Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Nakahabol sa last trip si MJ

21 February 2018

Si MJ ay isang Ilongga, 55 taong gulang at 20 taon nang hiwalay sa asawa at walang anak. Naging makulay muli ang.kanyang buhay pag ibig nang makilala niya sa social media ang Sri Lankan na si PP, 48 taong gulang, diborsyado, at may negosyo na pa-rentahan ng mga sasakyan sa mga turista sa Kandy, Sri Lanka.

Si PP ang unang nakipagkaibigan kay MJ sa Facebook at doon na nag-umpisa ang kanilang pag chat. Dumalas ang pagpapalitan nila ng kuwento hanggang sa nanligaw ito sa kanya. May dalawang anak si PP pero malalaki na.

Noong nakaraang taon, buwan ng Hunyo, ay dumating ang pinaka-aasahang visa ni MJ para sa Sri Lanka, at agad siyang nag-book ng ticket gamit ang perang pinadala ng boyfriend. Pagdating ni MJ sa Kandy ay sinundo siya ng lalaki at pinatira sa kanyang villa.

Ayon kay MJ mapagmahal, maasikaso at nirespeto siya ng kanyang kasintahan sa dalawang linggong pamamalagi niya sa Sri Lanka. Gayon pa man, “open relationship” daw sila ngayon dahil parang hindi niya gustong manirahan sa Sri Lanka sa kanyang edad.

Natatakot siyang hindi makauwi sa Pilipinas nang madalas dahil may kalayuan din ang Sri Lanka. Ang payo sa kanya ng kanyang pamilya ay mag enjoy na lang siya at bisitahin ang kanyang boyfriend kung nami-miss niya. Tama na iyong nabigyan siya ng true love kahit ang pakiramdam niya noon ay naiwanan na siya ng huling biyahe. – Merly T. Bunda

Don't Miss