Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Phone addict kasi siya

20 January 2018

Si Mel ay isang Ilongga mula sa bayan ng Pototan, 35 taong gulang  at dalaga. Patago siya lagi kung mag Facebook habang nagtatrabaho. Noong Enero 4 ng hapon, habang abala siya sa kusina sa paghahanda ng pagkain para sa gabi, nilagay niya ang kanyang telepono sa loob ng kaserolang ginagamit para mag sterilize ng bote ng kanyang alaga ang. Ang kanyang cellphone kasi ay Xperia at dahil malaki ay hindi niya mailagay sa kanyang bulsa.

Biglang lumabas ang matandang kasama nila sa bahay at binuhat ang kaserola. Laking gulat nito dahil mabigat ang kaserola dahil sa lamang natatakpan pa ng basahang pamunas.

Nang buksan nito ang kaldero ay nakita ang cellphone ni Mel. Hiyang hiya si Mel sa nangyari at parang pusang naiihi na hindi alam ang gagawin.

Inamin na lang niya sa matanda na hindi niya kasi mapagkasya sa bulsa ang kanyang telepono, at ayaw din niya itong iwan sa kanyang kuwarto. Mabuti na lang at hindi nagsumbong ang matanda sa kanyang anak na lalaki na siyang amo ni Mel.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabisto si Mel na nakadikit sa kanyang telepono habang nagtatrabaho.

Dati ay sa bulsa ng apron niya ito itinatago pero nang minsang makialam ang kanyang among lalaki sa kusina ay bigla nitong ginamit ang apron kaya nabisto din si Mel. Mabuti na lang at pawang mababait ang kanyang mga pinagsisilbihan at wala siyang narinig na sermon sa kanila.

Si Mel ay mahigit tatlong taon na sa mga among taga Kowloon. – Merly Bunda

Don't Miss