Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Mahilig makisuyo ang kasamahan

17 August 2017

Kapag may nababalitaang uuwi sa Pilipinas si Leona ay hindi ito nawawalan ng ideya ng gustong ipabili o ipadala. Kahit hindi niya personal na kakilala ay nakukuha niyang makisuyo.

Dahil pati ang mga kaibigan ng kasama niya sa bahay na si Mila ay naaabala sa mga kapritso ni Leona,  hindi napigilan ng nauna na kausapin ang huli.

Sinabi ni Mila na hindi tamang obligahin ang ibang tao na gamitin ang nakalaang oras nila sa pamilya para lang mga kahilingan niya gaano man ito kaliit. Pero ang laging sinasabi ay hindi naman siya namimilit. Hindi na rin ipinilit ni Mila ang katwiran dahil ayaw niyang mauwi ito sa alitan.

Kamakailan ay umuwi si Mila at gaya ng dati, mahaba ang listahan ng mga gustong ipabili ni Leona kahit na kung tutuusin ay maari namang bilhin dito sa HK. Subalit maraming kinailangang asikasuhin si Mila at dahil ilang araw lang ang bakasyon niya, hindi nito nagawang bilhin ang mga bilin ni Leona.

Pagbalik sa HK ay nagpaliwanag si Mila, sabay hingi ng despensa at katumbas nito ay ilang araw siyang hindi kinibo ni Leona. Ipinagkibit balikat na lang ni Mila ang nangyari dahil ayaw niyang patulan ang kababawan ng kasama. Sina Mila at Leona ay parehong Bisaya na naninilbihan sa isang pamilya sa Repulse Bay. –Gina N. Ordona

Don't Miss