Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Walong takot sa harap ng pang-aabuso

19 September 2017

Ilang araw pa lamang sa paninilbihan si Jane sa kauna-unahan niyang amo dito sa Hong Kong ay napagtanto niya na may mali sa pagtrato sa kanya. Gaya ng pagtutok ng CCTV sa kanyang kwarto, at pagsabing hindi niya maaring isarado ang pintuan kapag matutulog na siya.

Kahit ang pakikipag-usap niya sa kanyang mga kapamilya sa oras na ng kanyang pahinga ay ipinagbabawal din dahil oras daw iyon ng kanyang pahinga at hindi oras ng pakikipag-usap niya sa cellphone.

Nang hindi na siya makatagal ay walang takot siyang nagsumbong sa pulis. Ang amo naman niya ay agad na lumapit sa kanilang agency at binaligtad lahat ng mga sinabi ni Jane.

Maniniwala na sana ang agency, kaya lang ay nalaman nilang pangalawa na si Jane sa nagsumbong sa pulis sa parehong sitwasyon kaya mas pinanigan nila ang Pilipina.

Sinamahan nito si Jane sa POLO para ipa blacklist ang amo, at hinanapan din siya ng bagong malilipatan. Sinuwerte naman si Jane dahil pumayag ang POLO at ang Hong Kong Immigration na huwag na siyang umalis ng Hong Kong habang hinihintay ang paglabas ng panibago niyang visa.

Napahanga naman kay Jane si Alma na nakilala niya sa agency.

Isinumbong ni Alma sa agency ang laging pagsigaw-sigaw sa kanya ng among babae, bagay na nagdudulot sa kanya ng malaking kaba. Dinig na dinig daw kasi sa buong kabahayan kapag sinisigawan siya.

Dala na rin ng kanyang bagong angking katapangan ay naglakas-loob si Alma na isumbong sa among lalaki ang ginagawa ng asawa nitong pambubulyaw. Hindi naman pala lingid sa lalaki ang ugali ng asawa, kaya humingi na lang ito ng paumanhin kay Alma.

Gayunpaman, pinagsabihan nito ang asawa kaya medyo bumaba na ang boses nito kinabukasan. Sinabihan din ito ng lalaki na isulat na lang sa papel ang lahat ng gusto nitong mangyari kaya hindi na kailangan pang manigaw at manakot sa katulong. Sina Jane at Alma ay parehong Bisaya. – Marites Palma

Don't Miss