Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

John Lloyd, humingi ng paumanhin

16 September 2017

Ni Johna Acompanado

Humingi ng paumanhin si John Lloyd Cruz kaugnay ng mga naglabasang mga larawan at video niya noong nagbakasyon siya sa Sante Fe, Bantayan Island, sa Cebu, kasama ang nali-link sa kanya ngayong si Ellen Adarna. Hindi raw dapat nakita ng mga bata ang mga ito lalo na ang kanyang pagsenyas ng dirty finger. Marami raw siyang natutuhan sa mga nangyari, pero wala siyang pinagsisihan dahil nag-enjoy naman siya doon. Nagpasalamat din siya sa mga nagtatanggol sa kanya sa kabila ng mga batikos na ipinupukol sa kanya.

Nakakasira raw sa imahe ng actor ang mga kuha sa kanya na halatang lasing habang sumasayaw at kumakanta na parang wala sa sarili, nag-dirty finger, sumiksik sa tabi ng mga tangke ng gas,  naglalaro ng kutsilyo at umaakyat sa puno ng niyog. Hindi rin kaaya-aya ang mga kuha niyang nakahubad ng pang-itaas dahil parang ipinakita na hindi niya inaalagaan ang kanyang katawan.

Galit ang mga tagahanga ng aktor sa kaibigan ni Ellen, na nag-upload ng mga ito sa social media dahil parang sinabotahe nito ang imahe ng actor, na maraming taon din nitong iningatan, lalo pa at may mga product endorsement pa ito. Naiintindihan ng lahat na matanda na si John Lloyd at pwede niyang gawin ang gusto niya, lalo na at dati na siyang napabalitang malakas uminom ng alak, pero sana raw ay pribado na lang ito at hindi na inilabas sa publiko. Pero ang sabi ng mga nakasama nila sa bakasyon, “clean fun” lang daw iyon at nagpaka-normal lang ang aktor at nag-enjoy.

Bilang reaksyon, tinawanan lang ito ni Ellen at sinabing hindi naman sila nag-yoga retreat. Lalo lang nainis ang mga tao sa kanya dahil bad influence daw siya, at hindi nararapat kay John Lloyd. Matatandaang sa ganito ring paraan nalantad sa publiko si Baste Duterte, na naging karelasyon din niya. Nakilala si Ellen bilang isang party girl at walang takot na magpa-sexy at walang pakialam sa mga negatibong bagay na sinasabi sa kanya.

Si Ellen ay kabilang sa cast ng Home Sweetie Home na pinagtatambalan nina John Lloyd at Toni Gonzaga.  

RACHEL ANN, ENGAGED NA 
Ibinalita kamakailan ni Rachelle Ann Go na engaged na siya sa kanyang American boyfriend na si Martin Spies, at nag-post pa siya ng larawan nila nang mag-propose ito sa kanya. Nakaluhod si Martin sa harap ni Rachelle Ann, habang nasa tabing dagat sila sa Boracay. Ang caption niya: “ I just prayed for this on my 31st birthday, and just like that, this happened. What an amazing God we have. Thank you Father God for this man. A man who loves you first. I still cannot believe this!”

Noong nakaraang buwan, nag-post na rin sa Instagram si Rachelle Ann tungkol kay Martin.

“Look for a man who will not just patiently wait for you after work, carry your bag ‘coz he knows you’re tired, treat you like a queen, make you laugh constantly but also who puts God first and pray for/with you. If he loves God first he will also honor & respect you all the days of your life!”

Si Martin ay general manager ng luxury fitness at wellness company na Equinox sa Amerika.

Unang lumabas ang larawan nina Rachelle Ann at Martin na magkasama noong Abril. Kuha ito sa New York, kung saan itinatanghal ang “ Miss Saigon”. Mula noon ay madalas nang nakakasama ang lalaki sa mga pasyalan ng pamilya ni Rachelle, na ang pinakahuli nga ay nang muling dumalaw ito sa Pilipinas at nakasama sa bakasyon sa Boracay.

