Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Nilaglag

17 August 2017

Nabigla si Elvie nang walang kaabog-abog na sinabi ng kanyang among lalaki na darating na ang papalit sa kanya. Ang pag-uusap nilang iyon ay nagsisilbing isang buwan daw na pasabi pero oras na dumating ang kapalit niya ay kailangan na niyang bumaba. Bibigyan pa rin naman daw siya ng isang buong buwan na sahod na katumbas ng pasabi bilang konsiderasyon.

Halos isang taon pa bago matapos ang kanyang kontrata kaya sadyang hindi niya inaasahan ang desisyon ng amo. Lakas loob niyang tinanong ang amo kung bakit at halos ayaw niyang paniwalaan ang narinig.

Tumawag daw kasi ang dati nilang katulong na tatlong taon nang umuwi sa Pilipinas at nagmakaawang kinausap ang amo na muli siyang kunin. Nagkaroon daw kasi ng malaking problema ang pamilya nito at matindi ang pangangailangan sa pera.

Ang dating katulong daw ang nagpalaki sa mga anak ng amo kaya hindi nila matanggihan ang pakiusap nito.

Bukod dito, matanda na daw kasi ito at baka mahirapan nang makahanap ng ibang amo.

Nangako naman ang amo na ibibigay ang buong suporta sa paghahanap ni Elvie ng panibagong amo. Hindi maalis kay Elvie ang magdamdam pero kailangan niyang tanggapin ang desisyon ng amo. Si Elvie ay dalaga at nagtatrabaho sa Mid-levels. —-Gina N. Ordona

Don't Miss