Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Covers the period Sept. 15-30

16 September 2017

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Makakaranas ng hirap sa trabaho; iwasang magkaroon ng alitan sa mga kasamahan. Bigyan ng oras ang pagbisita sa dentista upang mapaayos ang ngipin. Mag-ingat sa mga humihikayat na umanib sa kanilang organisasyon. Kung kaya mong mapaginhawa pa ang lagay sa tahanan, gawin na ito agad. Ang relasyon sa mga kapatid ay mahalaga, subukang ayusin ang anumang problemang namamagitan sa inyo. Lucky numbers: 9, 16, 23 at 41.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Kung namamasukan, may promosyon kang darating. Kung walang trabaho, may magandang alok na matatanggap. Masayang panahon ito para sa mga kaibigan at bagong kakilala. Swerte ka sa pera, bagamat naniniwala kang ito lang ang makakapagbigay ng kaligayahan. Nagiging masyado kang maingay, at kung hindi ka kilala ng husto ng karelasyon ay matagal ka nang iniwan. Lucky numbers: 3, 5, 18 at 42.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Ang gulong ng kapalaran ay papabor sa iyo, magiging matagumpay ka sa lahat ng bagay! Mahusay kang makipag-usap, at masipag na gampanan ang tungkulin sa trabaho at pakikipagkaibigan. Mas bigyan ng halaga ang pamilya, lalo na kung may anak. Makakaasa ka sa mga dating kaibigan. Magana kang kumain ngayon, pero mag-ingat at baka magkaproblema sa panunaw. Maging malinis sa katawan at mag-exercise. Lucky numbers: 11, 14, 29 at 37.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Sa kabila ng mga hadlang, ituloy ang pagsisikap, at kayaning maabot ang mga pangarap. Tahimik ang love life at walang problema, pero salat din ito sa init. Kailangan mong mag-relax; tawa at tulog ang pinakamabisang paraan para maisagawa ito. Ipadama ang pagmamahal sa magulang. Piliting mas maging seryoso sa trabaho at maganda ang magiging resulta nito. Paghandaan ang mga pagbabagong nagaganap at malaking tulong ito sa iyo. Lucky numbers: 16, 22, 35 at 45.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Magulo ngayon ang relasyon mo sa mga malalapit sa iyo, dagdagan ang pasensya. Kung hindi mo babaguhin ang kakaiba mong ugali, wala kang gaanong mararating. Ang pundasyon ng matibay na relasyon ay pagtitiwala at pagbibigayan. Sa mga walang karelasyon, matatapos na rin ang kalungkutan. Mag-ingat sa mga pamamaga dahil baka sintomas na ito ng sakit, gaya ng tonsillitis. Magpakunsulta agad. Lucky numbers: 9, 24, 33 at 44.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Kahit marami kang problema ngayon, huwag magreklamo, tumahimik lang muna at magmuni-muni. Ang hanap mo ngayon ay seguridad, kung single, malaki ang tsansang matamo ito sa taong makikilala mo. Bigyan ng oras ang mga kaibigan. Huwag magpakapagod, laging kumain ng tama at uminom ng vitamins upang lumakas ang resistensya.Lucky numbers: 6,7,15 at 44.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Mabibigyan ng katuparan ang pagiging matapang at kakaibang hilig mo, kaya huwag mag-atubiling tanggapin ang mahihirap na trabaho. Malakas ang motibasyon mo upang magtagumpay. Umpisahan mo na ang pagdi-diyeta at pagbawas ng timbang. Minsan ay kailangang isantabi ang common sense at pakinggan ang nasa puso. Makakahanap ka ng bagong tirahan na gusto mo, pero timbangin lahat ang kaibahan nito sa dati. Lucky numbers: 11, 31, 36 at 40.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Masyado kang nakatali sa trabaho kaya nakakaligtaan mo na ang mahal sa buhay. Mag-ingat sa binibitawang salita upang maiwasan ang away. Kung naghahanap, marami kang pagpipiliang trabaho sa internet. Ang pagpuna ay pwedeng makatulong sa iyo, kaya huwag maging maramdamin. Hirap sa pag-ihi ang maaring maranasan, magpatingin agad. Lucky number: 19, 20, 28 at 45.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Huwag hayaang maubos ang pasensya sa sunud-sunod na aberyang dumarating. Sa trabaho, hindi ka gaanong makagalaw at maraming naaantala dahil sa kasalanan ng ibang tao. Mag-ingat sa impeksyon; palakasin ang katawan at kumain ng pagkaing sagana sa vitamin C. Ganado kang makipag-usap sa ibang transaksyong papasukan. Kung single, makakatagpo ka na ng makakatuwang sa buhay. Lucky numbers: 8, 15, 29 at 41.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Magaan ang pakiramdam at mataas ang enerhiya mo sa umpisa ng linggo; huwag gaanong magmadali. Nababalot ng tensyon ang tahanan, mag-ingat upang hindi lumala ang sitwasyon. Kung naghahanap ng away ang kaanak o kapitbahay, talikuran na lang ito. Maaayos mo ang problema tungkol sa ari-arian ng pamilya at kung sinu-sino ang hahawak, pero maging maingat at huwag magtiwala agad. Lucky numbers: 14, 19, 26 at 34.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
May hindi pagkakasunduan sa tahanan, kontrolin ang sarili. Magiging istrikto at mapaghanap ka sa trabaho at maging sa tahanan. Piliting mapanatili ang pagmamahal sa magulang lalo na kung matatanda na sila. Maganda ang lagay ng kalusugan maliban kung hindi mapigilan ang kumain ng marami o ang manigarilyo. Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan at kamag-anak na nakapaligid sa iyo. Gagamitin ka lang ng iba para sa sariling kapakanan. Lucky numbers: 5, 19, 26 at 37.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Hindi ka nagwawalang bahala, at nagpupursige ka pa nang husto kaya may magandang kapalaran itong kapalit. Subukan mong mag-ayuno minsan sa isang buwan upang maalis ang mga toxin na bumabara sa atay. Sa negosyo, huwag ilagay ang lahat ng itlog sa iisang basket. Masusubukan mo ang katapatan ng kaibigan sa oras ng kagipitan, kahit ano ang sabihin ng iba, may mabubuting tao pa rin sa mundo. Lucky numbers: 9, 11, 27 at 39.
Don't Miss