Ilan sa mga unang nakaalam sa engagement ng sikat na singer at stage actress ay ang mga kaibigan niyang sina Kyla at asawa nitong si Rich Alvarez, Yeng Constantino at asawang si Yan Asuncion, Moi Bien, at ilang kasamahan nila sa Cornerstone Entertainment, nang magbakasyon din sila sa Boracay upang sorpresahin si Rachelle Ann. Isa sa pinakamalapit din niyang kaibigan, si Erik Santos, ang nag-post ng close-up picture niya na suot ang engagement ring.

Nakatakdang umalis papunta ng London si Rachelle para naman sa pagtatanghal ng popular na musical na “Hamilton” sa Victoria Palace Theatre na magsisimula sa December 6. Gagampanan niya ang mahalagang papel bilang Eliza Schuyler Hamilton.

MARIAN, BALIK–AKSYON
Hindi na bago kay Marian Rivera ang pagganap sa mga action roles dahil nag-bida na siya sa Darna, Dyesebel at Amaya sa TV, at Super Inday and the Golden Bibe sa pelikula. Sa muling pagbabalik niya sa primetime TV, sasabak ulit siya sa aksyon sa Super Ma’m ng GMA Network, simula sa September 18. Gagampanan niya ang papel ng isang guro na si Minerva Henerala, at bilang Super Ma’m, na isang super heroine.

\Ang Super Ma’m ay sa direksyon ni LA Madridejos, (director ng dating TV series na Meant To Be), at makakatambal ni Marian ang baguhang aktor na si Matthias Rhoads at si Jerald Napoles. Kabilang din sa cast sina Kim Domingo, Carmina Villaroel, Helen Gamboa, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Kevin Santos, Isabelle de Leon, Jackielou Blanco, Jillian Ward, Meg Imperial, Al Tantay, Chariz Solomon, at marami pang iba. May special participation din sina AiAi delas Alas at Dina Bonnevie.

Pinipili ni Marian ang kanyang mga projects dahil ayaw niyang mawalan ng oras para sa kanilang anak ni Dindong Dantes na si Zia. Mas abala ngayon si Dingdong dahil bukod sa Alyas Robin Hood series nito ay may pelikula pa itong ginagawa, kaya si Marian ang mas nakatutok ngayon sa anak.

Pagkatapos ng Super Ma’m ay balak na rin daw nilang sundan si Zia, dahil naghahanap na ito ng kapatid, at ang gusto daw nito ay isang baby brother.

Pagkatapos dumalo sa bonggang kasal nina Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris, kung saan ay isa siya sa mga a flower girls si Zia, nakatakda rin siyang dumalo sa kasal ng isa sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz, si AiAi delas Alas. Ikakasal si AiAi sa Dec 12 sa kanyang live-in partner na si Gerald Sibayan, at gaya ng ipinangako ni Marian, sagot nito ang bridal gown na ang tatahi ay si Frederick Peralta. Veil sponsor si Marian sa kasal.

CELEBRITY WEDDINGS
Bukod kina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan na ikakasal sa Dec 12, nakatakda na ring magpakasal ang mga Kapuso stars na sina Max Collins, 25, at Pancho Magno, 25, sa Dec 11. Gaganapin ito sa Marriott Hotel at kabilang sa principal sponsors ay sina Sen. Manny Pacquiao at asawang si Jinkee, Kuh Ledesma, Perry Lansigan at director Maryo J. Delos Reyes. Ang mga kaibigan ni Max na sina Andrea Torres at Rochelle Pangilinan ay kabilang sa bridal entourage.
I
naabangan na rin ang petsa ng kasal ng mga engaged na celebrity couples na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff, Billy Crawford at Coleen Garcia, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Maxene Magalona at Robby Mananquil, Kylie Padilla at Aljur Abrenica, Desiree del Valle at Boom Labrusca, Buboy Villar at Angilyn Serrano Gorens, Ms. World Ph 2014 Valerie Weigmann at Bodie Pulido, at Rachel Ann Go at Martin Spies.

Inaasahang susunod na ring magpapahayag ng engagement sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Geoff Eigenmann at Maya, Alex Gonzaga at Mikee Morada, Roxanne Barcelo at Will Devaughn.

Don't Miss