Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Kunsumisyon ni Fely ang kaibigan

17 November 2017

Dismayado si Fely sa kaibigang kapwa taga-Pangasinan dahil sa loob ng dalawang taon nito sa Hong Kong ay humihiram ito ng allowance sa kanya halos buwan-buwan dahil halos lahat ng kinikita ay ipinapadala sa pamilya sa Pilipinas.

Kinagalitan niya tuloy ito isang araw. “Por Dios por santo, wala ka bang isip, ikaw ang nagtatrabaho, kumikita, bakit mo sinasagad ang sarili mo? Lagi ka na lang kapos,  magtira ka naman ng para sa sarili mo,” panggigigil na wika nito sa kaibigan.

Nadagdagan pa ang kunsumisyon ni Fely nang malaman na tatlong linggo na palang overstay ang kaibigan dahil basta na lang daw nitong iniwan ang kontrata sa mesa para pirmahan ng amo, pero hindi pinaalala.

Nang makita ng amo ng kontrata ay overstay na siya. Nasabi tuloy ni Fely, “Dikdikin man kita, friend pa rin kita!”. Hindi niya alam ngayon kung hanggang kailan niya matitiis na laging pangaralan ang kaibigan gayong pareho na silang nasa 40 taong gulang na. – George Manalansan

Don't Miss