Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Napaglipasan ang mag-tiya

10 August 2017

Si Athea ay isang dalaga at matagal na rin nagtatrabaho sa abroad. Labindalawang taon siya sa Middle East at magtatatlong taon na sa Hong Kong.

May isa siyang tiyahin dito na malapit sa kanya bagamat bihira silang magkita dahil parehong marami ang lakad tuwing Linggo. Pero palagi naman silang nagtawagan o nag-cha chat kapag pareho silang libre sa oras.

Minsan sa kanilang kuwentuhan ay nasabi ng tiyahin na baka mapaglipasan din siya ng panahon kagaya nito. Panay ang tulak ng kanyang tiya na maghanap ng nobyo, o pumili na kung may nanliligaw sa kanya.

Ang sabi naman ni Athea ay hindi pa huli ang lahat para sa kanila.

Kamakailan ay tinawagan ni Athea ang tiya at tuwang tuwa na ibinalita na may kaibigan siya na nagpapahanap ng mapapangasawa ang kanyang kapatid na isang marino at may mataas na posisyon. Sabi niya sa tiya ay magkaidad lang sila nung lalaki. Tawa lang ang isinagot ng kanyang tiya.

Nang maka chat niyang muli ang kaibigan ay sinabi nito na may nakita na siyang babae na inireto sa kanyang kuya.

Ayon naman sa kanyang tiya, hayaan na lang niya dahil kung may para sa kanya ay darating na lang ito ng kusa. Kung wala ay wala na din tayong magawa, sabi ng tiya. Nagtawanan na lang ang dalawa na parehong hindi pa rin sumusuko sa pag-ibig. - Merly Bunda

Don't Miss