kailangan mong gumawa ng importanteng desisyon agad; higit sa lahat, magpakita ng kabaitan at maging maingat. Pananakit ng ulo at migraine ang mararanasan, iwasan ang matataong lugar at maruming kapaligiran. Magpahinga.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Makakaramdam ng pagiging romantiko dahil sa nakalipas na alaala. Huwag nang buhayin ang nakaraang love affairs kung ayaw mong muling masaktan. Sa trabaho, huwag makisali sa away ng kasamahan. Problema sa pera ang ipag-aalala mo kaya kailangan ng mahigpit na pagtitipid.  Muli ay may lalapit para humingi ng tulong. Huwag nang umasang tatanawin itong utang na loob, pero hindi ito dahilan para ipagkait ang tulong. Lucky numbers: 6, 31, 32 at 44.

Don't Miss