Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ano ang kapalaran mo sa simula ng taon?

03 January 2018

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Paghuhusayan mo ang trabaho mo ngayon, lalo na kung may bago kang ginagawa. Suwerte ang love life, kaya masaya ang buhay ng may-asawa. Sa mga walang relasyon, ito ang tamang oras na makipagkaibigan. Mas malaki ang tsansa mong kumita sa trabaho kesa makipagsapalaran. Pananakit ng ulo at puyat ang mararanasan dahil sa labis na pag-iisip. Lucky numbers: 18, 23, 29 at 31.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Sa umpisa ng taon ay makakaranas ka ng sari-saring problema. Maghinay-hinay upang makapag-isip at maiwasan pang lumala ang sitwasyon. Mahihirapan ka rin sa pakikipag-relasyon, at maging ang pagkakaibigan ay masusubukan dahil sa mga away. Habaan ang pasensya at piliting makontrol ang galit. Lucky numbers: 4, 13, 39, at 41.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Maganda ang pakikitungo mo sa lahat, at matutulungan ka ng mga taong ipinanganak sa taon ng Tigre upang mapaganda ang iyong trabaho. Kung naghahanap ng trabaho, makikilala mo ang taong maniniwala sa kakayahan mo. Mapayapa ang pagsasama kahit salat sa dating init ng pagmamahal. Maganda ang lagay ng pananalapi at kalusugan, pero iwasan ang kumain ng labis. Lucky numbers: 11, 29, 33 at 40.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Maganda ang pasok ng taon dahil sa magandang simula sa trabaho. Kung gagawa ka ng plano para mapaganda ang kalagayan mo, at pagsisikapan na masunod ito ng unti-unti, malaki ang tsansang magtatagumpay ka. Mag-ingat sa pakikipag-usap dahil baka ka madiin sa isang bagay na maaring humantong sa demanda. Sa pamilya, ang hindi pag-uusap ng maayos ay maaring humantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers: 3, 14, 28 at 45.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Kailangan pang dagdagan ang sipag upang umangat ang kabuhayan. Huwag gaanong problemahin ang pagkakasakit; bigyan ng atensyon ang kinakain. Maging palakaibigan. Sa trabaho, kumilos ng maingat, pero sigurado sa ginagawa; huwag masyadong maging agresibo at huwag i-pressure ang sarili. Magiging maswerte ka sa pera ngayon, pero huwag maging tuso. Lucky numbers: 9, 17, 26 at 44.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Magiging swerte ka sa trabaho sa unang bahagi ng 2018. Humingi ng tulong sa iba upang mapaganda ang trabaho. Hangga’t nagsisikap at nagsisipag ka, maraming oportunidad ang magbubukas sa iyo. Malaki ang tsansa na umangat pa dahil sa tapang mong makipagsapalaran, pero iwasang maging gahaman sa pera. Lucky numbers: 16, 27, 34 at 48.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Maganda ang dating ng Year of the Dog sa iyo. Hangga’t ginagawa mo ng maayos ang trabaho at mahusay kang makisama sa mga kasamahan, tuloy-tuloy ang pag-asenso mo. Ang away sa kapartner ay hindi nakakapekto sa relasyon sa ngayon, pero iwasang lumala pa ito. Maswerte ka sa pera ngayon, magandang i-share din ito sa iba. Lucky numbers: 11, 23, 37 at 42.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Pag-isipang mabuti bago ka maglabas ng pera, mahirap sumugal sa mga bagay, lalo kung hindi mo ito kabisado. Hindi ito ang tamang oras upang magsimula ng bagong negosyo, pag-aralan pa itong mabuti. Huwag pakialaman ang gawain ng iba upang makaiwas sa away. Maganda ang relasyon mo sa kapartner kaya madaling maayos ang anumang gusot. Pag-ingatan ang tiyan at sikmura, iwasan ang pagkain o pag-inom ng alak ng sobra. Lucky number: 12, 19, 25 at 30.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Mahihirapan kang gawin ang trabaho mo ngayon dahil kailangan mong isipin ang sariling kaligtasan at katatagan ng kalagayan. Madali ka ring mairita at mapa-away, piliting kumalma sa gitna ng mga problema. Sa walang karelasyon, may tsansang makilala mo ang taong nababagay sa iyo, at masisimulan ang matatag na relasyon, sa tulong ng iyong kaibigan o kaanak. Iwasang maglabas ng malaking pera. Ingatan ang pananakit ng sikmura. Lucky numbers: 7, 18, 35 at 40.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Magiging masipag ka sa panimula ng bagong taon at magbubunga ito ng magandang resulta. Sa mga walang karelasyon, ito ang tamang oras na makihalubilo at makipagkaibigan dahil swerte ka sa pag-ibig ngayon. May pagkakataon ring kumita ng maayos ang iyong puhunan. Panatilihin ang magandang kalusugan sa pamamagitan ng pagkain ng wasto at balanseng pagkain. Lucky numbers: 20, 21, 38 at 46.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Lahat halos ng gawin mo ay magiging maganda ang resulta, kaya makukuha mo ang tiwala ng iyong boss at mabibigyan ka ng mahalagang posisyon. Maganda ang tubo ng iyong puhunan, ituloy mo lang ang sinimulan mo. Bigyan ng pansin ang sakit sa puso, lalo na kung senior citizen na. Mag-ingat din sa pagtaas ng presyon ng dugo. Lucky numbers: 16, 14, 18, at 32.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Makakaranas ng hindi inaasahang problema sa trabaho at dagok sa buhay, kaya mahihirapan kang makagalaw at makapag-isip ng maayos. Maging ang love life ay magkakaroon ng malaking pagbabago. Dahil sa mga pinagdaraanan, hindi napapanahon ang pagpasok sa mga delikadong pamumuhunan.Mag-ingat sa mga sakuna na magdudulot ng pagdurugo. Lucky numbers: 19, 21, 33 at 40.
Don't Miss