Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Makulit ang alaga

23 February 2018

Si Kristine ay tubong Maynila 43 taong gulang, at may dalawang anak na lalaki na pareho nang tapos sa pag-aaral. Sa Hong Kong ay may alaga siyang kambal na babae’t lalaki na limang taong gulang at nasa Primary 1.

Nitong Huwebes, bandang alas tres ng hapon, ay biglang sumakay sa bus ang kanyang alagang babae nang hindi niya namamalayan. Noong nasa bus stop kasi sila ay dalawang bus ang magkasunod na dumating, 91 at 91M. Dapat ay sa 91 sila sasakay papuntang Clear Water Bay.

Pagtigil ng mga bus ay hindi namalayan ni Kristine na biglang tumakbo ang alagang babae sa pangalawang bus para sumakay dahil gusto nitong laging makipag-unahan sa kapatid. Si Kristine at ang batang lalaki naman ay nakipagsiksikan papanhik sa bus 91 dahil gusto ng lahat na mauna para makakuha ng upuan. Pasakay na sila nang mamalayan ni Kristine na wala na iyong alagang babae.

Mabuti at may taxi na pumara sa likod ng papaalis nilang bus at agad itong pinara ni Kristine. Sinabihan nya yung driver na sundan ang 91M bus dahil nandoon ang isa niyang alaga. Naabutan nila ito sa tapat ng Hang Hau market.

Paalis na ulit sana ito nang pinukpok ni Kristine yong pintuan ng bus para tumigil. Mabuti at binuksan naman ng driver yung pintuan kaya nakasakay sila. Pag-akyat nila ay nakita nila agad ang batang babae at sinermunan ito ng kapatid.

Hindi na nakuha ni Kristine na bayaran ang taxi sa pagmamadali. Pagdating sa bahay ay muling nasermunan ng magulang ang batang makulit at sinabi na mabuti iyong nangyari para ito magtanda.

Ayon naman kay Kristine, maging leksyon din sana ito sa mga katulad niyang may alaga na maging laging alerto, at huwag bibitawan ang kamay ng mga alaga kapag nasa labas. Kahit kasi gaano kaingat si Kristine sa mga alaga ay nasalisihan pa rin siya. Malapit nang matapos sa pangatlong kontrata si Kristine sa mga among German at Canadian. – Merly T. Bunda
Don't Miss