Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Laging may dalang ka-dinner

05 September 2017

Inis na inis si Nadia, 38 at Ilokana, dahil mahilig magsama ng bisita ang amo sa kanilang bahay para maghapunan ng walang pasabi.

Minsan ay sasabihin ng amo na dalawa lang silang kakain, tapos pagdating ay apat pala sila. Sa ganitong pagkakataon ay si Nadia at ang kanyang kasamahan ang nawawalan ng kakainin, kaya nagbubukas na lang sila ng de lata.

Ang mas masama ay talagang kulang lagi ang kanilang pagkain, kaya minsan ay iminungkahi niya sa amo na bigyan na lang siya ng food allowance, pero hindi ito pumayag. May pagkain naman daw sila ng kasama niyang kasambahay.


Ang totoo ay kulang na kulang ang ipinapakain sa kanila lagi. Pati ang laman ng sopas na wala nang lasa dahil sa kakapakulo ay pinapakain sa kanila. Naisip ni Nida na lagi na lang siyang magluto ng sobra, para kung may biglaang bisita ay hindi sila gutumin ng kanyang kasama. Tutal, pwede naman nilang kainin kinabukasan ang anumang sobra. - George Manalansan
Don't Miss